Bota at Paa

27 0 0
                                    

PAALALA: Impormal ang format ng tulang ito. Sabog ako no'ng naisip ko 'to (kulang sa tulog hahaha)


-------------------------------------------------------------


Bagay tayo.

Lalo na sa tuwing umuulan.

Sa tuwing kailangan mo ng kayakap na hahalili sa iyong unan.

Sa tuwing gustong mong painitin ang pakiramdam mo tulad ng pagpapainit at pagpapakulo mo ng tubig sa maingay na tunog ng takure.

Sa tuwing susuungin mo ang bumabahang mga problema.

Hindi ka taga-Malabon pero sanay kang magpaa tuwing bumabaha,

At ako? Sanay maging bota .

Bota nga siguro ako, dahil pumapayag akong magpagamit sa'yo,

Bota nga siguro ako dahil sa tuwing tapos na ang tag-ulan,

Iiwan mo lang ako sa isang tabi at babalikan kapag gusto mo lang.

Pinanindigan ko ang pagiging bota.

Pinanindigan ko ito kahit masakit na.

Bota ako eh.

Bobo at tanga.

Ikaw naman itong si paa,

Si Paasa.

Pinaasa sa mga pangakong, "Magbabalik ako."

Pero ang totoo pala'y panandalian lang ang pananatili mo.

Kung ang bota lang ay nabibilhan ng maraming helmet,

Kahit magkano, bilhan mo naman ako.

Baka kasi isang araw, mauntog at magising ako,

At makapagdesisyong iwan ang paasang tulad mo.





Mga Tula ni BTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon