Chapter 1

36 1 2
                                    

Rafaela's Point of view

Flashback (2 years ago)

"Rafaela, mahal kita." Sambit ni Ruiz. Ang lalaking best friend ko. Lagi kaming mag kasama kaya halos buong classroom pinapartner kami.

"Ruiz, mahal rin kita. Higit pa sa kaibigan." Sabi ko dahilan para yakapin niya ako.

"P-pwede bang manligaw?" Tanong niya.

"Sorry Ruiz. Bawal eh. Bawal..." Nakayukong sabi ko. Bata pa kame, kailangan pag aaral ang mas inuuna namin.

"Bakit? Akala ko ba mahal mo din ako?" Tanong niya.

"Oo Ruiz, mahal kita. Pero hindi pa ako handa para dito. Hintayin mo ako. Balang araw magiging handa rin ako." Sabi ko.

Pero naiyak na lang ako sa ginawa niya. Hinintay ko yung sasabihin niya pero nag hintay ako sa wala. Umalis na siya. Nag lalakad palayo saakin. Wala na akong nagawa kundi tingnan siya habang papaalis.

End of flashback...

Ayan yung mga pangyayaring naiwan ko dalawang taon na ang nakalipas. At ngayon, hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.

Siguro ito talaga ang itinakda ng tadhana para saakin. Ang masaktan. Ang mag katuluyan ang dalawa kong best friend.

"Rafaela!" Kinikilig na sigaw sa akin ni Marie.

"Oh, bess. Bakit?" Tanong ko naman. "Kami na ni Ruiz. Wala ka na rin namang feelings sa kanya eh. Tsaka, mahal ko siya." Sambit niya.

"Whoah! Congrats bess. Di ko na siya mahal ano ka ba. Past na yon. That was just 2 years ago. Stay strong!" Masiglang sagot ko. Biglang nag lakad si Ruiz sa direksiyon namin ni Marie.

"Oh! Pre. Kayo na pala nitong Bess ko. Ingatan mo to ah. Mahalin mo." Sabi ko sakanya.

Nginitian niya ako. "Iingatan ko yang babaeng yan. Yan pa. Baby ko ata yan eh." Kinikilig na banggit ni Ruiz.

Wala na naman talaga akong nararamdaman kay Ruiz. Bumalik lang yung memories ng past kaya nadala ako.

"Walang forever. Nako." Sigaw naman nitong si Zoey. Ang bitter talaga. Walang balak mag boyfriend eh.

"Mahal mo pa ba si Ruiz?" Tanong ng isang lalaking sumulpot bigla.

"Si Ruiz, hindi na noh. Ang tagal na kaya non." Sagot ko kay Drin. Ang lalaking nag babalak na ligawan ako. Sa totoo lang crush ko tong lalaking to eh. Nahihirapan lang akong umamin.

"Rafaela... Pwede ka na bang magka boyfriend?" Tanong niya. Napangiti ako sa hindi malamang dahilan.

"Boyfriend? Oo naman. 4th year na naman tayo eh. Bakit mo natanong?" Tanong ko.

"Ah, ano. Kasi... Pwede bang manligaw?" Tanong niya. Pinisil ko yung mag kabilang pisngi niya.

"Ang cute mo talaga. Sige na, oo na." Sagot ko.

"Wah! Thank you!" Nagulat ako sa ginawa niya. Niyakap niya ako at....

Hina---



Hinali---



HINALIKAN NIYA AKO! OH MY GOSH. YUNG FIRST KISS KO, NAPUNTA SA CRUSH KO. WAAAAH!

Playful DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon