Chapter Two

220 8 0
                                        


DAHAN-DAHAN niyang minulat ang mga mata niya at puting kisame ang unang bumungad sa kanya.

Where am I?

Ang huling natatandaan niya ay pauwi na sila ni Miguel, nasa kotse sila. At.. at..

Bigla siyang napahawak sa bandang noo niya ng kumirot yun. May benda ang ulo niya!

"Yanny?"

Nilingon niya boses ng tumawag sa kanya."Dad?"

Nakita niya itong papalapit sa kama niya at seryoso siyang tinitigan.

"You're awake now. I'll call the doctors."

"Where am I? Bakit parang may sugat ako?" Igagalaw sana niya ang kaliwang kamay niya ngunit hindi niya maikilos yun.

Nang i-check niya kung bakit ay nagulat siyang naka-cast pala ang braso niya.

"Naaksidente ka. Kayo ng classmate mo."


Nanlaki agad ang mga mata niya pagkarinig sa sinabi ng Daddy niya.

Tama! Naalala na niya. Duguang mukha ni Miguel ang huling nakita niya bago siya mawalan ng malay!

"D-dad? What happened? B-bakit-"

"Obviously, dahil sa sobrang kalasingan mo, Florian. Hindi nakapagtatakang wala kang matandaan sa nangyari. Bumangga kayo sa isang poste matapos iwasan ng classmate mo ang isang motor. At nawalan kayo ng control dahil nakainum din siya." seryosong saad nito sa kanya.

Alam niyang galit ang daddy niya. Hindi siya nito tinatawag sa buo niyang pangalan kung hindi seryoso ang pinag-uusapan nila.

"Kamusta na siya, dad? Is he okey?" nag-aalalang tanong niya.

God, sana walang masamang nangyari sa kaibigan niya.

"He's okey. Nagpapagaling na lang siya katulad mo. At hindi mangyayari sayo ang aksidenteng ito kung natutulog ka na lang sa kwarto mo at hindi na tumakas pa. Ilang beses mo na bang ginawa ito? I thought nagbabago kana this past few days. So, pagkukunwari pala lahat ng yun, Florian?"


Nakaramadam siya ng matinding guilt. Tama ang daddy niya. Pagkukunwari lang ang pinakita niyang kabaitan sa loob ng isang linggo. Kumbaga planado niya iyong lahat dahil gusto lang niyang maglakwatsa. Bumakas ang labis na pagsisisi sa mukha niya.


"Im sorry, daddy.." naluluhang sabi niya.

"Yan lang naman ang kaya mong sabihin kapag nakakagawa ka ng kasalanan. You always say you're sorry kapag nagagalit kami sayo. Aminado akong lagi kitang kinakampihan sa lahat ng oras, sa lahat ng bagay kahit na mali kana pero sa ginawa mo ngayon parang mo na din akong hindi ginalang." Mariing sabi nito sa kanya.

Hindi nito naitago ang galit sa kanya.

"D-dad.."

Pilit niyang inabot ang kamay nito ngunit agad na dumistansya ito sa kanya.

"You already draw the line. You failed me, Florian."malamig na sabi nito sa kanya.

Pagkasabi nun ay lumabas na ito ng hospital room.Nakaramdam siya ng sakit pagkarinig sa sinabi ng daddy niya. Sa buong buhay niya, lagi siyang sinusuportahan ng daddy niya. Nasa likod lang niya lagi ito at sinasang-ayunan sa lahat ng naisan niya kahit na alam nitong mali siya. Siguro, napuno na rin ito dahil sa ugali niya.

"You failed me, Florian.."

Parang echo na umaalingawngaw sa utak niya ang sinabi ng daddy niya. Na paulit-ulit na nag-p-play sa utak niya.


PAGKALIPAS ng apat na araw, nakauwi na rin siya sa bahay nila.

Hindi na siya nagtaka nang hindi siya tinangkang dalawin ng mommy niya habang nasa hospital pa siya. Pero labis na nagdamdam siya ng hindi na bumalik ang daddy niya para kamustahin siya. Siguro, talagang nagalit ito ng husto sa nagawa niya.

My Mischievous Kisser (PUBLISHED PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon