Chapter Three

358 7 5
                                    


NAPAPITLAG siya sa lakas ng boses nito. Dahil dun ay parang bigla siyang napabalik sa reyalidad.

Anong bang nangyayari sa kanya? Kung makaasta siya ay parang ngayon lang siya nakakita ng gwapo sa buong buhay niya!

"Who are you, woman?"

Nakaramdam siya ng inis. Wala pang tao na sinisigawan siya. And worst, pinagbintangan pa siya nitong magnanakaw sa mismong bahay ng lola niya! How dare him!

"Teka nga, bitiwan mo nga ako!"

Pilit niyang binabawi ang kanang braso niya mula sa pagkakahawak nito. Ngunit mas malakas ito sa kanya.

Tinignan siya nito mula ulo hanggang paa. "Well, may magandang magnanakaw pala sa panahon ngayon." nakangising sabi ng estrangherong lalaki.

Nakashorts kasi siya ng mga oras na yun at tank top na pinatungan lang niya ng blaser.

"I know I'm beautiful at matagal ko ng alam yun. But FYI, Mister, hindi ako magnanakaw! Kaya bitawan mo na ko kung ayaw mong isumbong kita kay Lola!" banas na sabi niya dito.

Napansin niyang kumunoot ang noo nito. "Lolo mo si Nanay Marita?" takang tanong nito.

"Ay hindi." sarkastikong sagot niya dito. "Narinig mo naman ang sinabi ko diba? Kaya ang mabuti pa bitawan mo na ako. Kundi sisigaw ak-"

"Ano bang kaguluhan ito?"

Sabay pa silang napalingon ng magsalita ang Lolo Marita niya. Papalabas ito ng pintuan.

"Lola-"


"Magandang umaga, Nanay Marita.Totoo po ba ang sinasabi ng magandang dilag na ito? Apo daw po niyo siya?" putol nito sa kung anuman ang sasabihin niya.

Tinignan niya ito ng masama. Asar na asar siya dito.

Gaga! Asar na asar ka dyan! Gusto mo nga siyang halikan kanina diba? Plastik mo!tuya ng isip niya.

Napansin niyang sinipat-sipat siya ng Lola Marita niya. Inilapit nito ng husto ang mukha sa kanya. Nang makilala marahil siguro siya ay nanlaki agad ang mata nito.

"Aba'y, ikaw ba yan Yanny? Diyaskeng bata ka!"

Napangiwi siya ng biglang hilahin nito ang buhok niya.

"Aray! Lola naman!" reklamo niya.

Napakabayolente talaga ng mabait niyang Lola. Sabagay, kanino pa ba magmamana ang Mommy niya?

"Pumasok ka na, pasaway kang bata ka. Si Derrick na bahala sa mga gamit mo. Hala, sige pasok na." mando nito sa kanya.

Pinaikot niya ang eyeballs niya. Simula na nang impyernong buhay niya kapiling ang lola niya.
Bago siya pumasok ng bahay ay tinapunan muna niya ng masamang tingin ang Derrick na tinatawag ng Lola niya.

Napansin niyang sinusundan din siya ng tingin nito. Napakaseryoso ng mukha nito na halatang nagdududa pa sa kanya.Inirapan niya muna ang binata bago malakas na sinarado ang pintuan. Naiinis talaga siya sa lalaking yun.

Tuloy-tuloy siya sa kwartong binigay sa kanya ng Lola niya.

Pagkakita niya sa malambot na kama ay agad na humiga siya. Napagod siya sa ilang oras na biyahe niya kaya nakaramdam siya ng antok. Pero parang mas napagod yata siya dahil sa nangyaring engkwentro niya sa Derrick na yun.

Pero infairness, gwapo talaga siya. At ang macho pa.

Marami naman siyang nakakasalamuhang gwapo at mayaman sa manila lalo pa at sa lifestyle na meron siya. Pero ito lang ang nakapukaw ng interes niya.
Hanggang sa nakatulugan na niya ang pag-iisip dito.


NAPABALIKWAS
siya ng bangon ng marinig niya ang malakas na kalampag sa pinto ng kwarto niya.

"Yanny! Dyaskeng bata ka. Bumangon ka na dyan!"

Asar na humiga ulit siya at tinakpan ng unan ang mukha niya. Sa tantya niya ay ilang oras pa lang siyang nakakatulog. Hindi nasana niya ito papansinin ngunit makulit ang Lola niya. Patuloy pa din ito sa pagkatok at pagsigaw. Matanda na ba talaga ito?

Nagdadabog na tumayo siya mula sa pagkakahiga at binuksan niya pintuan. Nang mga oras na iyon ay parang gusto na niyang bumalik ng Manila.

"Lola naman! Natutulog yung tao eh. Istorbo." reklamo niya dito pagkabukas niya ng pintuan.

Bigla siyang piningot sa tenga nito.

"Hapon na tulog ka pa din! Magsaing ka na!"

"Aray naman, Lola. Napakabayolente niyo talaga." reklamo niya habang hawak ang nasaktang tenga.

"Aba't!" inambaan siya nito ng tungkod. "Lumabas ka na diyan at magsaing ka na!" utos nito sa kanya bago tumalikod.

Bubulong-bulong na lumabas na siya ng kwarto.
Nanlaki ang mata niya ng maalala ang gustong ipagawa ng Lola niya.

Pero hindi siya marunong magsaing!


YES! hiyaw niya sa isip niya.

Sinabi kasi niya sa Lola niya na hindi niya kayang magsaing dahil sa injured arm niya. Kaya ito na lang ang nagsaing at nagluto ng ulam nila. Saka anong alam niya sa gawaing bahay? Buong buhay niya ay asa siya sa mga katulong nila. Kahit nga pagtitimpla ng juice ay inuutos pa niya. Magsaing pa kaya?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 04, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Mischievous Kisser (PUBLISHED PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon