Her's Chapter 1

367 5 2
                                    

"Nababaliw ka na ba Yana? Bat mo pinalaglag yang dinadala mo? Ano sa tingin ang sasabihin ng pamilya ni Miguel at ni Miguel na mismo dyan sa ginawa mo ha?"

Pinipilit nyang magpaka hinahon na sabi nya sa kakambal nyang kausap nya sa telepono.

"Sorry! Alam ko naman na mali ang ginawa ko eh.! sabi nito sa nagsisising tinig.

"Talagang mali! Yana naman! Buhay ng isang walang muwang na bata ang inagaw mo. Pinatay mo sya ng walang kalaban laban. Ni hindi nya nakita ang ganda ng mundo. Tapos ang masasabi mo lang ay isang sorry?! Elyana hindi tayo pinalaking ganyan nina nanay at tatay." nanghihinang sabi nya dito.

"Nagsisisi din naman ako eh. Eh ano pang magagawa ko? Andito na to eh. Wala na kong magagawa. Nagawa ko na kaya dapat panindigan ko na. Kaya sabihin mo kung tutulungan mo ba ako o hindi." sabi pa nito sa matigas na tinig.

Kambal nga silang dalawa pero magka ibang magka iba naman ang ugali nilang dalawa. Ito ang masasabing extrovert at sya naman ang introvert.

"Ganyan na ba ang paraan ng pag hingi mo ng tulong ngayon ha Elyana? Lumabas pa ako ng kumbento para lang dyan sa problema mo. Tapos kung sigawan mo ako ganyan na lang?" sabi nya dito sa hindi makapaniwalang boses.

"Okay sorry. Please Yura help me. Papatayin ako ni Sancho pag nakita nya ako. Help me Yura please!" balik na naman ang kadesperaduhan sa boses nito.

"Okay! Tutulungan kita pero sa abot lang ng aking makakaya." sabi nya dito sa sumusukong tinig.

"Magpanggap kang ako!" sabi nito.

Para syang binusuhan ng mainit na tubig sa sinabi nito.

Alam nyang di dapat na magmura ang isang katulad nya pero di nya napigilan ang sarili nyang di mapa mura

"Putang ina Yana! Nababaliw ka na ba ha?? Anong gusto mo ako naman ang putukan ng galit ni Sancho? Alam mo namang hanggat sa maaari ay ayaw kong makita yon eh. Tapos ako naman ang isusubo mo?" hinihingal sa galit na sigaw nya dito.

Alam nyang baka sa mga sinabi nya ay hindi na sya tanggapin sa langit. Pero hindi nya na kasi mapigilan eh.

Sobra na!

Oo tama kayo sa iniisip nyo. Isa syang Madre. Lumabas lang sya sandali sa kumbento gawa nga ng nito tumawag at may malaki daw syang problema at kailangan sya.

"Yura! Please! Yan na lang ang tanging paraan. Alam mo naman na mahal ka ni Sancho bilang ako diba? Kaya nga malaki ang naging pagtutol nya ng malaman na ako ang kasintahan ni Miguel dahil don. Dahil ang akala nya ikaw ako."

"Kahit na! Sa tingin mi ba sapwt na dahilan na yon para mapatawad ka nya ha? Mag isip isip ka Yana. Hindi ka na bata! Hindi sa lahat ng pagkakataon lagi akong nasa likod at pagtatakpan ang lahat ng kasalanang nagawa mo! Grow up!!" Pasigaw na paliwamag nya dito.

"Alam ko naman yon eh. Pero Yura pleasee! Last na talaga to. Pagkatapos nito wala na. Di na talaga kitw gugulohin. Please Yura.!"

Sasagot pa sana sya ng biglang bumukas ang pinto ng apartment nya. Kasabay ang pagpasok dun ng taong sa ngayon at sa mga darating pang bukas ay ayaw nyang makita.

"Sancho!" Mahinang bigkas nya sa pangalan nito.


"SIR alam na po namin kung saan nagtatago si Elyana Gertrude Dwight."

Ayon ang pangbungad na sabi ng inupahan nyang detective para hanapin si Yana. Ang kasintahan ng kapatid nya. Na bago yon ay pinaasa syang may ugnayan sila.

Nalaman nya kumakailan lang ay nalaman nya na buntis sa kapatid nya. Pagkatapos ay pinalaglag ang bata dahil sa isang simpleng dahilan.

Naaksidente ang kapatid nya at may tsansang di na makalakad o maka kita pa.

"Give me the exact details." sabi nya sa seryosing tinig.

Maya maya nga lang ay nasa harap na sya ng bahay kung saan nagtatago ang babaeng dahilan kung bakit lalong nalugmok ang kapatid nya sa kalungkutan.

"Sir hindi po namin mabuksan ang pinto." ang sabi ng isa sa mga body guard nya.

"Sirain nyo kung kina kailangan."

Agad namang nagsunodan ang mga ito sa uto nya.

Maya maya nga lang ay sira na ang pinto at nakapasok na sya. Doon nakita nya ang babaeng kinasu suklaman nya.

Muka naman itong gulat na gulat ng makita sya.

"Sancho!" ang sabi nito sa mahinang boses.

"Long time no see Elyana!" Ang sabi nya sa seryosong tinig.
----'

Sorry for the gramatical and typo error. I do not proof read.

Short update muna. Nagsisimula pa lang naman eh.

-possesivemina

Her Submissive (Very slow update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon