Chapter 2

4 0 0
                                        

Alexa's POV

Nagpaalam na si Kevin sa mga kabarkada nya at hinala ako ihahatid na daw nya ako sa classroom namin.

Habang naglalakad kami may napansin akong babae sa hindi kalayuan, parang namumukhaan ko sya. Sya ba?... sya ba yung wallpaper ni Kevin dati na ex daw nya na sinaktan sya ng sobra. Tinitigan kong mabuti, sya nga yun.

"Diba si Bianca yun?...tumingin sya sakin at tumingin rin sya sa direksyon na tinuro ko "Yung ex mo yun diba?" pang aasar na ngiti sa kanya.

Tinitigan lang ako ni mokong ng walang reaksyon sa mukha nya "Ang ganda parin nya no, nag-uusap pa kayo?"

"Chismosa!" pinisil nya yung ilong ko, ang sakit nun ha.

Umiiwas lang tong mokong na to sa tanong ko, masyado kasi syang nasaktan noon.

Naalala ko pa nung .....

Kumatok ako sa kwarto nya, pinuntahan ko pa talaga sya sa bahay nila na ang layo layo mula sa bahay namin tapos di nya ko lalabasin, lintik!

"Kevin Madrigal!! Naiinis na ko, bubuksan mo ba to o sisirain ko to!?" Pasigaw kong sabi, parang kaya e no.

Halos ilang araw na daw kasi syang di masyadong kumakain at di lumalabas ng kwarto. Nag aalala na kaming lahat sa kanya.

Kinatok ko lang ng kinatok yun at maya maya binuksan nya ang pinto at hinila nya ako at niyakap habang umiiyak. Naaawa ako sa bestfriend ko. Naiyak rin tuloy ako.

"Bakit si Chad pa? Ang dami namang iba dyan diba?.... B-bakit yung pinsan ko pa!?" Umiyak muli sya sa balikat ko.

Hinayaan ko na lang syang umiyak, ngayon ko lang sya nakitang umiyak ng ganito sa lahat ng naging girlfriend nya kay Bianca lang sya sobrang naging apektado.

Simula nun lagi na kong pumupunta sa kanila hanggang makamove-on sya at bumalik na sa dati pero alam ko na mahal pa rin nya si Bianca.

..

"Hoy! Alexa!.... natauhan ako sa sinabi nya "kanina ka pa tulala dyan"

"May naalala lang ako... Tara na nga!" Hinila ko na sya.

Narating na namin ang classroom namin, classmate ko si Kevin pati na rin si Miggy at Ivan. Nasa Section 1 kami dahil mataas naman ang grades ko kaya dito ako inilagay.

Umupo ako sa tabi ni Kevin at tumabi naman samin si Miggy at Ivan. Napaka hyper ni Miggy tapos si Ivan napaka mysterious.

Ilang saglit lang dumating na rin ang Teacher namin.

"Goodmorning S1... Tumingin sya sa paligid at tumigil sa direksyon ko It seems na meron tayong bagong student here in S1"

Tumingin naman sakin ang lahat, seriously? hindi ba nila ako nakita kanina na pumasok dahil mukhang gulat na gulat sila. Well, ano pang aasahan ko e pag pasok namin kanina busing busy sila sa mga gadget at kwentuhan nila.

"Ms. Gomes? right?... I'm Sir Mike... Introduce yourself... please" nakangiting sabi ni Sir Mike.

Tumayo ako "Hi everyone, I-i'm Alexa Gomes from Cobben Academy"

Yun lang ang sinabi ko dahil nahihiyana talaga ko, ang sama makatingin ng ibang girls sa unahan e.

"Really? Galing kang CA?.... Its also an exclusive school, yet magagaling din ang varsity don" Sabi ni Miggy.

Nagnod na lang ako, ang ingay nya kasi e.

Mabilis natapos ang klase, pumunta na kami nila Kevin sa canteen para kumain ng lunch. Andoon na din sila Troy at Kian. Ako lang babae dito.

Bumibili na kami ni Kevin ng makakain namin, nauna na sya sa table sunod na lang daw ako.

Nag order ako ng paella, ice tea at chocolate moose. Nung nakuha ko na ang order ko, papatalikod na ko dala-dala ang inorder ko ng biglang may tao pala sa likuran ko. Nako naman Alexa.

Natapon ang chocolate moose ko sa maputi nyang uniform, LAGOT...

"S-sorry.... Hindi ko sinasadya" pinunasan ko yung damit nya.

"What the.... Urggg!!!! You bitch!" Sinampal nya ko, shet ang me-mean pala ng students dito e. Nakakainis.

"Hindi nga sinasadya diba? You don't have the rights to slap me!" Napasigaw na ko sa sobrang inis. Napatingin tuloy samin yung mga students na malapit samin.

"Owww, si Karen Dela Fuente? Ginaganyan lang ng isang transferee!"

Narinig kong sabi nung isang lalaki sa may likod ko kaya mukhang naiinis lalo itong si Karen.

"Really? Who do you think you are??.. I bet you are a transferee here! You don't know who I'am" Hinawakan nya yung dulo ng buhok ko at hinila ng kunti.

"Ganyan ba ang studyante ng SPM? Treating their new co-students in that way! Slaping and being rude in some accident!" Nakakairita na, buti kasi kung sinasadya ko. Such a brat.

"I hate you! Di pa tayo tapos! .... I make you pay for this!" Umalis na sya ng padabog. Kahit transferee ako hindi ako mag papaapi no.

Hindi na ko umorder pa, nawalan na ko ng gana. Pag upo ko tinanong nila ko kung asan na yung inorder ko, kung hindi daw ba ko kakain.

"Ganito ba talaga ang mga babae dito, spoiled brats! Nakakainis"

"Bakit? Don't tell me may nakaaway ka kagad in your first day dito sa St. Paul??" Sabi ni Kian sabay subo ng chips. Napatingin ako kay Ivan, mukhang walang interes na makinigsa pinag uusapan namin kasi kanina pa sya na headset

"That Karen Dela Fuente daw, natapon yung chocolate moose sa damit nya but its just an accident and I already say sorry then she slap me" Padabog kong sabi.

"Iba rin tong bestfriend mo Kevs, war freak!" Sabi pa ni Miggy, nagtawanan pa sila, lalo tuloy akong nainis.

"Okay ka lang ba Alexa? hayaan mo na yun" Kevin told me na hayaan yun e mas mukhang war freak nga yung babae yun kesa sakin.

"Knowing my sister, gaganti yun lalo na't your new here" Sabi naman ni Troy, magkapatid sila??

"They're twins, wag ka ngang makipag away, bago ka rito so be nice" Tinapik pa ni mokong ang ulo ko, nakakainis naman ang first day ko sa St. Paul !!

"Whatever" Inirapan ko na lang sila.

-------

May nakaaway kagad ang ating bida .

Your Love is My HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon