Chapter 2

33 2 0
                                    

Thursday, parking lot, 3:00pm

"Ui Naomi! Uwi ka na?" tawag saakin ng isang babae habang papasok ako sa red mini cooper ko.


"Oh hey Michaela, ikaw pala yan. Yup pauwi na ako. Susunduin ko pa kasi si Ysa don sa part-time job nya at Starbucks. Tapos magshopping kami after para bumili ng dresses para dun sa party ni Mark sa Saturday. Why? Do you need something? Ikaw ba pauwi na?" sagot ko.


"Wala naman. Binati lang kita. :) And oo pauwi na din. Pero baka magpunta muna ako mall, kailangan ko kasi bumili ng flash diffuser saka nung tripod."


"I see. Gusto mo sumabay ka na saamin?" alok ko.


"No I'm fine. May magsusundo din kasi sakin. Hinhintay ko lang pero thank you."


"Ay ganun ba. Oh sige." sagot ko.


"You know Michaela, I got my diffuser online. Try mo bumili don. Mura and maganda quality. I got mine for only P500 then yung tripod medyo pricey pero worth it kasi maganda naman quality!" pagsusuggest ko.


"Oh okay that's cool! Send mo na lang sakin sa facebook yung link ng site kung saan ko mabibili. Thank you ha! Osya nandyan na ung ride ko."


"You're welcome! Ingat!"


"You too!"

****

Nakarating na ako sa Starbucks Makati kung saan nagwowork ang best friend kong si Ysa at nag park sa harap. I've decided to wait inside the car kasi sobrang puno ng tao sa loob. It was super packed. Grabe. Parang sardinas. Well, can't blame these people. Ang init ngaun sa labas. Almost 35 degrees. No wonder kung bakit palaging sold out ang Frappucinos.


"Did you see him? OH MY GOSH! What a prince! I could stare at his beautiful face all day long!" sambit ng isang babae sa kasama nyang isa pang babae habang papalabas ng Starbucks.


"I did! We should hangout here more often at Starbucks! Apparently, palagi raw sya dito!"


Wtheck? May artista ba sa loob? I thought madami lang tao dahil mainit sa labas at ang mga tao naghahanap ng cold beverages. But seriously. The way that girl described that "prince" inside the store got me all curious. Hmm should I go inside and take a quick look? Hehe.


All right.


Titingnan ko lang sya tapos babalik na rin ako inside my car. I promise isang silip lang. HAHA omg eto nanaman ako basta makarinig or makakita ng gwapo. Oh wells. Whatever. :D


Pumasok ako sa loob ng Starbucks. I think there's still time to have a quick look sa "gwapong" lalaki daw na ito.


Tutal I always wait for Ysa for ages sa tuwing sinusndo ko sya. Napaka kupad ng babaeng yun. And I guess, sometimes may advanatage ung pagkakupad nya. Haha. Plus, If ever mauna sya sa car, I don't care. Sya ang mag wait saakin. Ang dami nya kasalanan saakin. Siguro nakatunog ung babaeng yun na nalaman ko na kung saan nya ako dadalhin sa Saturday dahil hindi sya umuwi sa condo namin kagabi. Ang babae talaga na yun kahit kelan.


Nakapasok na ako sa loob. Ang daming tao. Ang haba ng pila. Ang daming bumibili.


Together ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon