Part 2

8 3 0
                                    

" WHAAAAT?!! SERYOSO?" Patingin nga." sabay hablot ni Aika sa Schedule Card na hawak namin ni Zendy. Habang nag tutulungan kami mag ayos ng Kwarto namin, ay dumating yung package na may lamang schedule at Uniform namin for this semester.

" Akala ko ba mag klasmeyt ang mga mag kasama sa Dorm? Bakit pinaghiwalay nila tayong tatlo? Gaaaah!!" akmang pupunitin na ni ZENDY yung papel, buti nalang naagaw ni Aika agad.

" Kumalma ka nga diyan. Look at the bright side..-"

" Bright Side ka diyan? Ano naman yun?" cross arm ni Zendy.

" Uhh.. ee.."

" Ahh Yung Uniform! Ganda oh!" singit ko. Sigurado kasi mag tatalo nanaman itong dalawa kaya inunahan ko na. Mukha naman effective kasi nag ning ning yung mga mata nila nang makita nila yung uniform namin.

" Wow! Iba pala ang uniform natin sa mga Toran? " sabay sukat ni Zendy sa salamin. Kulay Black Blazer pati skirt/pants na may White Collar kasi ang Toran. Saamin Gray and White. Pinagkaiba Lang ay Turtle neck yung panloob sa Gray Blazer.

" Parang ang init naman ng uniform natin, tapos naka black stockings pa tayo.." reklamo ni Aika.

" Naka Aircon naman ang bawat facilities at room sa school. Kaya ok lang. Ang cute ng Silver 'T' Pin sa left chest side ng blazer!" puri naman ni Zendy. Talaga nga ang yaman ng school na ito. Halatang mamahalin pa yung tela ginamit sa kapal.

" Pwede kayang bumaba?" tanong ni Aika bigla. Habang nakasimangot sa cellphone niya. " Bakit may problema ba yang cp mo?" curious ni Zendy.

" Kanina pa kasi ako walang signal. Lumapit na ako sa bintana wala pa din eh. Baka nag text na kasi si Boyfie ko." sabay pout niya habang itinataas niya yung cp kung saan saang direksyon.

" Wala din saakin? Parehas yung dalawang SIM ko wala." sang ayon din ni Zendy kaya naman agad kong kinuha sa bulsa ko yung cellphone ko.. At tama nga, wala nga signal dito sa Dorm kahit isa.

" Ayos din itong T.U eh no? Ganda nga ng school pagdating sa Wi-fi at signal tag bulok? Anung klase yan?" hagis ni Zendy sa cp niya sa kama.

" Baka naman dito lang sa Dorm, Try natin lumabas kaya?" suggest ko. Imposible naman siguro na walang signal ang buong School. Eh kanina lang nakatawag pa ako kay Mama nung nasa bus pa ako papuntang Toran.

Sabay sabay kami lumabas ng Dorm, nagtanong din kami sa ibang babae din dito sa Dormitory, wala din daw sila signal. Kaya sinubukan namin bumaba at lumabas para mag hanap ng signal pati narin ng pagkain.

" Saan kaya banda yung daan papunta sa Canteen nila dito?" Libot ko ng paningin pag ka baba namin sa huling hagdan palabas.

" Saan nga ba tayo dumaan kanina galing tayo sa Hall nun?" tanong ko kay Zendy.

" Dito ata sa kanan." not sure niya.

" Huuy, Maya na yang signal bakla! Saan ba yung dinaanan natin kanina?" si Zendy Kay Aika na kanina pa nakabusangot dahil sa kawalan ng signal.

" Sa kanan.. Oo dun nga dito tayo dumaan nun! Tanda ko pa yung Puno ng bayabas na pinag tapunan ko ng bubble gum." 

" Langya ito, kaw pala kumuha nung bubble gum ko sa bag." sundot ni Zendy sa tagiliran ni Aika. Dahilan para mapa tili si Aika sa gulat. Loka talaga tong dalawa na to.

Palakad na sana kami nang may tumalon mula sa taas namin na isang Discipline Order. Wag niyang sabihin galing siya dun sa tuktok ng Puno ng mangga?

" Exchange Students are still not allowed to walk around outside their Dorms. Balik!" si Supladong singkit pala ito. Sabi na tama ang first impression ko sa kanya.

" Nagugutom na kasi kami e. Pupunta lang kami sa Canteen.. Saa-"

" Hindi pa bukas ang Canteen niyo. May mag lilibot mamaya na pagkain sa Dormitory niyo, Wait for it." walang gana niyang pakikipag usap saamin. Tsh!

I secretly rolled my eyes to him. Yabang naman niya, akala mo kung sino magaling. Pero bigla nag skip yung heartbeat ko nung pag balik ko ng tingin sa kanya, ang sama na ng tingin niya saakin.

Imposibleng nakita niya yun pag irap ko.

" First Warning Miss." kinilabutan ako sa boses niya pag kasabi niya nun. Lakas naman ng pakiramdam neto.

" Ahh, Pasensiya na.. Kasi nag hahanap din kami ng phone signal. Wala ba talaga-"

" We strictly prohibited cellular phones inside our school. For security purposes. Now, Go back to your designated rooms." sagot niya agad kay Aika.

" Ahh-Eh- S-Salamat po. Tara na girls." sabay hablot ni Aika saamin pabalik ng Dorm. Nung makarating Kami sa loob eh halos matalisod kami sa taranta.

" Nakita mo ba yung mata niya be? Nakakatakot." si Aika na Napa upo ng hagdan sa pagod.

" Kamusta naman yung death glare niya Kay Rain? Wagas kung wagas tagos hanggang kaluluwa. Ano ba kasi ginawa mo be?" tanong ni Zendy saakin.

" Ano kasi e.. Yabang kasi, kaya napa irap ako sa inis sa kanya." pag amin ko, agad naman na pa face palm yung dalawa. Totoo naman eh. Kung inayusan ba naman niya yung pag ssagot saamin at matino yung kausap edi sana Good kami. Kaso pinaglihi ata yun ng Nanay niya sa mansanas na kinain ni Adan.

" Hayy! Kalimutan na nga yang signal at pagkain! Tara na nga sa taas!" suko ni Zendy.

" Parang ayoko na ituloy yung balak nating hunting Mamaya." si Aika pag karating namin sa harapan ng kwarto namin.

" Sa tingin ko tama si Aika,  Zendy.. Postpone muna na tin ang hunting. Mukhang matindi ang bantay natin sa Dorm." ako. Kahit naman gustong gusto ko makita agad si Lea, eh.. ayoko naman matikman ang bagsik ng demonyo na yun noh.

" Osige, Pero tuloy yun ha!" panigurado ni Zendy matapos niyang buksan ang pinto at pumasok na kami sa loob. Hinintay nalang namin na dumating yung nag iikot ng pagkain which is dumating pa ng 12pm for Lunch. 

Kahit papaano naman ay may libangan kami sa loob ng Dorm dahil may T.V. Bukas pa ang simula ng klase namin at sana maging maganda ang araw para saamin bukas.

Kung makakatulog kami ngayon gabi sa sobrang excitement.

" Aishhhh! Ang daya! Ang hirap kaya ng huli mong word!" reklamo ni Aika saakin. 2am na ng madaling araw at heto kami naglalaro ng dugtungan. Pinitik ko yung noo niya ng buo kong lakas! haha.

" Grabe!! Lalake ba yang daliri mo?" kamot niya s namumula niyang noo. Tumawa lang kami ni Zendy. Siya kaya ang lakas nung pitik niya saakin kanina.

" Spin the bottle tayo! Ano?" yaya ni Zendy habang hawak yung bote ng mountain dew.

" Madaya! Baka pag tulungan niyo akong dalawa kumag!" loko ko. Ewan ko ha pero ang bilis ko nakasabay sa trip nila magkakaibigan.

" Hindi ah!  Si Zendy Lang ang may ganun-"

* Lights Off*

Sabay sabay kami nag tilian at nag hanapan sa dilim para mag kumpulan. Jusmiyo naman? Bakit nawala yung ilaw? Rinig din ang sigawan ng ilang babae sa kanila kanilang kwarto. Haha- marami din palang hindi makatulog tulad namin. xD

" Ano ba yan! Taghirap na ba ang School na ito at Wala na sila pambayad ng kuryente?" reklamo ni Zendy.

" Gaga, Judgemental to. Baka nagalaw lang yung Fuse box ng Dorm natin. " si Aika. Sabay nguso niya sa bintana.

" Oo nga, may ilaw yung Dorm ng West Dormitory." ako. Makikita mo kasi sa glass window namin na pag kalaki, yung liwanag mula sa ilaw ng Dorm ng mga Toran Students. Sosyal nga ee, parang mansyon yung Dorm nila habang yung saamin parang normal na building lang.

" Ano yun? May nang trip ng ganitong oras ng gabi?" si Zendy.

" Aba Malay naten? Sana naman bumalik na agad yung kuryente. Ayoko matulog ng madilim ang-"

Napayakap kami ng mahigpit ng makarinig kami ng sobrang lakas na sigaw mula sa hallway ng dorm namin. Sa labas lang ng pinto ng kwarto namin.

Pagkatapos ay may parang bumagsak, creating a loud Crash sound ng salamin.

The eff' was that?

-----------------


Their PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon