Game Over.

945 11 1
                                    

Kaydee's POV

''ALAM MO NAMAN NA KUNG BAKIT AKO NASASAKTAN DIBA?'' Sigaw ko kay Luke.

''OO PERO HINDI KO LANG TALAGA MAINTINDIHAN KUNG BAKIT KAILANGAN MONG MAGING GANYAN SAKIN EH.'' Sabi ni Luke.

''KASI NAGSESELOS AKO. KASI NASASAKTAN AKO. KASI MAHAL KITA. AT ALAM MO YUNG MASAKIT? YUN YUNG KAHIT NA ALAM MONG MAHAL KITA, BINABALI WALA MO LANG YUN.''

''EH ANO PA BANG GAGAWIN KO? PILITIN YUNG SARILI KONG IBIGIN KA? HINDI NAMAN IKAW LAGI EH. HINDI NAMAN UMIIKOT ANG MUNDO KO SAYO KAYDEE. KAIBIGAN KA LANG NAMAN!''

''YUN NGA EH. KAIBIGAN LANG. KAYA NGA EWAN KO KUNG BAKIT AKO NAGPAPAKATANGA SAYO. MAHAL KITA. ALAM MO YAN. KASO PARA SAYO? BALI WALA LANG NAMAN DIBA? WALA NA TALAGA.'' 

''EH YUN NAMAN PALA EH. KUNG ALAM MO NANG WALA KANG PAGASA, BAKIT KAPA UMAASA. KAYDEE, MARAMI PANG IBA JAN. HINDI LANG AKO ANG NAGIISANG LALAKI SA BUONG MUNDO.''

''ALAM KO NAMAN YUN LUKE. KASO ANG SAKIT EH. ALAM MO BA KUNG GANO KASAKIT SAKIN NA MAKITA KANG MASAYA PAGDATING SA IBA? YUNG SIMPLENG BAGAY LANG, NAGAGAWA MO SA IBA, PERO PAGDATING SAKIN, HIRAP KANA. BAKIT BA ANG BITTER MO SAKIN?''

''EH KASI KAIBIGAN KA LANG NAMAN EH. ANO BANG GUSTO MO? MAHULOG AKO PARA SAYO? O SALUHIN KITA KAPAG NAHULOG KA KAAGAD. MAKA ASTA KA PARANG MAHALAGA KA SA BUHAY KO AH. BAKIT?! ANO BA KITA?! KAIBIGAN LANG DIBA.'' 

 **************************************************************

sinisisi ko talaga sarili ko kasi bakit pa ko nahulog sakanya kahit na alam kong hindi nya ako sasaluhin. 

Bakit nga ba?

Kasi pinaramdam niyang importante ako sakanya. 

Edi sana kung hindi niya yun ginawa edi mas madadalian akong umayaw na sakanya. Kaso masyado syang paasa.

Teka. Nakalimutan ko nga pala ikwento sainyo lahat.

Okay, let me start now.

Ako si Kaydee. Kaydee Ramos. Hindi ako sikat. I'm one of the ''normal'' people in school. Konti lang mga kaibigan ko. Mahilig akong magbasa pero hindi ako nerd. Matalino ako. Hahaha. Parang nerd na nga pala noh? Pero, mayaman naman ako. Maganda ata? Haha, hindi ako sure. kasi mababa lang self confidence ko, pero sabi ng iba maganda daw naman talaga ako. Mga sinungaling! ((((= 

Alam ko nang tinatanong niyo, kung sino ang isang ''Luke Ocampo'' sa buhay ko.

well, siya lang naman yung walang hiyang nagparamdam sakin na mahal niya ko tapos ngayon eh  nawala na daw. leche noh? 

Okay, aayusin ko na. 

Siya si Luke Ocampo, isang Heartthrob. yung tipong isang kindat niya lang sa babae, kilig na agad sila. Mahilig siya maglaro ng sports. Mayaman, as in, sobra. Sikat siya sa school. Gwapo. Maangas ang dating. Bad boy siya, na may good side. Alam mo yung minsan gentleman din. Matalino rin siya. 

in short, ideal guy ko. DATI. 

oo, dati yun. Past is past. 

At hindi na ko magpapakatanga ulit. Promise ko yan sainyo.

Naging tanga man ako sakanya, sorry siya, hindi na ko ganung tao. Yung mga salita niyang sinabi, naka tatak yan sa utak ko. Alalang alala ko lahat. Pano ba naman, mayabang eh. Kala mo kung sino. Kung ayaw niya kong saluhin, di wag. letche sya. 

''HUY. KAYDEE. Nakikinig kaba sa usapan?'' Sabi sakin ni Lillian. 

''huh? ahh... uhm... oo naman. syempre.'' sabi ko. Sana paniwalaan nila. 

''Nakikinig daw siya oh.'' Asar ni Alea. 

''Haha, lokohin mo sarili mo deedee.'' Sabi ni Lillian.

''Ayaw niyo pa maniwala! kayo na nga nagtatanong eh.''

''Sige nga, kung nakikinig ka, anong pinag uusapan natin?''

''Ahhh.....ehhh....'' Sheesh. nauutal nanaman ako. LUPA, KAININ MO NA KO.

''kita mo. siguro iniisip mo nanaman si Luke noh!'' asar nanaman ni Alea.

Pansin nyo, ang hilig mang asar ni Alea.

''Pano napunta sa usapan si Luke ah? tyaka, Siya? iisipin ko? Jusko. Mga shunga talaga kayo.''

''Hoy kaydee, hindi shunga ang mga nagsasabi ng totoo.'' 

Ay. Sheesh. Barado na ko dito.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------

HELLOOOOOO! naisipan kong gawin tong story kasi isang story palang nagagawa ko. kawawa naman author niyo! anyways, pabitin ko muna ah? haha. sorry po. may next time pa. 

Game Over.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon