Armchair

1.9K 90 6
                                    

Happy Sweet 16 Aira Camille. Love you <3

 🙌 🙌🙌🙌🙌      

(MONDAY)

Aira Camille Dioso Zuela

Yan yung nakalagay sa ID ko na kabibigay lang nung masungit na babae sa admission office. Partida may 1x1 picture ko pa yun na todo ako kung makangiti.

" Aira! Tara na uy! Parating na si Ma'am Gomez tinititigan mo pa yang mukha mo. " and that's Ashley my oh so kontrabida friend in my life. Imagine lahat nalang ng ginagawa ko kinokontra niya. Menopausal na ata to e.

" Opo madam. "

Pagdating namin sa room ayun as usual parang may World War II nanaman sa ingay ng mga siraulo kong kaklase. Umupo si Ashley dun sa front seat at syempre ako punyeta sa dulo nalang lagi. Hindi pa nag-iinit ang pwet ko sa pagkakaupo ng dumating si Ma'am Gomez. Pagkatapos namin bumati ay diretso agad si Ma'am gomez sa pag-tuturo ng bago daw naming lesson. Hay nako another boring day nanaman sa subject na A.P

Bakit ba kasi kailangan pa naming pag-aralan yang Ekonomiks nay an pwede naming History nalang. Buti nalang talaga at ditto ako sa tabi ng bintana naka pwesto pwedeng-pwede ako matulog ng mahimbing since nasa likod rin naman ako saka hindi naman kasi nagpupunta ditto sa likod si Ma'am Gomez.

Payuko na ko ng mapansin kong may sulat ng kung ano sa desk ko. Teka nga! BAKIT MAY SULAT TO? Sino sa mga gago kong kaklase ang lapastangang nagsulat sa desk ko? Kinalabit ko si Lucy na busy sa pakikinig kung papaano mapapaunlad ang ekonomiya.

" Lus, ikaw ba nagsulat sa desk ko? " matalim ang tinging binigay ko sa kaniya.

Umiling naman siya. " Hindi a! Bakit ko naman susulatan yang desk mo. " defensive niyang sagot.

" Kung hindi ikaw edi sino naman aber? " beast mode on.

" Baka naman yung mga College Student na nagroroom dito kapag gabi. "

" May nagroroom dito? " nanlalaking matang tanong ko sa kaniya.

Tumango siya naman siya bilang sagot.

" Bakit kailangan pang dumihan yung desk ko? " nagkibit balikat lang siya at ipinag patuloy na ang pakikining sa pagpapaunlad ng bansa.

Kasi naman! Sa lahat ng pwedeng sulatan ito pang desk ko. Wala ba siyang papel at desk ko ang pinagdiskitahan niya?

Hello!! =)

(TUESDAY)

" Uy friend! May sagot ka na ba dun sa assignment natin sa A.P? " napakatamad talaga ng babaeng to kahit kalian. Tinanguhan ko siya. At ang kapag ng mukha dahil siya na mismo ang kumuha ng notebook ko sa bag. Pagkakuha niya ng notebook ko ay nagsulat agad siya tsk tsk Hokage talaga oh!

Pero hindi yun ang iniisip ko ngayon! Ang iniisip ko ngayon ay ang pesteng tinta ng ballpen sa desk ko. Punyeta nananadya na ata yung gumagawa nito.

" Baka naman matunaw yang desk mo. Kung makatitig ka kala mo mapapatay mo yan. " sabi ni Ashley pero di ko siya pinansin kaya naman nagsalita siya uli. " Bakit ba ha? May problema ba? " di ko sinagot yung tanong niya basta tinuro ko nalang sa kaniya yung desk ko.

" Shit! Lagot ka kay Ma'am Logan sinulatan mo yung desk. "

Tinakpan ko yung bibig ni Ashley. " Shh! Wag kang maingay nasa harap lang si Ma'am. " tinanggal ko rin naman agad yung kamay ko sa bibig niya.

Armchair (Oneshot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon