" What po manang?" naguguluhan kong tanong dito. Para naman kasing nasa 7th heaven itong expression ni Manang.
" Anlaa! Tagay, Baken ga na parine?" nagtatakang tanong ng matanda sa akin habang taas-baba akong tinitignan, sinusuri ang kong ano ang meron sa akin.
" Ano po Manang? Magtagalog naman po kayo, baka abutin tayo bukas. Gosh! This is so stressful!" Naiirita niyang sabi sa matanda, nang hindi pa rin ito nagsasalita ng maayos.
"Ineng, dais dine!" Tawag ni Manang sa batang babae na nakikiusyoso rin sa kanya.
"Baken po Nay?" Naiinis na tanong ng batang babe nang pilit itong pinapalapit sa kanya ng matanda.
" Are o, kapulongin mo ga! Hindi ko mamulag-lagan are, Ineng." Napakamot na sagot ng Matanda habang kausap ang batang babae. Kahit pinipilit kong intindihin base na rin sa mga hand gestures nila ay wala talaga akong makuha kahit isang ideya kung ano ang mga pinagsasabi ni Manang.
"Anlaa! Inang hindi ko are kalipo, kasambahay are ng mga Soriano." Naiinis na sagot ng batang babae.
"Ineng kapulongin mo!" Pilit na pinapaharap ng matanda sa kanya ang batang babae.
"Ahm, I am Eleanor—El for short."I confidently offered my hand to the young girl, pero inirapan lamang ako nito.
"Tanong ng Nanang ko kung bakit nandito ka pa raw?" Walang gana na tanong sa kanya ng batang babae.
"Ahhmm, pardon?"
"Anlaa! Hindi mamulag-lagan! Sabi ni Nanang bakit ka pa raw nandito, eh nagsisimula na yung salu-salu sa bahay ng mga Soriano." Naiinis na sagot ng batang babae.
" Soriano?? Is that a party of socialite people? Baka nandoon yung mga kakilala kong media, I can seek help from them, especially that walang mapapala tong cellphone ko." Bigla siyang nabuhayan ng pagasa lalong-lalo at kilala ang pamilya niya sa mundo ng media.
"Anlaa! Bilisan mo at baka magalit ang Señorita!" Galit na sigaw ng batang babae habang tinutulak siya papunta sa kung saan.
"Wait! How about my car?!" Hysterical niyang tanong, hindi puwede na iwan nalaman niya iyon! Gosh ang mahal kaya ng Ashton and its her only transportation in getting away from this crazy place.
" Ay, babantayan iyan ng kapatid ko!!" Pasigaw na sagot nito sabay irap.
"Bilisan mo jan at baka hindi na natin abutan ang pinsan ko!" Galit nitong sagot at mabilis na naglakad sa kung saan.
" Ma'am pagpasensyahan niyo na po yung pinsan ko, ganun talaga yun parang may galit sa mga dayuhan na pumupunta dito.. Hindi po kasi lahat ng mga taga-rito ay marunong mag-tagalog kaya medyo na-iilang rin yung karamihan pag may napupunta dito na bago lang.." Hinging paumanhin ng binatang lalaki, na sa pagkaka-alam niya ay apo rin ng matandang tumulong sa kanya kanina.
"Ok lang naman yun. Naiintindihan ko naman kaso kailangan ko talaga ng tulong. I need to be back as soon as possible." May halong pag-aalala niyang sabi habang tinatahak ang daan patungo sa mansiyon ng mga Zobel-Soriano.
"Huwag po kayong mag-alala malapit na po tayo kina Sir Ej. Sigurado po akong matutulongan nila kayo." Masigla nitong sabi.
Ang pagkaka-alam niya base narin sa sinabi ng pinsan nito kanina, na ang mga Zobel-Soriano raw ang namamahala sa lugar na ito, halos ilang dekada na raw ang pamilyang ito dito at patuloy na pinapalago ang kanilang lugar.. sabi naman ng kasama niya ngayon na kaya raw pinagtitinginan siya nang mga tao kanina ay baka raw pinagkamalan siyang kasam-bahay ng mga Zobel-Soriano. Hindi rin kasi raw nahuhuli ang damit ko sa mga damit doon ng mga kasambahay lalong-lalo na at may kasiyahan doon ngayon na nagaganap.
"Tanong ko lang, why are you so fluent in tagalog?" Curious kong tanong sa bintana. Medyo napansin ko lang na sanay itong magsalita ng tagalog at english, opposite sa mga taong napag-tanungan niya kanina.
" Ay nag-aaral po kasi ako sa Maynila, isa po kasi ako sa scholar ng mga Zobel-Soriano." Nakangiting sagot nito.
" So this Zobel-Soriano family are they politicians?"
" Ayyy, hindi po. Pagmamay-ari po kasi nila yung mga mall sa lungsod kaya po mayaman. Pero kahit ganoon tumutulong din sila sa mga taong namumuhay dito." Hearing that, naaalala ko tuloy ang mga magulang ko. Justlike this Zobel-Soriano family, handang tumulong sila mommy at daddy sa mga nangangailangan.
"Nandito na po tayo Ma'am. Sa likod ng bahay nalang po tayo dumaan at baka hindi tayo papasukin kung sa harap mismo tayo ng masyon papasok." Magiliw nitong sabi bago pumasok sa isang maliit na gate patungo sa likod ng mansyon. Talagang may party na nagaganap sa loob ng mansiyon dahil na rin sa lakas ng musika at tawanan na naririnig niya mismo sa hardin ng nito.
Pagkapasok namin mismo sa may bandang dirty kitchen ng mansiyon ay agad sumalubong sa akin ang mga kasambahay na abala sa kanilang mga gawain. May naghihiwa ng karne, naghuhugas ng pinggan at nagluluto ng mga iba't ibang putahe.
" Buluga dais!! May nag-alwas kay Sir Ej!" Sigaw ng kasama ko sa malaking lalaki na nakasuot ng pangchief. Halos pumupula na ang pisngi nito dahil sa init at pagluluto.
"Bulisik ka! Di ako buluga dais!" Galit na sabi nito sa kausap. Medyo nahintakutan ako sa itsura ng lalaki dahil na rin sa taba nito at pamumula ng mukha.
" Ano po ang atin magandang binibini?" Magiliw na tanong ng malaking lalaki na sa pagkaka-kilala ko ay si Chef Robert. Medyo natawa pa ako ng malaman ko ang kanyang pangalan, medyo hindi ko inexpect ang ganung pangalan na meron siya.
" Hihingi siya ng tulong kay Sir Ej, Roberto." Sagot ng kasama niya.
" Tinatanong ba kita payatot?! At saka huwag mo nga akong tawaging Roberto kasi ako si Chef Robert at your sevice madam." Sabay halik nito sa kamay ko. Napakamot na lamang ang kasama ko sa sinabi ng chief. Hindi naman payatot ito, medyo may katikasan pa nga ang pangangatawan.
"Ahmm, tama po yung sinabi niya." Magiliw kong sabi kay Chief Robert.
" Ganun ba??? Hintayin mo nalang siya sa sala ng mansiyon at mukhang nagkakasiyahan pa sila ng kanyang mga kaibigan. Ihatid mo siya sa sala payatot at bumalik ka kaagad dito at walang katulong si Mang Jose sa pagle-lechon ng baboy." Sabi nito at agad nang bumalik sa ginagawa.
" Sige po Ma'am maiwan ko na po kayo dito. Ok lang po ba na kayo nalang po ang maghintay kay sir Ej? Kailangan ko rin po kasing tulungan si Mang Jose."
"Ok lang, walang problema. Ano nga pangalan mo? Pasensya kana kung hindi ko natanong kanina." Paghingi ko ng paumanhin.
"Ok lang po yun maam. Ako po pala si Paolo. Alis na po ako, Godbless you po maam!" Nakangiti nitong tugon at agad ng bumalik sa kusina.
Tinignan ko ang grandfathers clock na nakatayo sa gilid ng piano. Malapit na palang mag alas-dose ng gabie, kaya pala medyo inaantok na ako kanina habang naglalakad pampunta dito. Tinignan ko ang buong bahay at masasabi ko talaga na galing sa mayaman na pamilya ang nagmamay-ari nito. If I'm not mistaken may mga kagamitan pa nga dito na kahit ang pamilya niya ay hindi afford na bumili nito. Hindi sa walang pera, but it is impractical to spend so much on things that are useless.
Even the softness of the sofa, tells something about the owner, rather the family in this house. Kaya sa walang pagdadalawang isip ay humiga na agad ako. I need to gain back all the energy I spent from this unforgettable experience. Kahit naman sa pagtulog may peace pa siyang mararamdaman.
Sandali lang at agad na siyang nakatulog. Not worrying on what might happened to her the next day she wakes up in a strange mansyon. She knows that she's safe.
---
Sorry po kung medyo natagalan yung update, medyo nabusy sa work at studies.
Hindi ko po ito na proof read, so pasensya na po sa mga typo at grammar errors.😍😍😍😍
BINABASA MO ANG
The Elegant ROYAL
RomanceI am Eleanor Faith Ortega Royal, people named me The Queen kasi ako daw ang perfect description ng isang prim and proper. I admit, I love to be prim and proper and also to dress like an elegant woman, lumaki kasi akong halos araw-araw kasa-kasama an...