Hanggang Dito

10 0 0
                                        

Tinapos ko na ang lahat sa atin,
Isang salita, dalawa hanggang sa dumami pa.
Walang emosyon ang mukha habang kinakausap ka,
Ngunit pagtalikod, mga luha'y biglang rumagasa.

Marami ng bagay ang napagtaluhan,
Marami na tayong taong napagselosan.
Tama na 'yung mga pagkakataon na kung minsan,
Ang nangyayari na lang ay puro sakitan.

Gusto na kitang limutin,
Oo, hindi ako nagbibiro.
Hindi ako tumatawa, hindi ka rin nananaginip,
Mahal, sana iyong malirip.

Inanod na ng mga luha,
Ang mga matang pagod na kaiiyak,
Panulat ko'y pudpod na sa kakasulat ng mga hinanakit,
Ngunit hindi pa rin nawawala itong sakit.

Hanggang dito na lamang siguro tayo,
Ikaw na nagpapatuloy sa buhay mo.
Hanggang dito na lamang siguro ako,
Nakatanaw sa malayo't ang nararamdama'y pilit na itinatago.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 05, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mga Tula ni BTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon