"Ganun na lang ba talaga ako kadaling iwan, Dylan?" Tanong ko sa pinsan kong nakahiga sa tabi ko habang nakatutok sa cellphone niya.
"Hmmmm?" Sagot niya.
Hindi ko alam kung naririnig niya ba ako o nangaasar lang talaga siya.
"Wala, ewan ko sayo." Sabi ko sabay talikod sa kanya.
"Uy! Sorry na, ano ba kasi yun?" Aniya.
"Wala nga, tulog na tayo."
"Okay." Sagot naman niya.
Hindi ako mapakali, hindi ko alam. Sobrang daming pumapasok sa isip ko. Ang daming tanong na kailangan ng kasagutan. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko dahil hindi ako makatulog. What a life.
Agad akong tumayo sabay kuha ng unan ko.
"Oh! Where are you going?" Pasigaw na sabi ng pinsan kong si Dylan.
"Ewan ko sayo, ayaw mo akong kausapin. Bahala ka sa buhay mo!" Sigaw ko.
Ngayon hindi ko alam kung saan ako pupunta, hindi pwedeng sa sala ako matulog kasi baka mamaya makita ako ni mommy. Sarado na ang ibang kwarto. Grabe, bahay namin ito pero ako ang walang matulugan. Seriously?
Agad akong umakyat sa rooftop para makita ang city lights. You remind me of everything.
Nilapag ko ang unan ko sa lamesa at agad umupo.
"Shit nakalimutan ko pala yung phone ko." Pabulong kong sabi.
"Here."
Napatalon ako ng narinig ko ang boses ng pinsan kong si Ian, nagaantay ang kamay niya na kunin ko ang phone ko.
"Uhm, thanks. Paano mo nalang na nandito ako?" tanong ko.
"Nakita ko kasi na may pumihit ng door knob sa kwarto, hindi ko naman alam na ikaw. Ang akala ko ay si Dylan kaya hindi ko binuksan dahil manggugulo lang yun." sabi niya.
"Ahhh, thanks ulit." sagot ko. Umupo siya sa isang upuan na kaharap ko.
"Eh ikaw bakit ka nandito?" tanong niya.
Umakyat ako dito sa rooftop dahil gusto ko mapagisa. Ugh, hindi ko alam kung bakit ba nagin pinsan ko tong mga to.
"Uhm, nagpapantok?" sagot kong patanong.
"What? Eh bat sa kwarto mo, tsaka malamok dito." aniya.
"Eh si Dylan nasa kwarto ko, okay lang sanay na ako. Hahaha!" biro ko.
"Epal talaga yung gagong yun." aniya.
Ngumiti lamang ako dahil ayoko na magsalita, ayoko ng may kausap.
Binalot kami ng nakakabinging katahimikan ni Ian ng biglang nag-ring yung phone niya ng napaka lakas. Nagulat ako at agad napatakip ng dalawang kamay sa dalawang tainga.
"Sorry." aniya habang tumatawa.
"Okay lang" sabi ko habang tumatawa.
Bumaba siya ng rooftop kaya naiwan ako. Biglang nagvibrate yung phone ko at agad ko tong binuksan.
"Kael King Funtabuella likes your comment: "Ang gwapo mo talaga! Crush na kita. :(".
"SHIIIIIIITTTTT!" Pasigaw kong mura.
Sino ba naman kasing hindi mapapamura dahil ginamit ng mga pinsan ko ang facebook account ko? Grabe!
Kaarina Angela Funtabuella: YUCK! KADIRI ANG PANGET!
Aaliyah Art Funtabuella: AUTO LIKERS! HAHAHAHAHA!
Angelica Abardeem Funtabuella: Ang gwapo mo talaga! Crush na kita. :(
Mark Ian Funtabuella: GRABE KA KING, GINAMIT MO PA FB NI ANGGE PARA LANG MAY MAGSABI NA GWAPO KA!!
Dylan James Funtabuella: Fuck yourself King!
Kael King Funtabuella: Well! Haters gonna hate! :p Get a life, haters. Hahaha!
Gusto kong tumawa ng malakas dahil sa mga pinaggagawa ng mga pinsan ko. Hahahahaha!
Bumaba ako ng rooftop ng nakita ko sa phone kong 1am na, bumalik ako sa kwarto ko at laking pasasalamat ko ng nakita kong tulog na si Dylan, umupo ako sa gilid ng kama ko at humarap ako sa salamin.
Tinignan ko ang mga mata kong mapupungay hindi dahil inaantok na ako dahil ganito talaga ang mata ko, yung mga kong merong mahahabang pilik mata, merong tamang kapag ng kilay. Ang ilong kong matangos at ang labi kong mapula. Anong mali sakin? Wala naman diba?
Biglang tumulo ang luha ko ng biglang may yumakap sakin galing sa likod ko.
"Shhhhh, don't cry." mahina ngunit matigas na sabi ni Dylan.
Bumuhos lalo ang luha ko ng dumating bigla si Dylan. Taksil talaga tong sarili ko.
"We always got your back sweetie, matulog ka na." aniya.
"Thankyou." sabi ko at agad ng humiga sa kama, pinilit kong matulog kahit alam kong hindi ko kaya.
BINABASA MO ANG
Ikaw at Ako
Teen FictionMinsan sa buhay kahit sobrang saya mo na, wala ka ng hihingin pang iba darating talaga yung time na masisira nalang lahat. Mawawala ng parang bula. Ganun naman lagi diba? Kung saan tayo nagiging masaya doon pa tayo nagiging tanga. Kapag masaya ka ng...