Chapter 1

34 1 0
                                    

**(Before reading, I just want to let you guys know that unedited version to. That is to say, may mga wrong spellings, wrong grammars, wrong structures, etc. So if you are a grammar nazi, or perfectionist ka, wag mo na tuloy magbasa. Ayaw kong bigyan ka ng sakit ng ulo. :) But if you're not, then, enjoy and paki share sa ibang tulad mong hindi perfectionist. Haha Salamat!)**

-royalwords

Naomi's POV

Umaga na naman. Pinaka ayaw ko sa lahat ang gumising ng maaga. Napakabigat talaga ng katawan ko pag babangon na. Para bang may utak ung kama ko at pilit akong hinihila pabalik.

Ako nga pala si Naomi Ingrid Samaniego. (see picture)

20 years old.

Isa akong professional photographer dito sa Manila.

Nagtratrabaho ako sa company ng sarili kong ama. Isa ang daddy ko sa may pinakamalaking Photography Company sa bansa. Hindi lang dito sa Pilipinas, may branches din kami sa Italy, United States, Japan and Paris.

Oh diba bongga, ang yaman namin.

Well actually, parents ko lang mayaman. Hindi ako. Gusto kong matawag ng mayaman kung galing ang pera ko sa sarili kong pagsisikap. Kaya nga isang ordinaryong Photgrapher lang ako sa kompanya ng sarili kong ama. Gusto ko kasi paghihirapan ko ang posisiyon na gusto ko bago ko ito makuha. :3


"Hoy Naomi! Aba, gumising ka na at baka mahuli pa tayo sa wedding na pupuntahan natin. Sige ka, pag nawalan ng photographer dun, wala na rin ang sweldo natin"


Hay nako. Umagang umaga sumisigaw nanaman tong si Ysa. Best friend ko nga pala si Ysa mula pagkabata. Parang magkapatid na nga kami, kulang na lang maghiraman kami ng napkin. Haha. Magkasama kami sa isang high rise condominium dito  sa Manila. Simula kasi ng magwork ako, eh bumukod na ako. I want to be independent kasi. I want to make my parents proud of me. Pero shempre binibisita ko parin naman ang parents ko sa bahay nila sa Makati.


"Naomi! Bangon na! Alas syete na." sabay hila naman ni Ysa sa kumot na nakapalupot saakin.


"Eto na oh, babangon na. Chill ka lang. Baka masira beauty mo" Biro ko sa kanya.


Bakit kasi nagpuyat pa ako kagabi kakanuod ng Disney Princesses. Ewan ko ba, kahit kelan hindi ako nagsawa panuodin sila. I've watched them gazillion times. Ever since I was a little girl, I am always captivated by stories about Princesses. Yup! I'm a Disney kid. I practically grew up with them.Yung mga linya, songs at pati names nila, saulo ko na. I am always fascinated with these beautiful Princesses that lived off in a far away land. And when evil witches and danger comes into their lives, there will always somebody out there that would fight for them and protect them and would slay the dragon for them and carry them away to their happy ever after. Nakkainggit. Ang saya nila with their Princes. Happy ending palagi. Palagi ko winiwish na sana may isang lalaking mag turing din na isa akong prinsesa at ibigay ang happy ending na gusto ko. Kailan kaya?


Nakarating na kami sa aming paroroonan. Sa San Agustin Church sa Intamuros Manila gaganapin ang kasal na aming pupuntahan at doon ay kami ni Ysa ang photographer.


"That gown is stunning!" pagmamangha kong sabi kay Ysa habang nakatingin sa gown ng kinakasal. "Kailan kaya ako makaksuot ng ganyang kabonggang gown?"


"Gaga! Boyfriend nga di makahanap asawa pa!" pangaasar na sambit naman ni Ysa.


Kahit kailan talaga napaka KJ nitong si Ysabel Beltran! -.-"


Together ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon