Chapter II

2 0 0
                                    

Mika's POV

"Daks! Gumising kana! Malapit na mag 9 am. Late kana naman sa class mo." Pagkarinig ko sa sigaw ni tomsy ay bigla akong bumangon at nagmadali upang mag-asikaso sa pagpasok.

Pagkatapos ng ilang minuto ay bumaba na ko at kumain ng almusal. "Daks, anong oras kana ba umuwi kagabi at parang puyat ka?" habang tinitignan siya ni Ara at mukhang nag-aalala. "11 pm na din tomsy. May inasikaso din kasi kami ni Kiefer eh." Sagot naman ni Mika. Pagkatapos niya kumain ay nagpaalam na din siya sa LS para pumasok na school.

Ara's POV

"Puro na lang si Kiefer inaatupag niya! Paano naman ako? Ako kaya bestfriend niya at kaibigan niya lang naman si Kiefer pero lagi na lang sila magkasama ni Mika." Lingid naman sa kaalaman nito ay tinitignan na siya ni Cienne na ngayon ay kumakain ng almusal nila, habang siya ay nakakunot ang noo habang nag-iisip.

"Ara! Bakit na naman nakakunot yang noo mo? Selos kana naman kay Kief 'no?" saad ni Cienne. Bigla namang bumalik si Ara sa pagkain nung marinig niya ang sinabi nito.

"Hala! Issue ka Ciennang! Hindi naman ako nagseselos. Nakakatampo lang kasi lagi na lang si Kiefer kasama ni Mika. Paano naman akong bestfriend niya diba?" sagot naman ni Ara.

Holding Closer (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon