Chapter One

965 15 1
                                    


Maingat ang bawat hakbang niya. Hindi siya dapat makagawa ng anumang ingay na magiging dahilan para magising kung sinuman sa bahay or worst, ang Mommy niya. Tiyak niyang magkakaroon ng World War III sa bahay nila.


Sinipat niya ang wristwatch niya. Alas-tres y media ng madaling araw na pala. Nagkasiyahan kasi silang magbabarkada sa isang sikat na bar sa Timog at hindi na niya namalayan ang oras.

Tumakas lang siya kagabi at nagpanggap na maagang matutulog para walang makahalata sa plano niya. Nang masigurado na niyang tulog na ang mga tao sa bahay, especially, ang mommy niya, ay tumakas na siya. Ngunit mahigpit na ibinilin muna niya kay Myra, ang katulong nila na kasabwat niya sa bawat kalokohan niya na huwag i-lock ang pintuan sa may dirty kitchen. Kasundo niya si Myra dahil lagi niya itong binibigyan ng suhol para hindi siya nito isumbong.

Wala naman siyang problema kung paano makakapasok sa gate ng bahay nila. Matagal na niyang napaduplicate ang susi niyon nang hindi nalalaman ng mommy niya.

Aba, maparaan tao kaya siya. Kaya nga nakakapaglakwatsa siya na hindi nalalaman ng Mommy niya.

Napangisi siya. Matalino't tuso talaga siya at proud siya dun.

Tinanggal na niya ang sapatos niya at pa-tip-toe na lumabas ng dirty kitchen. Dadaan muna siya sa dining area nila para makapunta sa sala at makaakyat nang hagdan.

Pilit niyang inaninag ang daraan. Nakapatay na kasi ang mga ilaw at doon niya nasiguro na wala ni isaman ang gising sa bahay.


Walang ingay na narating niya ang sala nila. Paakyat na siya ng hagdan ng biglang bumukas ang ilaw sa buong sala. Dahil sa sobrang shocked ay nabitawan niya ang high-heeled shoes niya sa marmol na sahig nila na lumikha ingay.

"Florian! Where in the rotten hell did you go?"


Napapikit siya ng mariin ng marinig niya ang galit na boses ng mommy niya na dumagundong sa buong kabahayan nila.

Patay kang Yanny ka! Magtago ka na!

Bigla siyang kinabahan. Kilalang-kilala niya kung paano magalit ang Mommy niya. Dinaig pa nito si Annabelle Rama kapag dumakdak. Non-stop. Parang bazooka at machine gun na walang tigil sa panenermon. Minsan nga, mas gugustuhin na lang niyang magkulong sa bodega kasama ang mga daga at ipis kaysa sermunan siya nito ng sandamakmak. Aba, kaya ka nitong dakdakan ka ng ilang oras, nang walang tigil. Na halos makulili na ang tenga mo sa mga sinasabi nito.

Of course, she loved her Mom. Iyon nga lang, masyado itong mahigpit pagdating sa kanya. At iyon nga, sigurado siyang sesermunan siya nito hanggang sa lumitaw na si haring araw.

Napangiwi siya sa naisip.

Kung mamalasin ka nga naman talaga, oo!

Dahan-dahan niyang hinarap niya ang mommy na sa mga oras na ito ay namumula na sa galit.
Napakagat-labi siya.

Sino bang Santo na pwede niyang tawagin para iligtas siya sa mga kuko ng mommy niya?

"I'm asking you, Florian! Where the hell did you go?"

Dumagundong ang galit na boses ng mommy niya sa bawat sulok ng bahay nila. Sigurado siyang gising na ang lahat ng kasambahay nila dahil dun. Halos maglitawan na nga ang ugat nito sa leeg sa sobrang gigil sa kanya. Sa palagay nga niya ay gustong-gusto na siya nitong sabunutan nang mga oras na iyon.

"Mom, ano kasi.." kagat-kagat niya ang kuko niya ng sabihin yun.

Ginagawa niya yun kapag kinakabahan siya. At kapag pinapagalitan siya ng mommy niya.

"Answer me, Florian. Saan ka nagpunta at ganitong oras ka na naman umuwi? Di ba dapat nasa room ka na at natutulog?"

Napapitlag siya sa lakas ng boses ng mommy niya. Wala talagang katulad ito sa lakas ng boses.

"Sumagot ka!"

Napapikit na lang siya ng mariin. Wala siyang maisip na idahilan para malusutan ang sitwasyon niya ngayon.

Anong idadahilan niya? Na gumawa sila ng thesis hanggang madaling-araw? Hindi tanga ang Mommy niya para maniwala sa dahilan na yun. At isa pa, gasgas na dahilan na iyon dito.

"Sorry, Mom. Gumimik po ako." nakayukong sabi niya dito.

My Mischievous Kisser (PUBLISHED PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon