Chapter 1 * This person called FOUR

18 1 0
                                    

***

Sa pinaka simula pa lang, alam ko na kung saan nila ako dadalhin. NO DOUBT. Sa isang mental institue na naman.

Di bale, kaya ko naman tumakas eh.

Sa kalagitnaan ng pagtahak namin sa mga kalsadang dinadaanan ng iba't ibang sasakyan, rain started to pour. Hitting and smashing the window like retarded little creatures desperately gasping to let them in. I was only watching them like I am watching somehow a tortured rat.

"Wag ka mag-alala *BLEEP*, magugustuhan mo doon." Pag garantiya sa akin ng aking tiyahin.

Ano pa nga bang sasabihn niya? Eh dapat naman talaga assurance ang ibibigay niya sa akin. Pfft.

Biglang huminto ang aming sinasakyan. Kasabay din nito bumaba si tiya kasama rin ang driver. Naiwan ako sa loob ng sasakyan. tulala at tila napapaisip kung ano na ang susunod kong gagawin.

Sunud sunod na putok ng baril ang narinig ko. Bago pa man ako makababa ng sasakyan, may malaking tao ang nagbukas ng pintuan at binitbit ako. Hindi ako pumalag noong narinig ko na ang boses ng taong iyon.

Tulad ng inaasahan.

"Inutusan na ako na sunduin ka. Marami ka pang gagawin." Sabi sa akin.

Nagpadala na lamang ako. Kasabay ng kanyang mga yapak. Alam ko na mismong magiging abala na naman ako sa matinding banatan ng buto at mga duguang bangkay. Kailangan wala akong awa dahil iyon din ang kapalit ng kanilang ginawa para sa akin. Masaya akong makasama sila. Sila ang tunay na PAMILYA.

Kahit napagkaitan man ako ng pagkakataon na makasama ang biological parents ko, ayos lang. Meron naman kasing nag aalaga sa akin.

Sana masaya na sila kung nasaan man sila ngayon.

Kasi ako, MASAYA.

Nakita ko ang duguan na katawan ng aking tiyahin at ng driver na nakahandusay sa basang lupa. Kitang kita sa pagmumuka nila ang matinding takot na naiwan sa kanila noong humuhinga pa sila.

*June 2

*Year: Unknown

*Time: 11:05am

Papasok na ako ng school sa unang pagkakataon. Hindi bilang isang Grade 1 student o nursery o prep o kung ano. Diretso akong papasok as junior. (3rd year high school). sa isang public school ako papasok na matatagpuan sa isang area na puno ng karumal dumal na krimen at mga talamak na ugnayan ng masasamang pinuno. Other nationals consider it as "The gates of Hell."

Sa pagdating ko sa loob ng campus, nakita ko ang ilang pamilyar na mga muka. Mga mukang kadalasang sumusulpot sa mga nagiging panaginip ko.

O kaya naman ay talagang nakita ko na sila?

"Oy! Andito kami!!!" Sigaw ng isang lalaking katabi ko na kapwa ko ring nakatayo sa ilalim ng lilim na binibigay ng waiting shed.

Sadyang mainit ang panahon ngayon. Tila walang estudyante ang nagbadyang manatili sa gitna ng court sapagkat tirik ang araw. Kaya lahat siksikan sa waiting shed. Yung iba laniya kaniyang payong.

Nakita ko ang isang matangkad at mukang makisisg na BABAE. Nilapitan niya ang lalaking katabi ko na napagkaalaman kong Lian ang pangalan.

Habang tumatagal, lalong dumadami at umiingay ang katabi kong grupo ng mga estudyante. Napagkaalaman ko ring magiging kaklase ko ang mga kutong lupa na maiingay. Pinaka ayaw ko sa lahat.

Biglang may lalaki nanamang papunta sa direksyon ng mga maiingay. Matangkad, at kayumanggi ang kulay.

"Ui Lian!"

"Ui Chase!"

Nagslamman ang dalawa. Naghagikhikan ang dalawa na parang magkapatid. Mukang daig pa nito ang mag syota eh. Kumpara kay Lian, sadyang patpatin ang lalaking bagong dating.

Bigla kong naalala ung sabi sa akin ni Dakawa nung dinala na ako ng mga tauhan niya sa HQ.

Kelangan kong mahanap ung pumatay sa anak ni *BLEEP* yun ang magiging takda ko sa ngayon.

Bumalik ako sa akong kamalayan noong nag bell na. dali daling pumila ang mga estudyante. Babae hiwalay sa lalake, ngunit di parin sila paawat sa pagdadaldalan.

Di ako nahirapan. sa 1st floor lang naman ang room 1C

Pagbungad ko sa loob, nakita ko ang ilang kutong lupa na naghaharutan at kaniya kaniya ng agaw ng upuan. Kaniya kaniyang gawa ng reservation para sa iba pa nilang tropa. Hinanap ko ang upuan na malapit sa bintana at medyo kalapitan ng blackboard. Sakto. Walang nakupo banda sa left wing. Dali dali na akong umupo.

Ilang saglit lang ay nag vibrate ang cellphone ko.

INCOMING CALL: Jeth

Agad ko itong sinagot.

"Four?"

"Oh? Nasa school na ko. Sino bang kakawawain ko?"

"Mahihirapan ka pa. Mag-adjust ka muna sa kapaligiran mo. Maliwanag?"

"Pero..."

"Siya na ang nag-utos. Para rin ito sa iyo. Kung magkakakomplikasyon, ipapaalalay ka niya sa akin. Maliwanag?"

"Sige."

"Hindi mo dapat maliitin ang kayang gawin niya sa iyo. Maaring ituloy niya talaga ang kasal."

I gasped for a while. Hindi ko lubos maisip na seryoso siya sa agreement. akala ko biro lang iyon. pero, dapat ko lang itago ang sikreto. dahil wala ni isa ang makakaintindi.

WALANG WALA.

May kumalabit sa aking babae. Ramdam ko agad kahit di ko pa siya nililigon. Pero lingid sa kaalaman ko marami silang nasa likod ko. Ang nangalabit sa akin ay maputi, maganda at katamtaman sa laki. May mga kayumangging mata na sumasabay sa liwanag ng araw.

"OH! Kamuka niya diba?!!"

"Oo nga!!!" sambit ng isa.

Tinignan ko lamang sila. Ano bang meron? Noong ilalaan ko na sana ang atensyon ko sa ibang bagay, bigla akong pinatayo ng babaeng kumalabit sa akin at pinaharap sa ibang taong nasa silid.

"Oi guys!!! tingnan niyo oh! Kamuka ni Shady!!!"

"Oo nga no?! Shady ikaw ba yan? Ang payat at ang tangkad mo naman ata para maging si Shady!"

"Asan si Chase? Dapat makita niya si Shady 2.0!"

Patuloy pa rin sa pagtataka, biglang sumakit ang isang bahagi ng ulo ko. Hindi ko mapigilan at tila may iba't ibang bagay na sumasabog sa loob nito. Napakapit ako sa babaeng kumalabit sa akin."

"Shady? Anyare? Okay ka lang?" pag-aalalang tanong niya.

"Natigilan ako. Nagmuka nanamang pamilyar lahat ng mga mukang nandito sa paligid. Hindi ko alam kung bakit. Bigla na lang ding nawala ang kirot at dali dali na akong bumitaw sa babae.

Nagulat siya, ngunit nagmadali na lamang siyang umupo sa silyang nasa likod ko dahil parating na ang first subject teacher namin.


Open fireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon