Her's Chapter 4

254 2 2
                                    

It's been almost 1 month simula ng kunin or should I say kidnap-in ni Sancho. At sa loob ng buwan na yon ay wala syang ginawa kundi kumain ng kumain.

Kumain ng kumain...

Kumain ng kumain...

Kumain ng kumain at matulog.

Panoy ang walanghiya ay kinulong sya.

Ni hindi man lang sya nasisinigan ng araw.

Feeling nya nga ang putla putla na nya eh. Na sa sobrang kaputlaan ay para na syang si Snowhite.

Di chos lang.

Buti na lang talaga nong matanggap nya ang tawag ng kakambal nya ay nagdadalawang isip sya kung itutuloy pa ba nya ang pagma madre o hindi na.

Hati na kasi ang puso at isip nya.

Sabi ng isip nya "Oo ituloy mo. Ipinangako mo yan sa Poong Maykapal nong iniligtas nya ang buhay mo nong labin dalawang taong gulang ka pa lang."

Sabi naman ng puso nya "Wag! Wag mong ituloy! Pano na si Sancho?? Diba mahal mo si Sancho? Ipaglaban mo ang pagmamahal mo sa kanya. Sa tingin mo ba matutuwa ang Poong Maykapal kung itutuloy mo pa ang pagma madre samantalang hati na ang desisyon ng puso at isip mo?? Hindi!! Kaya wag mo ng ituloy! Wagg!!!!!!"

Kaya ngayon ito sya. Nga nga!!

Hindi nya alam kung ilang taon, buwan, araw, oras, minuto at segundo na syang nakatunganga doon ng biglang bumukas ang pinto ng kwartong kinaroroonan nya.

Nanlaki ang medyo singkit nyang mga mata ng makita kung sino ang mga pumasok.

"Sorry Yura!" Umiiyak na sabi ng kapatid nyang si Yuna. "Kukunin na kita dito! Handa na akong pagbayaran ang ginawa kong mali. Hindi ko pala kaya na ikaw yong makikita kong nahihirapan. Yong ikaw yong nasasaktan at ikaw yong nagbabayad ng kasalanang di mo naman ginawa. Kaya sumama ka na sakin ngayon. Itatakas na kita." mahabang sabi nito sa kanya habang lumuluha.

Di nya alam kung anong kanyang gagawin. Gustong nyang makaalis dito at bumalik sa buhay na kanyang nakasanayan na. Pero ang isiping aalis na naman sya at iiwan si Sancho ay nagdadala sa kanya ng isang damdamin na na hindi nya maintindihan.

"Yura tara na! Wala ng oras! Baka maya maya lang ay bumalik na ulit si Sancho at maabotan pa tayo dito." ang nagmamadaling sambit ng kapatid nya.

"Yuna" ang mahinang tawag nya dito. "Hindi ko kayang umalis na hindi ko nalilinaw kay Sancho ang lahat. Ayoko na namang umalis na may hindi kami pagkakaunawaang dalawa."

"Yura! Kinukulong ka nya dito! Oo ngat pinapakain ka nya pero yong ikulong ka nya dito dahil lang sa pag aakala nya na ako ikaw ay mali.! Yura di na sya ang dating Sancho na nakilala mo. Nag bago na sya!" di makapaniwalang sabi nya dito.

"Alam ko naman yon eh. Pero!" aangal pa sana sya ng putulin ng kapatid nya ang kanyang sasabihin.

"Wala ng pero pero! Itatakas kita ngayin sa ayaw at sa gusto mo!" at sabi habang dahang dahang lumalapit sa kanya.

"A-anong gagawin mo Yuna?" di agad sya nakaiwas ng bigla itong tumalon.

Dahil sa mahina ang panimbang nya ay nagawa syang pabaksakin nito kahit na nga ba parehas lang sila halos ng timbang at taas.

"Patawarin mo ako Yura! Ginawa ko lang ito kasi di ko na kayang makita na nasasaktan ka ng dahil lang sa kanya." lumuluhang sabi nito.

Ayon na lang ang natandaan nya bago sya lamunin ng antok at mahimlay sa kadiliman.

Nagising sya sa isang di pamilyar na silid. Puro purple ang paligid non. Mula ding ding, sahig, carpet, hanggang kobre kama at punda ng unan ay kulay purple.

Matagal din syang nakaupo lang sa kama at inaalala ang nangyari at kung pano sya napunta sa lugar na iyon.

Maya maya lang ay luminaw na sa kanya ang lahat. Ang pagpunta ni Yuna sa lugar na pinag kulungan sa kanya ni Sancho. Pati na rin ang pagpapatulog nito sa kanya.

Di nya alam kung anong mararamdaman pagkatapos ng mga naalala nya. Pero kahit na kaonte ay wala syang naramdaman na galit o inis man lamang sa kapatid nya dahil alam nyang nagawa lamang naman nito iyon dahil gusto nito na mapabuti lamang sya at di makaranas ng hirap sa taong di naman nya ginawan ng mali.

Ilang minuto ang pinalipas nya dun para mag isip isip at mag muni muni bago nya naisipang lumabas para hanapin at kausapin ang kapatid nya or rather kakambal nya.

Sa paglabas nya ng pinto ay nakasalubong nya ang isang matandang babae na akmang kakatok sa pinto ng kwartong kinaroroonan nya.

"Magandang hapon po Miss Yura! Gising na po pala kayo. Kanina pa po kayo hinihintay ni Miss Yana sa garden para makapag usap ng maayos." mahinahong sabi sa kanya ng matanda.

"Ah ganon ho ba?? Pwede nyo po ba akong samahan sa garden? Di ko po kasi alam kung saan eh." mahinahong tanong nya dito.

"Syempre naman po.!" masiglang sagot nito. "Dito po tayo." pagkatapos non ay naglakad na sila sa daang itunuro nito na papunta sa garden.

Maya maya nga lamang ay andon na sila. Nakita nya ang nakatalikod na pigura ng kapatid nya na kahit hindi nya paharapin ay alam nyang tumaba.

"Dito na ho ako Miss Yura." magalang na paaoam sa kanya ng matanda at pagkatapos nga ay umalis na.

"Yana" ang tawag nya sa kapatid nya.

Dahan dahan naman itong humarap sa kanya. At ganon na lang ang panglalaki ng mga mata nya ng makita ang malakin umbok ng tyan nito na isa lang ang ibig sabihin.

Buntis ito at hindi ipinalaglag ang batang nasa sinapupunan nito. Pero pano yon nangyari? Madamin katanongan sa isip nya na isa lang ang makakasagot. Ayon ay si Yana. Na nasa harapan na nga nya ngayon.

"Yura" nakangiting sambit nito sa pangalan nya.

"B-buntis ka? P-paanong nangyari? Diba sabi mo pinalaglag mo ang bata? Paanong buntis ka ulit ngayon?"

Ngumiti lang ito sa kanya. Pero kitang kita nya sa mga mata niti ang lungkot na tinatago sa likod ng mga ngiting iyon. Ang lungkot na kitang kita parin kahit na nga nakangiti ito sa kanya.

"Anong nangyari?" sabi nya agad dito at agad din itong niyakap ng makitang tumulo ang malalaking butil ng luha sa mata nito.

----------------
Medyo mahaba haba na sya. May nag add kasi sa reading list nya eh. Nekekeleg nemen eke XD.

May update mamaya. Kung sisipagin akong mag type ^.^

-Mina

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 10, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Her Submissive (Very slow update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon