Chapter 12: Join Force

455 16 5
                                    

Rick

"Anong gagawin natin? anumang oras ay naririto na sila!" tanong ni Borgy.

"Fuck! hindi niyo naman kasi sinabi agad Sarge. Kayo diyan! kunin niyo yung mga gamit! magmadali kayo!" napailing na lang si Captain at may inutos sa kanyang mga tauhan.

Dali-dali namang bumalik ang mga tauhan niya at may mga dala itong kahon.

"Ano 'yan Captain?" tanong ni Sarge.

"Tatanggalin natin yan. Yung mga tracking device na nasa batok niyo. Kailangan nating matanggal agad yan." sagot ni Captain.

Hindi ko akalain na pwede pala itong matanggal. Pero, may bomba ito. Paano nila gagawin 'yon.?

"May bomba sa loob nito Captain, imposibleng matanggal ito." saad ni Dad. Naunahan lang ako. Tss.

"Kami na ang bahala sa inyo. Ang mahalaga ay hindi nila tayo matunton dito. Kaya mabuti pa humiga na kayo doon para masimulan na nila." ani Captain. Mabuti na lamang at nakilala namin ang mga ito. Sa wakas makakalaya na rin kami.

"Salamat Captain!" narinig kong bati ni Sarge bago ako lumapit sa mga magtatanggal ng tracking device.

Nauna nang tanggalin ang mga tracking device nina Alexa at Chel. Sumunod ako, si Dad, ang magkapatid at si Borgy. Tila nakaramdam kami ng ginhawa ng matanggal nila ang bagay na 'yon. Medyo masakit lang dahil mahapdi.

"Salamat ulit Captain!" muling nagpasalamat si Sarge matapos matanggal sa kanya ang tracking device.

"Wala 'yon Sarge. Narito tayo para puksain ang mga masasamang loob. Naisip ko na sumanib sa inyo at sumama sa laban ninyo." sagot ni Captain.

Lahat kami ay napangiti sa sinabi ni Captain na sasama siya sa amin.

"Tama ba ang narinig ko? sasama ka sa amin Captain?" paniniguro pa ni Sarge. Sarge naman, sasama na eh. Kailangan natin sila. Tss.

"Yes Sarge! sa katanuyan, nakahanda na kaming lahat. . Guys!" sagot ni Captain at nakangiti itong tinawag ang mga kasamahan niya.

Hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Ilang armadong kalalakihan ang lumabas mula sa isang silid. Mula ulo hanggang paa ay may nakasuot dito. Ang mga kalibre ng baril na hawak nila ay matataas. Ang astig nila kung pagmamasdan. Sana makahawak ako nang isang armas tulad ng sa kanila.

"Wooah! ang astig nila Bro!" pagkamangha ni Byron. Kitang-kita talaga sa kanyang mukha ang pagkagulat kaya naitulak niya si Troy.

"Tang ina ka! itutulak mo pa ako!" reklamo ni Troy. "Shit naman! wala ba kami?" pabirong tanong pa niya.

Kinabahan ako sa tanong ni Troy. Baka kasi sabihin ni Captain sumusobra na kami. Tss.

"Syempre meron kaming nakahanda para sa inyo!" nakangiting sagot ni Captain.

Woah! ayos! ito na ang pinakahihintay ko.

Agad na nilabas ng mga tauhan ni Captain ang isang malaking baul. Sa dami ng nagbuhat, sigurado akong napakaraming armas ang nasa loob nito.

"Kunin niyo ang armas na siguradong ililigtas kayo. Wala sa desenyo o itsura ang pagpili ng armas, kaya piliin niyo kung ano ang mas nararapat para sa inyo." paliwanag ni Captain na talaga namang nagbigay palaisipan pa sa akin.

Kanya-kanya na kaming kuha sa mga armas na nasa harapan namin.

Dual Uzi ang kinuha ni Byron at Dual Glock naman ang kay Troy. Kumuha din sila ng maliit na swiss knife.

Bolo ang kinuha ni Alexa. Matindi talaga ang babaeng 'to. Pero kumuha pa siya ng isang Desert Eagle 45.

M-16 ang kinuha ni Sarge at suot na niya ang mga bala nito paikot sa kanyang katawan.

Shotgun naman ang kinuha ni Dad at isang swiss knife at isang 9mm na pistol.

Hawak ni Borgy ang isang machine gun na talaga namang bagay sa kanya dahil sa laki ng kanyang katawan. Nagpose pa siya na para bang si Ramboo. Tss.

Inabot ko kay Janine ang isang maliit na kutsilyo at isang 38 na pistol. Ganun na lang din ang dala ng scientist na si Rachel.

"Oh Rick. ano ang sayo? kumuha ka na!" pilit ni Captain. Iniisip ko pa rin talaga yung sinabi niya e. Bahala na.

Dinampot ko ang dalawang magnum na pistol at inilagay sa maliit na bag ang lahat ng bala nito. Nagsiksik din ako isang tactical knife sa loob ng aking pantalon.

"Magaling! okay na ang lahat. Sa ngayon, kailangan nating mahanap kung saan man naroroon si Jackman." saad ni Captain. Tama,

Siniko naman ako ni Alexa at pinandilatan pa ako. Tss. Oo na may mali ako, pero heto na nga eh. Babawi na lang.

"Okay guys! simulan na natin ang laban!" sigaw ni Sarge.

"Yes Sir!"

---

---

"Eiffel! anong ginagawa mo? bakit mo sila nilabas?" galit na tanong ni Gen. Devone.

"Nakita ko kasi na nahihirapan na sila kaya inilabas ko muna para matignan." nag-aalalang sagot ni Eiffel.

"Paano kapag nalaman ni Boss 'to? anong gagawin mo? hindi ka dapat nakialam sa bagay na ito!" napailing na lang si Devone.

"Hindi ka ba naawa sa mga bata Devone? wala na nga sila sa piling ng kanilang mga magulang, nagagawa pa natin silang pahirapan! ano? hahayaan na lang natin sila na mamatay ng ganito?" hindi na napigilan ni Gen. Eiffel ang kanyang nararamdaman na galit at pagka-awa sa mga batang nakakulong sa mga capsule.

"Tss. Sila pa ang may halaga sayo? paano ang mga magulang natin? paano natin mababalik ang dati nating buhay kung isusuko natin sila? Paano Eiffel?" dagdag pa ni Gen. Devone na napaupo na lang para kumalma ng sandali.

"Hindi na mababalik ang lahat kuya! sira na ang buhay natin! wala nang silbi ang buhay natin! kaya Kuya gumising ka na! hindi ito ang tamang paraan." tuluyan nang tumulo ang mga luha sa mata ni Gen. Eiffel.

Napayuko na lamang si Gen. Devone na tila lumuluha din. Magsasalita pa sana siya nang biglang may tumawag mula sa labas.

"Gen. Devone! may isang grupo po ang hindi na namin ma-trace!" saad nang isang Red army.

Napatingala si Gen. Devone sa kanyang narinig. "Damn! paano? paano nila ako natakasan? Paano?!"

"Anong gagawin mo kuya?" tanong ni Gen. Eiffel.

"Ibalik mo sila! mukhang kilala ko na kung sino ang mga walanghiyang 'yon. Sergeant Downey humanda ka!" galit na saad ni Gen. Devone.

Nagulat naman si Gen. Eiffel nang biglang nagsalita ang batang lalaki na nasa tabi niya.

"Dad?"

Napatingin si Gen. Devone sa batang lalaki at ngumiti ito na para bang may binabalak muli.

The Bite (Book2) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon