Chapter 8

17 0 0
                                    

-Tia on the pic-

----


" Hello everyone!" bati ng babae na ngayon ay kakapasok pa lamang.

I feel something is fishy, dahil biglang tumigil sa pangungulit ang katabing kanina pa nakakairita.

Tinignan niya ang babae, nakasuot ito ng plain long sleeve at nakashorts ng maikli. Para itong teenager, pero base na rin sa nakita niyang wedding ring sa kanang kamay nito ay napagtanto niya na baka ito ang napangasawa ng isa sa anak ni Mrs. Soriano.

Umupo ito kaharap si Edmund and it felt awkward, parang may kung anong tinatago ang babaeng ito base na rin sa pagkakatingin nito ngayon sa katabi niya na walang ibang ginawa kung hindi ang kumain.

" Where's David, Tia?" Tanong ni Mr. Soriano.

"Ahhm, naliligo na po Daddy." Magiliw nitong sagot. Hindi talaga good ang vibes ko sa babaeng ito. There is something unusual with her, or maybe I am over thinking things dahil na rin siguro sa way nang pagkakatingin nito kay Edmund – which in my case I consider it slutty.

" May bisita po pala kayo Mommy. Who is she?" tanong nito habang tinitignan ako ng maigi.

She has that hate stare. Para bang ayaw niya akong nakaupo dito.

" Oh, this is Eleonor – she's not my guest, but kay Edmund. However, I find her charming kaya inaya ko na siya dito magbreakfast." I can feel that there is something between Mrs. Soriano and this so called girl Tia. The way Mrs. Soriano answered her, parang hindi siya daughter-in-law.

" Oh, I am Sheena Elythea Cruz. You can call me Sheena or El, but I prefer you call me Sheena, coz El is for my love ones." Magiliw nitong sagot, sabay abot sa kanang kamay nito.

"Sheena it is.." What the hell, who cares of its Sheena or El! I rather call her bicth. Ghad! Calm down Eleanor, she's not worthy of your energy.

Medyo matagal din itong  nakipagkamay sa akin, as if tintantya nito ang pagkatao ko. Do I really look like a fraud? Or magnanakaw? Ang ganda ko kaya kompara sa kanya.

Agad namang nagpatuloy sa pagkain ang lahat, habang ang iba naman ay abala sa pakikipag-usap sa katabi. Nagpatuloy na rin ako sa pagkain, kahit halos puputok na ang tiyan ko sa kakaubos ng mga pagkaing inilalagay ni mrs. Soriano sa plate ko.

Natigilan ako ng biglang hinulog ni Edmund ang bread knife niya sa may paanan ko – tapos hindi man lang niya pupulutin. Tinignan ko siya nang maigi kung bakit niya iyon ginawa, but there is no sense coming from him – ni hindi nga niya ako pinapansin at patuloy siya sa pagkain ng mango float. Ayaw ko naman siyang tawagin at baka kami na naman ang maging sentro nang tuksuhan, so I have no choice but to bend down para lang kunin ang bread knife niya.

I was about to sit up, nang mapansin ko kung anong ginagawa ng paa ni Tia sa pantalon ni Edmund. Kung siguro boyfriend ko si Edmund, agad-gad ko na sigurong sinaksak sa malikot na paa ni Tia ang hawak-hawak kong bread knife – pero ang pinagkaiba ngayon ay hindi ko mapigilang matawa sa nangyayari. Now, I know what that fishy is all about.

" Mrs. Soriano, I think may nakita akong spilled juice sa ilalim ng mesa and it bothers me, baka kasi magkastain yung floor." Sabi ko kay Mrs. Soriano – trying to sound concern and friendly. At hind naman ako nabigo, dahil agad naman itong tinignan ni Mrs. Soriano. Na ikina-tayo agad ni Tia, halos hindi na nga nito nasout ng maayos ang sandals – she excused herself pupuntahan lang muna raw niya ang asawa. What a bitch.

" Wala naman akong nakita hija, baka yung design ng tiles medyo maypagka yellow kasi." Sabi ni Mrs. Soriano.

" Baka nga po. Concern lang po kasi ako sa ana– what I mean yung floor niyo po, baka madumihan." Nakangiti kong sagot. Shit! I almost spill that one. Panay naman ang tawa ng katabi ko – if I know nag-aassume na ito ng kung ano-ano.

The Elegant ROYALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon