Kabanata 1

31 0 0
                                    


Kabanata 1 


"Angge! Tara na, male-late na kami oh!" sigaw ng pinsan kong si King.

"Huwag niyo na kasi ako antayin, wag niyo na rin ako ihatid! Hindi naman na ako bata, alam ko naman kung saan yung room ko!" sigaw ko pabalik.

Nakita kong papalapit ang mga pinsan ko kung saan kami nakaupo kasama ng mga kaibigan ko kaya naman ay halos mamatay sila sa kilig. 

"Stupid. Ang papanget." bulong ko.


Nakita ko ang mga mata ng mga babae na nanlilisik kapag nalalagpasan sila ng mga pinsan ko.

"Tara na, ano ba! Hindi ka ba susunod?" sabat ng pinsan kong si Dylan.

"Hindi, bakit? Anong gagawin mo sakin? Ha?" sigaw ko.

Ganito naman lagi eh, lagi akong nagiinarte na huwag na nila akong ihatid sa classroom ko. Dahil nahihiya ako, ang laki laki ko na may hatid sundo parin ako? wtf!

"Hayaan niyo na kasi, hindi naman yan mawawala dito." ani kuya Xander na pinsan ko rin.

"Oo nga, dito lang naman ako." sabi ko sabay taas ng mga kilay."

"Ayaw mo sumunod ah." sabi ni King at agad na kinuha ang cellphone niya.

"Anong gagawin mo?" tanong ko.

"Tatawagan ko ang kuya mo, hindi ka nakikinig sa amin." aniya.

"Ok fine! Eto na! Sasama na!" sigaw ko at agad na tumayo sa kinauupuan ko.


Alam talaga nila kung sino ang kinakatakutan ko at ang hindi. 

Marami kaming magpipinsan, si Dylan at si King ay magkapatid. Si King ay 2nd year high school at si Dylan naman ay 3rd year high school. Dalawa lang silang magkapatid kaya naman ay lagi silang nagaaway, kung hindi dahil sa babae, dahil sa kotse. Lahat kaming magpipinsan ay pare-pareho ng mga mata, mga mata na akala mo ay laging walang ginagawang kasalanan kaya naman ay lahat ng babae ay nahuhumaling sa mga pinsan kong lalaki.


Si ate Kaarina, ate ate Aaliyah naman ay 3rd year highschool din at samantalang si kuya Xander ay 4th year high school. Si ate Kaarina ay morena, may matangos na ilong, mahabang buhok at matitingkad na pisngi. Si ate Aaliyah naman ay sobrang puti na akala mo ay pinagulong sa espasol at si kuya Xander ay may pagkakahawig sa kuya kong si Nathaniel kaya lagi silang napagkakamalang kambal.


Meanwhile, Zachary or Zach,kuya Austin, and Tristan are siblings. Unlike Dylan and King ang tatlong ito ay hindi gaanong nagkakagulo, lagi silang magkakasundo. Kaya iniisip namin ay lagi silang may ginagawang kalokohan. Si Zach and Tristan ay 3rd year high school at samantalang si kuya Austin ay 4th year na kasama si kuya Xander at kuya Nath.


Si Jason, Julian, at ate Audrey naman ay magkakapatid rin. Si Jason ay akala mo ay anghel sa unang tingin pero may tinatagong sungay sa likod niya. Si Julian naman ay napaka maharot. Hindi ko alam kung ilan na ang naging girl friend neto, 1st year high school palang siya lagi ng pinapatawag ang tita ko dahil araw araw daw na may pinapaiyak na babae. Si ate Audrey naman ay may konting pagkakaiba sa aming magpipinsan. Kung lahat kami ay may malumanay na mata ang mata niya ay akala mo ay laging galit ngunit sa aming magpipinsan siya ang pinakamabait. Yung tipong lahat ng kasalanan nagawa na namin siya hinahayaan niya lang kami. Si Jason ay 3rd year, si Julian ay 2nd year at si ate Audrey naman ay 4th year.  


Kuya Nath and Me are so close. Siyempre magkapatid kaming dalawa at nakatira kami sa iisang bubong. Ayaw na ayaw nila na sumasama ako sa mga lalaki pwera nalang kung mga pinsan ko o mga kaibigan nila. Si ate Kaarina, ate Aaliyah at ate Audrey ay hindi na nila sinasabihan dahil malalaki na raw ang mga ito, alam na daw nila ang mga ginagawa nila. 2nd year rin ako katulad ni King at Julian pero hindi namin kaklase ni Julian si King dahil baka daw laging may gawing kalokohan ang dalawa.


Bumuntong hininga ako ng nakitang malapit na kami sa classroom namin, nauna na si Julian hindi na niya kami hinintay aniya susunduin niya daw yung nililigawan niya sa freshmen. 

"Behave ok?" ani King.

"Wow coming from you?" sabi ko at pinagtaasan siya ng kilay.

"Sige na, pumasok na kayo aakyat na." ani kuya Xander "King ikaw ang magbehave!" dagdag nito.

"Ok, bye kuya!" sabi ko sabay halik sa pisngi ni kuya Xander.

"Bye sweetie!" sabi sakin ni King sabay halik sa pisngi ko.

"Yuck, ew, ang panget mo!" sigaw ko hahabulin ko na sana siya ngunit tumakbo na siya sa room niya ng napakabilis.


Naglakad ako papunta sa upuan ko, magkatabi kami ni Julian dahil parehas lang ang last name namin. Habang inaantay namin ang teacher namin si Julian ay selfie ng selfie kasama ako, hindi ko alam pero minsan iniisip ko na bakla ba tong pinsan ko na to. 

"Angge! Picture tayo, tingin ka!" aniya.

"Oh my god Ju, hindi ka ba nagsasawa? Halos araw araw tayong nagseselfie, oras oras kang nagaupload ng pictures mo sa facebook. Tell me nga, bakla ka ba?" tanong ko.

"wtf Angge?! Grabe ka sakin! Ang sama sama mo! Ganyan ba talaga ang tingin mo sakin? Ang gwapo ko naman bakla." aniya.

Halos paligiran kami ng mga kaklase ko dahil gusto nilang sumali sa trip ni Julian. Ang nakakahiya pa ay may mga taga ibang section na pumupunta dito sa room dahil gustong magpapicture kay Julian. Nilingon ko si Lillian na araw araw nandito sa room upang makita lang si Julian. Lagi ko siyang nakikitang nakatitig kay Ju pero makikita mo sa kanya na mahiyain siya.


"Nanjan na si Sirrrrr!" sigaw ng kaklase kong papasok ng classroom namin. Kaya naman ay nagsilabasan ang mga taga ibang section at nagsipagayos sa pagupo ang mga kaklase namin.  


Pumasok ang teacher namin at may pinagawa agad. Ganun naman lagi kapag tinatamad silang magturo, magbibigay na lamang ng ipapagawa. Agad akong natapos sa mga pinagawa ni Sir tumayo ako para ipasa ang papel ko ng biglang hinila ni Ju yung braso ko.

"Wait Angge, pakopya! Wala pa akong nagagawa." aniya.

"What's new? Lagi ka namang nangongopya!" sabi ko sabay bigay sa kanya ng papel ko.

"Thanks, bebe girl!" sabay kurot sa dalawang pisngi ko.


Inantay ko siyang matapos sa pagkopya at saka pinasa ang papel namin dalawa, sabay kaming lumabas ng room at sabay kaming pumunta sa university canteen para kumain kasama ang iba naming pinsan at iba nilang kaibigan.


Nang nasa tapat na kami ng hagdan ay bigla akong natalisod dahil sa mga naghaharutang mga lalaki na nasa likod namin at ng dahil don ay muntik na akong magpagulong-gulong simula 5th floor hanggang 4th floor buti nalang ay nakahawak ako sa bakal at hawak hawak din ni Julian ang braso ko.


"What the fuck dude? Gago ka ba?" sigaw ni Julian at umambang susuntukin ang lalaking nakatalisod sa akin.

"Ju, stop it. Hayaan mo na, hindi naman yata sinasadya." pagpipigil ko sa kanya at hinawakan angg mga braso niya.

"Im sorry miss, hindi ko sinasadya." ani ng lalaking nakatalisod sakin.

"Eh kung basagin ko kaya yang mukha mo tapos sabihin ko ring hindi ko sinasadya? Ano?!" sabat ni Julian.

"Ju, stop na! Nagsorry na yung tao oh!" sabi ko kay Julian. "It's ok, sa susunod mag ingat nalang kayo." sabi ko sa lalaki.

"Let's go Ju, inaantay na tayo nila kuya Nath sa uc." sabi ko sabay hila sa kamay ni Julian pababa.

Ikaw at AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon