Chapter 3

17 0 0
                                        

Mabilis natapos ang first day ko sa St. Paul Montessori. Inaakit ako nila Kevin na gumala after ng klase, hindi na ako sumama kasi akong lang ang babae don e. Nasa gate na ko ngayon, hinihintay ang sundo ko.

May babae akong nakita na may nerdy glass at maraming books. Maganda sya kaso natatabunan ito ng makapal nyang glasses. Ngumiti sya sakin, mukhang mabait sya, ngumiti rin ako sa kanya. Siguro may hinihintay rin sya.

Maya maya ay napansin kong nahulog ang mga libro na dala nung babae kanina, nabangga sya nung mga mayayabang na lalaki na yun.

"Uy si betty...HAHA...Tara na nga mga tol!" umalis na ang mayayabang na yun, mga spoiled at walang manners ang mga student dito sa SPM.

Lumapit kagad ako sa babae na yun at tinulungan sya.

"Mga spoiled talaga ang mga students dito no, okay ka lang?" Sabi ko sa kanya ang habang kinukuha yung ilang libro nya. Nakita ko yung glasses nya sa di kalayuan. Basag ito, nakakainis talaga yung mga lalaki na yun.

Lumapit muli ako sa kanya "Heto yung glasses mo, nabasag" Tumingin sya sakin.

"S-salamat...Ako nga pala s-si Amanda" Nahihiya pa sya "Transferee ka ba dito? mukhang bago ka?"

"Ah.. Oo, kilala mo ba yung mga yun?"
"Yun ba? Hayaan mo na sila, wala naman akong magagawa kasi..." napatigil nyang sabi.

"Kasi ano?"

"Mayaman sila, mga bully at kaya nilang alisin sakin ang pagiging scholar ko"

Ah, ganon ba sila kawalang modo para sirain ang buhay ng isang kapwa nila studyante.

"Ako nga pala si Alexa, galing ako sa Cobben Academy" Nagkwentuhan pa kami ni Amanda ng dumating na ang sundo ko. Nagpaalam na ko sa kanya at ganoon din sya.

Sumakay na ko ng kotse, sobra talaga akong naninibago sa SPM. Exclusive school ang CA pero bindi tulad dito sa SPM ang me-mean ng students. Siguro mas sanay lang talaga ako sa CA.

Nakarating na rin ako sa bahay, sinalubong naman ako ni mama. "Exa?" tawag sakin ni mama at papa kaso si papa.... ayoko umiyak pero... hiwalay na sila ng mama ko kaya hindi na si papa dito umuuwi. Nakakalungkot pero tuwing weekend lang namin sya nakikita. "Nagluto ako ng pancakes, magbihis ka muna"

"Opo ma" Dumiretsyo na lang ako sa kwarto ko.

Ayoko na talaga muna makita si papa kase napagalaman ko na may bago na syang anak sila ni Tita Cecile. At mas okay na rin yata siguro na hindi na sya pumunta dito sa bahay.

Oo galit talaga ako sa kanya, iniwan nya kami ni mama at ng kapatid ko na si Aaron para lang sa babae nya at si Tita Cecile yun. Nakipaghiwalay sya kay mama at pinakasalan si tita Cecile tapos may gana pa syang magpakita samen. Ugh panira talaga  ng araw.

Kalma lang Exa, kalma.

*beeb beeb*

From: Mokong
Hoy! panget kong bespren kumusta?

Oh diba pag minamalas ka nga naman, your having a bad day tapos sasali pa to. nako!!

To: Mokong
Walang kang paki! Wala ako sa mood makipag-asaran sayo kaya pwede tigiligan moko!

Aw, harsh ko naman yata. kase naman nakikisabay pa sya yan tuloy.

From: Mokong
Red days? dalhan kita dyan pagkain saka napkin :D wait lang.

To: Mokong
Gago!

Gago talaga yun, pag biniyayaan ka nga naman ng bespren na kagaya ni Kevin na asungot.

Your Love is My HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon