Kabanata 2
Nandito kami ngayon sa University Canteen, hindi ko alam pero kanina pa ako naiirita kay Julian dahil kanina niya pa kinukwento kela kuya Nath ang nangyari bago kami pumunta dito. Naririndi na ako, hindi kami makakain ng maayos dahil sa kanya, isa pa pinagtitinginan kami dito kanina pa dahil sa pagkwento niya, ang lakas ng boses with mathching actions pa na kung akala mo ay siya yung muntik ng malaglag sa hagdan.
"Can you please stop na? Pinagtitinginan na tayo oh, hindi ka ba nahihiya?" sabi ko.
"Muntik ka ng mamatay dahil sa lokong yun tapos papalampasin ko lang?" aniya.
Oo tama, siya lang ang oa maka-react sa lahat ng pinsan ko, although nag-alala nga sila sa akin pero hindi katulad ng kay Julian.
"Alam mo Julian, kumain ka nalang. Ang oa mo maka-react. Ikaw ba ang kuya niyang si Angge ha? Tinalo mo pa si kuya Nath eh." ani ate Kaarina at agad na hinila si Julian paupo sa tabi niya.
"Hindi ako oa, sadyang wala lang kayong pake kay Angge kasi busy kayo sa mga lovelifes niyo. Tignan niyo hindi niyo na nababantayan yan!" sagot niya.
"WOW! Is that you Julian? Kailan ka pa natuto magsalita ng ganyan at kailan ka pa nagalala kay Angge ng ganya ka oa?" ani ate Audrey.
"Manahimik ka na Julian, sige na pupuntahan na namin yun mamaya. Matahimik ka lang." ani kuya Nath "Teka, natandaan mo ba yung mukha o kilala mo ba?" dagdag niya.
"Ahm.. hindi ko natandaan yung mukha eh, tapos hindi ko rin kilala." aniya sabay kamot sa ulo.
Agad siyang binatukan ni ate Audrey, "Hindi mo pala kilala tapos kung maka-react ka napaka oa mo!"
Natapos kami sa pagkain pero hindi muna kami umakyat sa kanya kanyang mga silid namin. Nagpahinga muna kami at kanya kanyang pindot sa mga cellphone.
"Zach!" tawag ko sa pinsan ko.
"Hmmmmm?"
"May kilala ka bang lalaking..." hindi pa ako nakakatapos sa pagsasalita ay agad na niya akong dinugtungan.
"WALA." matigas niyang sabi.
"Eto naman, wala pa nga eh! Uhm, kulay itim yung mga buhok, malalim ang mga mata tapos ano uhm.." Ayokong ituloy dahil baka kilala niya ang tinutukoy ko.
"Ay oo wait parang kilala ko yan, uhhhhhmmm si kuya Noel yan. Tama siya nga!"
"Omg! Seryoso? Saan mo siya nakilala?"
"Dito sa school!" aniya.
"Saan siya madalas na nakatambay?"
"Uhm minsan sa gilid ng gym o di kaya sa promenade."
"Ah okaaayyyy" sagot ko sabay ngiti.
"Teka bakit mo nga pala tinatanong?" tanong niya.
"Walaaaaa!" sabi ko.
"Bakit ngaaaaaa?" sabay hawak niya sa ilong ko
Hindi ako sumagot, hinayaan ko lang siya.
"Ok, hayaan mo akong magkwento tungkol sa kanya. Alam mo ba yang si kuya Noel napakabait niyan. Lagi niya kaming tinutulungan tuwing napaparusahan kami maglinis ng cr, lagi siyang nakikipag kwentuhan samin."
Napapangiti ako sa kwento netong si Zach, grabe! Hindi lang pala gwapo ang isang to mabait din.
"... pero one time nahuli kami ng mga teachers na nakaupo sa lababo ng cr at si kuya Noel ang nagma-mop. Siguro akala ng mga teachers ay inuutusan namin siya kaya naman ay nilipat siya ng building." aniya sabay simangot.
BINABASA MO ANG
Ikaw at Ako
Teen FictionMinsan sa buhay kahit sobrang saya mo na, wala ka ng hihingin pang iba darating talaga yung time na masisira nalang lahat. Mawawala ng parang bula. Ganun naman lagi diba? Kung saan tayo nagiging masaya doon pa tayo nagiging tanga. Kapag masaya ka ng...