DELTA 5

26 2 0
                                        

ACE'S POV

To see her smile is everything to me. Kahit hindi ako ang rason ng mga ngiting yun. Basta ba, sya ay ngumingiti at hindi umiiyak.

" Best, may gusto ka bang sabihin?? Kanina ka pa di mapakali dyan." Kanina pa sya paikot-ikot dito. Nasa bench kami ngayon. Di ko alam pa rin pero ang alam ko, bigla lang kaming napunta dito.

" Best, talaga bang kapatid ng asungot mong pinsan si Stephanie?? Hindi kayo nagbibiro??" Haha.. Hanggang ngayon, yan parin pala inaalala nya.

" Oo naman. Wala na akong ibang pinsan kundi yung dalawang yun. Bakit mo natanong?"

Trisha's POV

Umiling lang ako. " Curious lang kasi ako ee. Di sila magkamukha. I mean di naman siguro iba ang nanay nila diba??" Natawa sya bigla.

" They have the same parents. Nagmana lang masyado si Stephen kay tito." So it make sense. Kaya pala magkaiba mga mukha nila. HAHA.

" Oh, bat ka natatawa? May nakakatawa ba sa sinabi ko?"

" Ahm, wala lang. May naisip lang ako bigla." I smile at him.

" Oww. Teka, di na ba masakit yang sugat sa mukha mo?" Dinampi niya yung mukha ko.

" O-ok lang naman siguro ako. Wala yan. Malayo yan sa bituka." Pagpupumilit ko sa kanya. Pero kasi nga doktor tong isang to, i mean, nag aaral ng medisina ito, kinareer na ata at sinuri ang sugat ko.

"Same school kami ni Stephen eversince we're in high school. Ba't ngayon ko pa nakita si Stephanie?" Pinagtataka ko talaga yan simula nung makita ko si Stephanie.

"Nasa States siya at ngayong college na siya pa umuwi. Dito niya raw gusto mag aral eh." Oh. Saka di ko rin inuusisa si Stephen sa mga bagay na ganyan kasi nga aso't pusa kami kapag naguusap. Sabihin pa pakealamera ako sa buhay niya.

"Ah oo nga pala, gusto ka nga pala makilala ni Stephanie. Maganda ka raw kasi." Natawa naman ako sa sinabi niya.

"Sabihin mo sa kanya wag masyadong bolera. Okay lang din namang makilala ko sya. Feeling ko kung nagkakilala kami dati eh magbestfriends na rin kami ngayon. Di tulad nung kapatid niyang demonyo ang pag uugali."

Nagdaldalan pa kami hanggang sa hapon na at kelangan na naming umuwi.

"Kita na lang tayo bukas ha?" Nagpaalam na si Ace sa akin at umalis na rin pagkahatid niya sa akin sa bahay.

Pagpasok ko, nagulat ako sa nadatnan ko.

"Mommy? What is he doing here?" Alam nyo kung sinong nadatnan ko? Si Stephen na nakikipag usap sa parents ko. Kelan lang sila naging close? Kami nga na magkaklase sa tanang buhay ko, di kami close eh.

"May inihatid lang siya rito anak. Come, sit with us." Inirapan ko lang si Stephen at nagpoker face lang din siya. Hinding hindi ko na rin talaga makakasundo ang taong to.

"Hijo, so okay na kaya 'yong napag-usapan nating deal?" Medyo seryoso si papa sa pinag uusapan nila. Curious ako kung ano man iyon.

"Ipapasuri ko po kay daddy, tito. Mukhang maganda naman po ang proposal ninyo. Mauna na po ako." Papatayo na sana siya pero hinawakan siya ni mama sa kamay para pigilan.

"Dito ka na maghapunan, hijo. Nakapagluto na rin naman ako. Tara na. I will not take 'no' for an answer."

At dahil hindi mapigilan si mommy sa pag aaya kay Stephen ay sa huli siya pa rin ang nasunod. Tahimik lang ako sa pagkain habang dada nang dada si mommy. Para siyang bata, andaming katanungan sa buhay. Kung bakit hindi pa siya nagkakagirlfriend, kung may hinihintay ba siya o may pinapakiramdaman ba na dapat ay hindi niya tinatanong dahil wala siyang pakealam dapat sa parte ng buhay na iyon ni Stephen. Like hello? Hindi niya anak ito para kamustahin ang buhay pag-ibig niya. Kaloka talaga itong si mommy.

"Maraming salamat tita sa hapunan. Ang galing nyo po palang magluto." Marunong din palang mambola itong si Stephen. Sa tagal na magkasama kami sa parehong school ay ni hindi ko ito nakita o narinig na nagcompliment sa isang bagay o isang tao. Sobrang cold kasi.

"Sus, wala yon. Sige hijo, sa uulitin. Send my regards to your mom and dad. Ingat ka sa pag-uwi."

Tiningnan ko lang sila mula sa sala habang nagpapaalaman. Sobrang close ata nila. Or feeling close lang talaga ito si mommy. Si daddy naman casual lang lagi. Hindi siya palasalita kung hindi rin tungkol sa business. Himala nga at umuwi sila ngayon eh. Ang akala ko ay magtatagal pa sila sa mga pinag aasikaso nilang dalawa.

"Kelan lang kayo naging close ni Stephen ma?" Tanong ko agad kay mommy pagkapasok niya.

"Matagal na. Kayo ba  hindi close? Akala ko close kayo since nasa same school kayo almost all of your school life." Umiling lang ako sa kanya. Buti nga sila eh close. Ewan ko ba kung bakit ang init ng dugo naming dalawa ni Stephen sa isa't isa.

"You should get along sometimes. You look good together." Napataas ang kilay ko sa sinabi ni mommy. Gosh! Of all people, siya pa talaga itong nag-isip ng ganyan?

"Mommy, Stephen and I are total opposite. Kaya lagi kaming nagkakabanggaan niyan." Pag eexplain ko para naman maliwanagan siya at hindi na isiping may chance kami dahil walang wala talaga dahil mutually decided na ayaw talaga namin sa isa't isa.

"Akala namin ng tita Kareena mo ay magkakasundo kayo. Hindi pala. You're both hopeless." Halos pabulong niyang sinabi kaya hindi ko masyadong narinig.

"Sige na mommy. Matutulog na ako. Maaga pa ang pasok ko bukas." Bumeso lang ako sa kanya at umakyat na rin ng kwarto ko.

Kinabukasan ay nagmadali akong nagprepare para sa school dahil may activity at isa ako sa organizer non. Paglabas ko ng kwarto ay may napansin agad akong note sa fridge.

Baby, we have to go. We'll be out for a week. Be good okay? We promise to make it up to you when we come back. We love you.


Pagdating ko sa school ay nagkakabusyhan na. Agad naman akong pumunta sa pwesto ko para makapagtrabaho na.

Lunch time na nang maisipan naming magbreak muna sa preparation at kumain na muna.

"Hey!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 28, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My One Delta T StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon