Lets start the story readers, hope you enjoy. Paalala, ang characters and setting ng story ay mga kathang isip lamang na nabuo sa aking isipan.
-AuthorMaerxxt---------
Alexa's POV
I was standing here sa gate ng bago kong papasukan na school, nahihiya ako sa mga bago kung schoolmates kasi sabi sakin ni Mama be friendly, seryoso? be friendly? E ni isa yata wala akong kakilala man lang dito e. Bakit kasi kailangan ko pa magtransfer.
Hindi naman nila mama sinabi ang exact reason kung bakit, hinayaan ko na lang din naman kahit na labag sa loob ko ang pagtransfer sa isang exclusive school to think na mga brats ang naglipana sa school na ito.
Sumilip ako sa loob ng bago kong school, St. Paul Montessori ang pangalan ng bago kong skul, third year student na ko ngayon, ni section ko hindi ko alam. Papasok na ko? lintik naman oh, ang tagal tagal ng mokong na yun.
"Ms. Papasok ka ba o hindi?"
"Ay palaka ka!..si manong guard naman ginulat ako leche... Manong naman hindi naman kailangan manggulat e, may hinihintay lang po ako" Tumango na lang si koyang guard.
Asan na ba yung mokong na yun? Isusumbong ko talaga sya kay Tita Alice. 20 minutes na lang time na. Ayoko namang pumasok mag isa sa loob dahil wala nga akong ni isang kakilala.
Umupo ako sa may bench sa malapit sa gate para makita ko kagad yung mokong na yun.
Ilang saglit lang may tumigil na sasakyan sa harap ko, haay salamat andito na rin sya.
"Kevin!" Sigaw ko.
Tumingin sya sa paligid at tumigil sa direksyon ko, sinamaan ko sya ng tingin. Lumapit sya sakin.
"Ba't ang tagal mo!? Kanina pa ko dito naghihintay!" Pinalo ko yung kanang braso nya.
"Alexa Gomes, hindi kasi uso dito sa SPM ang exited at maaga?" Tumawa pa ang mokong na to ha. E sa ayokong malate sa bago kong papasukan na school.
Si Kevin Madrigal, dito sya nag-aaral since first year high school. Magkababata kami kasi magkaibigan ang mama namin, dati magkapitbahay kami pero lumipat sila.
Pumasok na kami ni Kevin sa loob ng school, habang naglalakad kami sa hall way ang daming bumabati kay Kevin at umaapir pa. Famous?
"Sikat ka pala dito ha?" Pang aasar ko sa kanya.
"Pogi e" Ngumisi pa ang mokong na to.
Sa mga oras na to hindi pa ko nakauniform kaya agaw pansin ang suot ko ngayon, ako lang kasi ang natatanging hindi naka-uniform, nahihiya na ko. School kasi ang nagproprovide ng uniform ng SPM, syempre transferee ako, processing pa yung saken.
Medyo malayo na rin ang nilakad namin ni Kevin, ang dami parin sa kanyang nag Ha-hi na babae at tumatango sa kanya na mga lalake na parang hi na din.
May isang grupo ng kalalakihan sa may shade house at tumigil kami doon ni Kevin, kanya kanyang apiran naman ang mga ito.
"O pareng Kevs! Kamusta?" Yung lalaki na nakavarsity jacket pa.
"Mukhang may kasama ka ngayon ah, banong chick mo?" Bagong chick? babaero pala to si Kevin e, pag nasa amin ang bait bait.
"Shut up Troy!....Guys, this is Alexa...bestfriend ko" Sabay akbay sakin, kagad ko naman yung inalis. "Alexa, si Kian, Troy, Miggy at Ivan" isa isa nyang tinuro ang mga iyon, lahat sila nag Hi sakin puwera dun sa Ivan, hmm snobber! pero parang may kakaiba sa kanya na hindi ko maexplain.
-------
Abangan ang mga susunod pa na chapter :)
BINABASA MO ANG
Your Love is My Heaven
De TodoLove make us things that we don't usually do, it teach us how to sacrifice and wait. When this love thing comes to you, you might be amazed and surprise. Each chapter contains emotions when your inlove, even that person is far far away love makes a...