ENTRY #1

41 2 0
                                    


        --------   Chapter One    ---------

Samarah Hamelthon POV;

May kadiliman pa ang buong paligid ng lumabas ako ng bahay. 5:15 palang ng umaga pero tinatahak ko na ang daan palabas ng subdivision kung saan kami nakatira.

Nakasanayan ko na ang umalis ng bahay ng ganitong oras para pumasok sa University kung saan ako nag aaral. This is my normal routine every Wednesday morning.

7 o'clock ang official time na nag bubukas ang university at dahil hindi sila nag bibigay ng permiso na makapasok na wala pa sa oras kaylangan ko pang umakyat sa pader para lang makapasok ng patago. Jogging pants lang and fitted shirt na dinoblehan ng jacket ang suot ko satuwing pumupunta sa University. May kalakihan ang back pack na dala ko na nag lalaman ng pamalit kong uniform at ilang mga gamit sa school.

"Good morning.."

bati ko sa guard na nag babantay sa gate ng subdivision, nakaupo siya at parang antok na antok dahil sa madalas na pag hikab. Tumango lang siya saka inalis ang nakaharang sa gate. Diri-diritso na akong nag lakad at tinungo ang waiting shed para mag abang ng masasakyang jeep.

Kapag ganitong pumapasok ako ng maaga hindi na ako nag dadala pa ng sasakyan, nag co'commute nalang ako dahil hindi pa naman rush hour at wala pang traffic. Kapag kasi dinala ko ang sasakyan ko tiyak na mag tataka ang parents ko at mag tatanong.

Ilang minuto lang may dumaan ng sasakyan, karamihan sa nakasakay ay mga studyante ding tulad ko. Sumakay na ako at Pumwesto sa gawing pintoan ramdam ko ang nakasunod nilang tingin ng maupo ako.

Dahil maaga pa at walang traffic halos paliparin ng driver ang sasakyan.

"Makikisuyo po ng bayad"
Sabi ko na iniunat ang kamay para iabot ang bayad. Alanganin na tinaggap yon ng katabi ko na iniabot naman sa nakalahad na palad ng driver.

"Ah, miss.. Wala kabang barya dyan? Ang laki nitong pera mo oh!Wala pa akong panukli.."

Sabi ng Driver na sinilip pa ako sa rear view mirror habang iwina-wagayway ang one hundred pesos na ibinayad ko.

"Ah, mag kano ba?"
Binuksan ko ang wallet ko pero agad ko din namang isinara ng wala akong makitang barya.

"Saan ka ba bababa?" Sa halip ay tanong nito.

"Hamelthon University..."

"Kinse pesos lang naman kung doon ka bababa.."

"Kung ganon huwag nyo nalang po akong suklian"

Nanlaki ang mata n'ya sa sinabi ko.

"Ha? A-no.. Bakit? Sigurado ka ba dyan miss?" Alanganin pero sunod-sunod nyang tanong.

Tumango ako. Hindi naman kawalan ang one hundred pesos sa'kin.

Hindi na siya nag tanong pa, baka nga naman kasi mag bago pa ang isip ko, nakangiting itinuon n'ya nalang ang atinsyon sa pag da'drive.

Dahil mabilis siyang mag patakbo nakarating agad ako sa University. Makailang ulit pang nag pasalamat ang driver bago tuloyang umalis. Medyo madilim parin ang paligid ng bumaba ako ng sasakyan, hindi ako bumaba sa mismong gate ng University dahil makikita ako ng mga guard na nag babantay doon, ilang metro bago marating yon ay pumara na ako at bumaba.

Tinungo ko ang likod ng skwelahan at lumigid sa pader kung saan ako umaakyat para lang makapasok. Sa taas noon walang mag aakalalang nagagawa ko iyong akyatin ng ganon lang kasimple. Masyadong mataas ang pader at para maakyat iyon kaylangan ko munang umakyat sa malaking puno at mag lambitin sa sanga noon para matawid ang pader.

THE HIP-HOP DANCER and Her Real Identity.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon