Simula

67 6 0
                                    

Ang dilim ....
Ang dilim dilim...
Nasaan ang liwanag?
Wala akong makita...
Ayoko na dito...
Pakiusap..
Iligtas mo ako...
Iligtas mo ako...
Ginoo...

---------
De La Cruz Mansion

Year:2016

Sa labas ng marangyang mansion ng pamilya Dela Cruz

"Pakiusap ser! Wag niyo kong tanggalin! Wala na ho akong mapupuntahan hindi ho ako nakagraduate sa highschool at ito lang ang alam kong trabaho. Huwag mo naman po akong palayasin dito ser! Maawa po kayo.Kawawa ho ang mga anak ko!"

Pag mamakaawa ng isang hardenero sa kanyang amo na wala man lang makikitaang emosyon at reaksiyon sa mukha. Nakatayo lamang ito at nakatingin sa lalaking nakaluhod at nasa kanyang mga paa.

"Berto " malamig pa sa nagyeyelong bangkay ang pagkaturan ng lalaking iyon sa pangalan ng isang utusan.

"Y-Yes ser?" Nanginginig naman sa kaba ang nasabing katulong. Halos wala kasing emosyon ng humarap sa kanya ang amo.

"Get him out of my sight". Pagkatapos ng huling kataga ay naglakad na ito palayo. Nakahinga naman ng magaan ang katulong. Kahit kailan talaga ay nakakapangilabot ang presensiya ng kanilang amo.
Dali dali niyang pinuntahan ang nanghihinang si mang Kanor, ang hardenero. Napabuntung hininga siya habang tinitingnan ang kaawa awang lalaki..

"Kung bakit ba naman kasi pinakealaman mo ang mga rosas sa hardin! Kabilin bilinan ko na nga sayong huwag na huwag mo iyong hahawakan kahit anong mangyari!"

Iiling iling na lamang si mang Berto habang papalabas ng mansiyon. Pang ilang hardinero naba ang nasisante ng kanyang amo? Aywan niya ba kung bakit sagrado ang mga rosas na iyon!

Hindi ganoon dati ang amo nila.

Pero masasabi naman niyang mabait pa rin ito kahit hindi ngumingiti at palaging masungit. Maayos kasi ang pagpapasweldo nito sa mga trabahente niya. Yung ngalang, huwag na huwag mong hahawakan ang mga rosas niya dahil sa oras na kinintalan mo iyon ng iyong mga daliri, siguradong pupulutin ka sa kangkungan at sisante ka kinabukasan.

Nagbago lang naman ang ugali ng amo nila simula ng mawala ang babaeng iyon...

----------
D

ela Cruz Group of companies
Year:2014

"Sir Justine, narito napo ang mga papeles"

Sumenyas lamang sa kanyang sekretarya ang masungit na boss .

Kanina pa siya sa kanyang opisina at kanina parin siya nakatutok sa kanyang computer.
Pero mukhang hindi natatapos ang trabaho niya.

Napasandal siya sa swivel chair at bahagyang pumikit. Napakaraming trabaho. Pero paano nga naman siya hindi magiging busy, eh siya lang naman ang CEO ng matayog na kompanyang iyon? Not to mention na marami pa siyang ibang bussiness bukod dito.

Napahilot na lamang siya sa sentido. Ilang minuto lang ay napatingin naman siya sa orasan.

Alas kuwatro na pala. May aatenand pa siyang party, engagement party actually. Ang malokong si Clark na pinsan niya. Sa wakas natuto nang magseryoso.

The Girl On The WallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon