Chapter 2

18 0 0
                                    

Chapter 2

Gusto kong ipikit ang aking mga mata pero, parang glue ang aking paningin na nakadikit sa dalawang taong kilalang-kilala ko. Unti-unti kong nararamdaman ang paninikip ng aking dibdib. Hindi ko na napapansin ang mga taong nakapaligid sa akin, parang may malakas na boses na nagsasabing gawin ko ang dapat, pero hindi ko kayang igalaw ang aking mga paa upang tumayo. Wala sa sariling inabot ko ang aking cellphone, kahit nararamdaman ko nang maluluha na ako, pinilit ko paring maging positibo sa nakita at baka mali lamang ang aking iniisip.

Ibinalik ko ang aking paningin sa kung saan nakita ko ang dalawang taong masayang nagtatawanan. Tinawagan ko si Apollo, sa pang-apat na ring sumagot na rin ito, kahit hindi ko kayang sumagot, pinilit kong alamin ang totoo.

" Nasaan ka ngayon?" Tipid kong tanong kahit sa loob ko taimtim akong nananalangin na wala sanang malisua ang aking nakita.

"Oh, hello babe! Nandito ako sa company ngayon. Medyo busy nga, kasi may kameeting na naman akong mga investor ngayon." Seryoso nitong sagot, kahit kitang-kita ko na nakikipagtawanan at yakapan ito sa babaeng kasama.

"Talaga? So naglunch ka nah?" Mahinahon kong sagot kahit gusto ko ng sumbatan ito sa pagsisinungaling. Napayuko na lamang ako, para itago ang mga mata kong unit-unti nang lumuluha.

"Yes, kasama ko si Dad." Patuloy pa rin nitong pagsisinungaling. Gustong-gusto ko ng sigawan itong sinungaling, pero nanatili pa rin akong mahinahon. All the time, naging bulag-bulagan lang pala siya sa katotohanang posibleng may iba na ito.

" So nandiyan siya ngayon?" matagal itong hindi nakasagot sa kanya kaya napaangat ang kanyang paningin. Nakita niya itong nakikipaghalikan sa ksamang babae habang hawak-hawak and cellphone nito. Noong naging sila ni Apollo, hindi kailanman nilang nagawa ang maghalikan sa mataong lugar. She was brought up by her parents na maging conservative at sensitibo sa mga sexsual na gawain.

Hindi ko na napigilan, at tumayo na ako ng walang paalam. The hell I care with being prim and proper, hindi ko na kakayanin pa ang nakikita, I need to stop him from this foolishness, for God sake! We are engage and makikita ko itong nakikipaglampungan sa iba. Take note the bitch, she's hooking up is no other than her co-model Alexandra Menesez. Kahit noong nagmomodeling pa siya, sa tuwing kasama ni si Alexandra sa mga shoots, palagi itong lumlapit sa fiancée niya pagmay ginagawa siya o nagshoshoot.

Habang palapit nang palapit siya sa fiancée ay hindi niya mapigilan ang mga luhang tumtulo sa kanyang mga mata. She never cried on her parent's funeral, but seeing her fiancée betraying her, it sends a million knives to strike her heart. Nanlabo ang kanyang paningin dahil sa luhang patuloy na umaagos sa kanyang mga mata. Kahit nanginginig ang mga kamay ay pinilit niya itong tapikin sa likod, sa dahil sa patuloy pa rin itong nakikipaghalikan sa kasama.

---
Galit na napalingon si Apollo at sisigawan na sana ang kung sino mang demonyo ang dumisturbo sa kanila ng kanyang kasintahan. Laking gulat niya nang makita si Eleonor na umiiyak, doon nakadama siya ng sobrang kaba. Akala niya sa bahay ito maglulunch o sa isang exclusive restaurant. Nawala lamang ang kanyang pagkagulat nang dumapo ang kamay nito sa pisngi niya. Susugurin sana ito ni Alexandra ngunit pinigilan ko, ayaw kong gumawa ng eskandalo at baka makasama pa ito sa ipapatayo kong negosyo. Kinuha ko ang kamay ni Alexandra at pinilit itong tumayo para makaalis na sa lugar na iyon at makaiwas sa eskandalo. Kahit ayaw pa rin magpawat ni Alexandra, patuloy ko pa rin siyang pinipigilan na sugurin si Eleonor, ngunit sa hindi ko inaasahang pangyayari, ay nasampal ni Alexandra si Eleonor, na kanina pa umiiyak.

---
Kahit anong pilit kong magsalita, wala talagang lumalabas sa bibig ko, nakatayo lamang ako at umiiyak sa harapan ng gago kong fiancée. Hinihintay ko na may gawin si Apollo, hinihintay ko ang explanation niya, umaasa na sana mali lang yung nakita ko, pero wala akong narining kahit isang salita nito, patuloy lamang nitong hinihila si Alexandra na kanina pa ako gusting saktan. Ang kapal rin ng mukha ng babaeng ito, siya pa ang third party, at siya pa talaga ang may gana akong saktan? Nagulat ako nang may maramdaman akong dumapo sa aking pisngi. Tinignan ko si Alexandra, kitang-kita ko ang pamumula ng mukha niya, pero kahit ganun hindi ko pa rin siya pinatulan. Tawagin man ako ng mga tao na tanga, pero hindi ako bababa sa pagiging katulad niya.

The Elegant ROYALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon