Chapter 2.

171 9 0
                                    

Kaydee's POV

"Ayy sor- KAYDEE?" sigaw nung lalake.

"Ay, Kian, ikaw pala yan." Sabi ko.

"Kaydee? Sigurado kabang ikaw yan? Ibang iba kana ah."

"Psh. Baliw. Oo, ako toh. Teka. Magisa ka lang dito? Halika, sama kana samin ng kaibigan ko kumain." Alok ko.

"Okay lang ba?"

"Oo naman. Bestfriend nga tayo diba?" Sabi ko.

Yup, magbestfriends kami ni Kian. Kaso lumipat siya ng states nun kaya hindi na masyado kaming nagkausap.

Pero ngayon, back to normal na kami.

Let me describe him para sainyong nalilito.

Siya si Kian. Best friend ko. Lagi kong kasama, DATI. Laging anjan para sakin. Gwapo. Sikat. Heartthrob din yan! Parang si luke lang.... At mayaman siya.

Siguro iniisip niyo kung bakit si Luke yung nagustuhan ko at hindi si Kian noh?

Kasi mahirap mainlove sa bestfriend, kahit lahat ng gusto ko nasakanya na. Mahirap parin yun.

"So kamusta na ang bestfriend ko?" Tanong ni Kian.

Shet. Ang ganda parin tignan ng smile niya.

Oops. Teka.

KAYDEE. UMAYOS KA. MAG BESTFRIEND KAYO NIYAN.

"Ito, buhay pa naman. Ikaw? Kamusta buhay mo?" Tanong ko.

"Ito, kausap ko. Haha." Banat ni Kian.

"Loko ka Kian. Hindi parin nawawala mga banat mo noh?"

"Hahaha. Buti naalala mo pa dati."

"Syempre. Akala ko nga gusto mo ko nun eh. Kakakilala palang kasi natin dati, nakabanat kana kaagad sakin."

"Hahaha. Kinilig ka naman!" Asar niya.

Kasi, ganito yun.......

********FLASHBACK********

Naka upo ako sa isang bench, nang biglang naglakad sa harap ko si kian.

"Miss, kapag ba dumiretso ako dito sa daanan na toh, makakapunta ba ko sa puso mo?"

"Uhm? Hindi eh. Kasi hindi naman jan yung daanan sa puso ko." Sabi ko. Hahaha.

"Ay. Ganun ba, ako nga pala si Kian." Sabay smile.

At yun na yung start ng friendship namin. Ganda kasi ng smile niya. Nakaka attract!

******END OF FLASHBACK******

"Kaydee! Ito na yung food oh." Sabi ni Alea.

"Sa wakas. Ah, girls, ito nga pala si Kian. Boy best friend ko." Sabi ko kay Alea at Lillian.

"Hi girls." Sabi ni Kian tapos nag smile.

Killer smile pa yan ah. Hahaha.

"Ahh...uhmm... H-hi!" Nauutal na sinabi ni Alea.

Ay. ALAM NAAAA.

"Hi kian!" Sabi ni Lillian.

"Ano bayan. Puro salita! Kain na kaya tayo." Sabi ko.

Game Over.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon