Chapter 6 The Investigation

9 0 0
                                    

"Saan tayo papunta?" Bulong ko kay Chase na tahimik at tameme mula pa nung simula.

"Sa principal's office. Nandoon ngayon yung mga pulis at imbestigador nung nangyare. Sino nga pala nagsabi sa iyo nito?" Tanong niya.

"Yung Annie." Sagot ko.

"No wonder." Sabi nito sa sarili.

Pumasok kami at tumambad sa amin ang tatlong lalake na naka uniporme at yung isa naman ay naka itim na long sleeves at slacks. Naka tuck in at naka square framed eyeglasses. A stereotype kind of manly look but his eyes seem to look through everyone. Including me.

Kasi kilala ko naman talaga kung sino siya. Ang pinaka lethal at ang taong kilala ko na magkakaroon ng ganitong tingin sa buong buhay ko. As expected.

"I'm detective George Jethany Lucero. The primary investigator of this case." He said while fumbling inside his left pocket for a hanky and wiped a bead of sweat rolling on his forehead. "Nakikita kong ang mga batang ito ata yung pinaka huling nakapasok sa crime scene kahapon."

"Opo." Sabi nung guro na nagdala sa amin. At tiningnan kami nito at binigyan kami ng considerate smile na nagsasabing kumalma kami atska umalis. Kaakibat nito ay ang pagpasok ng isang matandang ginang na may maamong mukha, which I believe is the principal of the school. She glanced at us and gave us an encouraging smile as well and sat on her so-called throne.

We sat on the nude colored couch while the four men were sitting on the sofa. We tried to ease ourselves. Little did they know that I was already rubbing my fingers against each other while they were busy looking at their folders and files. Jeth glared at me and I tried to look as eased as possible.

"So, mga 4:13 pm yung time na umalis kayo sa clinic right? Mga 3:09 ka nahimatay noon,... Uhm.. Anong pangalan mo hija?" Tanong nung matabang, maitim at stereotype looking na pulis.

"Uhm. Opo." Sabi ko at napalingat kay Chase na nakatingin din sa akin noon.

"Okay." Sagot ni Jeth at may inilabas na paraphernalia na sa tingin ko ay ginagamit na pagkuha ng fingerprints. As of now, na alter na ang fingerprints ko. Mga kalahating oras din akong nagkukuskos ng mga daliri ko. Sana effective yung gamot.

At iyon na nga ang nangyari. Kinuhaan kami ng fingerprints at ininterogate. Nagtagal kami ng isang oras bago pa kami pinaalis.

Paglabas ng opisina ay napabuntong hininga ako. Gayun din ang aking kasama. Bigla akong natawa.

"Bakit?" Tanong ni Chase.

For sure weird yun. Kanina pa kasi ako nagpipigil ng aking katuwaan noong hirap na hirap silang maghanap ng ebidensya na magtuturo sa pumatay sa biatchy nurse na iyon.

"Ha? Wala wala. Natawa lang ako sa magkasabay na pagbuntong hininga." Sabi ko nang bigla kong maalala yung mga sinabi ni Jeth kaninang umaga habang nasa sasakyan kami. Yung prank call at iba pa. Ngayon naiintindihan ko na ang lahat.

"Teka, may alam ka bang nagpaparenta ng bahay malapit dito sa school?" Tanong ko.

"Huh? Di ba may tinitirhan ka naman? Bakit? Para sa kamag-anak?" Biglang sigla na lamang niyang tanong sa akin.

"So may alam ka nga?" Tanong ko ulit.

"Sa amin! 2K a month, malinis pa!" Bigla niyang sabi.

"Okay. Pwede na bang lumipat diyan mamayang gabi???" Tanong ko.

"Hah?!! Agad agad? Ewan ko. Pwede naman siguro kas di pa nalilinisan yun at-"

"Wala na akong pake. Tawagan mo kung sino man yung mga nandoon at sabihing ihanda yung bahay. I'll give an advance payment of 10K if you're willing." I said sternly. Pero naalala ko na dapat manatili ang composure ko at narealize ko na dapat hindi ako ganoon magsalita.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 12, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Open fireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon