Chapter 8: Biters Everywhere

522 14 0
                                    

Rick

Ayos! Magkakasama na ulit ang grupo. Mabuti na lang at walang masamang nangyari sa kanila. Mabuti na lang at maayos silang lahat.

Kaya lang, may kulang pa. Ang mga kapatid ko, si Glenn. Kailangan pa namin silang iligtas. Kailangan naming matapos ito sa lalong madaling panahon.

"Dad mabuti naman at walang nangyaring masama sa inyo." bungad ko kay Dad sabay yakap.

"Maayos naman ang lagay namin Rick ... kaya lang ..." sagot ni Dad na bigla namang sumimangot. Alam ko na ang gusto niyang sabihin.

"Okay lang yan Dad, ang mahalaga magkakasama na tayo ngayon. Mas mapapadali ang paghahanap natin." sabi ko naman sa kanila ng nakangiti.

Napansin ko namang napailing si Sgt. Downey. Tila ba may gumugulo sa kanyang isipin.

"Hindi Rick, hindi tayo pwedeng magsama." bulalas ni Sgt. Downey na ikinabigla naman namin Alexa at Borgy.

"Ha? Ano ibig mong sabihin mo Sgt. Downey." si Alexa na ang nagtanong.

"Delikado! Nasa mission din kami. Kailangan namin umiwas sa inyo. Mas maganda kung maghiwa-hiwalay muna tayo para sa ating kaligtasan lahat." paliwanag ni Sgt. na muli naming ikinabigla.

Anong mission ang pinagsasabi niya? Eh mission namin lahat ito. Tss.

"Rick! yung Gen. Devone. May sarili siyang plano. Inutusan niya kaming sumali sa larong ito para makakuha ng Anti-rage virus na magpapalaya at magpapagaling sa mga kamag-anak nila." paliwanag ni Dad.

"Tama ang Dad mo Rick, alam mo naman na may bombang nakakabit sa likod natin. Kailangan nating mag-ingat, magplano ng mabuti. Isang maling galaw lang natin ay siguradong tapos na tayo." dagdaga naman ni Sgt. Downey.

Ano naman kaya ang plano ng Gen. Devone na yun? Maaaring pinapaikot lang niya ang ulo nila Sgt. , Haay! Ewan. Teka . .

"Kung inutusan kayo, edi mas makakabuti kung magkakasama tayong lahat. Hindi nila kayo papatayin hanggat hindi niyo nagagawa yung ini-utos sa inyo. Kung may sumabog man samin isa ay siguradong damay-damay tayo. Magkakasama tayo e. Magagawa ba nila yun? Edi bigo din sila." mahabang paliwanag at mungkahi sa aking mga kasama.

"Sandali nga, ano bang laro ang pinagsasabi niyo?" isang nakakagulat na tanong mula kay Janine. Hindi kaya ... "Hindi namin kayo maintindihan ni Lolo, anong bomba? anong Anti-virus?"

Dahil sa mga tanong ni Janine, tila nagkaroon ng liwanag ang madilim naming mundo. Sila, sila ang pag-asa namin.

"Mamaya na tayo magpaliwanagan! sa ngayon umalis na muna tayo dito! nariyan na naman ang mga biters!" Si Borgy na mukhang natataranta na.

Paglingon namin, dapat ngang mataranta kami. Dahil kumpul-kumpol na mga biters ang naghihintay sa mga laman namin.

"Tara! Move! move!" sigaw ni Sgt. Downey.

Nagtatatakbo na naman kami. Kailangan na namang takasan ang mga halimaw na naghahabol sa amin.

"Sgt. saan tayo?!" tanong ni Borgy habang hingal na hingal sa pagtakbo.

Kahit ako hindi ko alam kung saan kami makakapagtago. Halos wala ng gusali ang nakatayo sa lugar na ito. Lahat gumuho na, lahat ay imposible nang tirahan. Fuck!

Kahit isang gusali lang sana na may pinto, yung pwede pang pagtaguan. Sana meron pa.

"Dito! Dito!" sigaw ni Sgt. Downey na tila may nahanap ng gusali na maayos pa.

Hindi ko man alam kung anong lugar na ito, pero may mga alaalang bumabalik sa isipan ko. Ala-alang kailanman ay kakalimutan na ng panahon.

"Rick?" nagulat ako sa pagtapik ni Alexa sa balikat ko. "Malalim na naman ang iniisip mo?" tanong pa niya.

The Bite (Book2) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon