The Promise Flashback

7 3 0
                                    

" Bestfriend Forever and ever! Walang Iwanan!" -

Natatandaan ko pa ang pangako namin noong junior students pa kami kasabay ang pagsusuot namin ng friendship silver ring na may infinity grave pa. Para na kaming kambal sa sobrang dikit ng samahan namin. Siya ang naging karamay ko sa unang araw ko noon bilang freshman.

I remember her first move para mapansin ko siya. Umupo siya sa tabi ko sabay alok ng lollipop saakin. She smiled at me with full of dedication and hope na makipag kaibigan saakin. I return her smile, and accept her first friendship gift.

Every hour, Every Day, Every Year. We always had memories to be cherished. Mga kalokohan, Tawanan, Iyakan at kung ano anong trip sa buhay na mag kasabay namin hinarap at sinakyan...

She even became my number one fan sa Sports Kong Archery, palagi siyang sumusuporta saakin kahit practice or tournament game na. Makikita mo siyang tumitili at proud na proud na itinataas yung Board na may nakasulat na..
" Bespren ko yan!!"

But I never thought that there will be a day, ang lahat ng nabuo namin for almost 10 years ay bigla nalang guguho.

" I'm sorry Lorraine, pero kelangan na kitang kalimutan."

Kasabay nang pag kasabi niya ng mga salitang iyon, ay pag tapon niya sa friendship ring namin sa sementadong lapag.

Kasabay ng pag tama ng metal nito sa lupa ang pag tulo ng luha kanina ko pa pinipigilan makita niya.

Sa isang iglap bigla siya nag bago.

Parang mas masakit pa sa heartbroken ang nararamdaman ko nung araw na iyon.

Ganun nalang niya basta itinapon ang lahat sa limot. Kung gaano niya kadali itinapon ang friendship ring namin ay parang ganun din ang puso kong matagal na pinahalagaan siya.

Pero Bakit? Anong dahilan?

Bakit niya ginawa iyon?

Gusto ko malaman ang dahilan kung bakit siya bigla nagbago?

Kung bakit kelangan niya ako iwanan mag isa at kalimutan sa Bago niyang buhay sa Bago niyang pinapasukan na University.

Ano ang kaniyang dahilan na hindi niya masabi saakin?

May kinalaman ba ang Toran University sa bigla pag babago ng ugali niya? Pero paano?

Sino?

Ano?

Mahigpit Kong hinawakan ang dalawang singsing sa loob ng palad ko.

" Kung ano man iyon, Lea. Gusto ko malaman kaya naman........" inangat ko ang aking tingin hanggang sa maabot ng aking mata ang tuktok ng Toran University.

"Pipilitin kitang sabihin ang katotohanan kahit pa kailanganin kong lumipat sa Toran University para makausap ka." kasabay ng mga salita ko ang pag hakbang ko papasok sa loob ng University bilang Exchange student.

-------------------

Their PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon