Part 4

6 3 0
                                    

Bell Rings

" See you tomorrow Class. Have a nice day." paalam ni sir bago lumabas ng classroom. Inayos ko na yung bag ko, sabay tingin sa next subject ko sa Card.

" Tss. Same room." bulong ko sabay nanlulumo umupo ulit sa upuan ko. I plugged my ear phones on my ears

" Hey! You." biglang sipa niya sa likod ng upuan ko.  Puta? Bastos to ah? Kanina pa ang lintek!  Nilingon ko siya ng masama.

Well, he just raise his eyebrow in response. Nakakabwisit.

" I don't like how you ignore me lately and how you glare at me right now." reklamo niya habang nakasandal sa upuan niya at nakadekwatro pa. Like a boss kung Like a boss. Kapal.

" Ano naman ngayon? Kilala ba kita." sagot ko na medyo pataray na boses, kahit sa totoo lang gusto ko na patayin siya sa inis.

" No, But you should." sabay smirk niya. Wait, naduling ba ako or nag flicker yung mga mata niya. Ang bilis, hindi ko nga na identify yung kulay.

Napapikit ako ng ilang beses bago nag focus ulit sa kanya. " Wait Lang ah? At bakit naman kelangan kita kilalanin ha? "

" Because you chose to sit there." napatingin tuloy agad ako sa kinauupuan ko. Teka? Ano bang meron sa upuan na ito? Napansin kong nag bubulungan yung mga ibang estudyante at nakatingin saamin.

" Edi, lilipat ako." desisyon ko sabay tayo at kuha ng bag papunta dun sa unang silya nakita ko sa last row. Kaso bigla niya itinulak yung katabi niya upuan sa left side niya, dahilan para tumumba ito sa daraanan ko.

Bwisit ko siya tiningnan.

" Once you sit in this chair, there's No switching. Upo." sabay patong ng paa niya sa sandalan nung inupuan ko kanina. Abat!!! Ano ako aso niya nauutusan niya? Sino ba tong loko na to,

" I have my rights to choose kung saan ko gusto umupo!. At wala ka ng pakialam sa mga desisyon ko. Who the hell are you to command me like that? Huh?" hindi ko na napigilan ang sarili ko at napasigaw na ako sa pag kainis.

Napa atras ako ng bigla niya sipain yung upuan ko kanina at sa sobrang lakas ng impact sa white board na nasa unahan, ay nag ka wasak wasak ito. He stood up. Bigla akong nanlamig.

" The Fuck are you to shout at me, you useless species." siya habang nakatingin dun sa wasak na upuan sa unahan. Sinabi niya ito ng kalmado pero nakakatakot.

" Seating in Front of me, means you want to be my toy for the whole Semester."

" Hin-Hindi ko alam, y-yung tungkol diy-" agad napatikom yung bibig ko nung tumingin na siya saakin. Nanlambot yung tuhod ko.. His eyes.

" Ang mga mata mo.... Bakit.-"

" Shut up human." sa isang kisap mata lang nasa harapan ko na siya. Mabilis akong umatras agad pero nasa likod ko pala yung upuan na natumba kanina kaya natalisod ako ng patalikod dahilan para magas-gasan yung siko ko ng upuan.

Tumahimik ang lahat halos lahat napa tayo sa gulat, ilang segundo lang may sumigaw ng "Discipline!" at laking gulat ko ng sugurin ako nung lalaki mayabang kanina.

Tulala nalang ako ng mga oras na iyon, Hindi ko alam kung anong nangyari bigla... Hindi sapat ang oras para ma absorb ko ang lahat ng nakita ko sa mili seconds lang.

I feel like I'm in a sudden fast daze, tapos nag halo halo na lahat ng boses at sigaw sa tenga ko..

Basta ang sumunod kong nalang nakita ng maayos , nasa hindi pamilyar na hallway ako at tanging yapak ko at ng isang lalaki nakahawak sa braso ko at uma-alalay saakin sa pag lalakad patungo sa dulo ng hallway, papunta doon sa dalawang Pinto.

He immediately open the Double wooden doors. Sabay tawag, " Medic! Cold Blue First Command! 4rt Floor."

Naguguluhan ako sa mga biglaang pangyayari. May kumuha sa akin na naka puti, tapos dinala ako sa isang puti silid at doon nila nilinis ang kakaunting dugo sa sugat ko. Agad nilang tinakpan ito ng kakaibang bandage at sinabing dito muna ako sa kwarto at huwag lalabas.

Tinanong ko kung ano bang nangyari pero wala sumasagot saakin. Ang tangi lang nilang sinasabi ay may kakausap saakin mamaya.

Walang bintana sa loob ng silid na kinalalagyan ko, kaya Hindi ko Makita ang nangyayari bigla sa labas. Bigla nag flash back lahat saakin yung mga nakita ko bago nag kagulo ang lahat.

The moment he attacked me, I clearly saw his sharp teeth na parang lahat ng ngipin niya ay puro matutulis tulad ng ngipin nang isang shark.

His eyes are totally all black. Tapos bigla nalang nag blurd ang paligid nung may humawak sa braso ko hanggang sa napunta ako dito.

I shiver as I remember the scene. Pilit ko ina analyze ang lahat pero masiyado maraming idea at tanong ang pumapasok sa utak ko. Natauhan ako nang bumukas yung pinto.

" Ill take care of her." usap niya dun sa taong nasa labas ng pinto. She firmly close the door before turning at me with a smile. Matanda na siya, Mga nasa Sixties at... Bulag ba siya??

" Oh hello my dear, I'm here to help you." She sat beside me dito sa hospital bed Bago hinawakan niya yung magkabilang kamay ko at tiningnan sa mata.

" Kayo po ba yung sinasabi nila? Alam  niyo po ba ang mga nangyayari bigla?" naguguluhan kong tanong.

" Yes, I know. Gusto ko sana na isipin mo lahat ng nakita mo na nakakagulo ng isipan mo ngayon." utos niya. Bakit naman? Kaya niya mag basa ng isipan? Sino ba siya?

Napansin niyang hindi ako sumusunod sa sinabi niya kaya muli niyang inulit yung sinabi niyang tumingin ako sa mga mata niya at isipin ko lahat ng bagay na nakita ko kanina which i followed after.

Ni-flash back lahat sa isipan ko yung nangyari kanina at feeling ko young mga Mata niya May kakaiba. Can she perform mind reading? Kasi parang ganun nga ang ginagawa niya.

Kumunot bigla yung noo niya, " Iniisip mo ba yung mga sinabi ko sayo?" tanong niya. Still not breaking the eye contact. I nodded as response.

Ipinagpatuloy niya pa rin yung pag titig sa mata ko hanggang sa bigla siyang nanghina at nahilo. Agad ko siyang inalalayan.

" Ok lang ho ba kayo? Gusto niyo tawagin ko yung-"

" Imposible. Ginawa ko na ang lahat pero hindi umeepekto." siya habang nakatingin saakin na hindi makapaniwala at gulong gulo. Agad niya tiningnan ang palad ko.

" Pero paano mo naiiwasan kung hindi ka katulad ko?"

" Po? Naguguluhan po ako lalo sa mga sinasabi niyo. Ano po bang meron? Ano po bang alam niyo na hindi ko alam?"

Sabay kami napatingin ni Lola sa pinto nung mayroon pumasok. Familiar yung mukha nung lalaki. He salute at her bago siya nagsalita.

" Gusto po kayo makausap ng President namin." sabi niya rito. Pero hindi niya naiwasan sumulyap saakin ngunit agad niya rin iniwas.

Sumunod Lang yung matanda palabas sabay isinara nila yung pinto muli. I sigh after sabay sandal sa pader.

The fudge is happening right now?

Naguguluhan ako. Am I still dreaming? Hindi pa ba talaga ako gising?

Napa singhap ako ng maitama ko yung siko ko sa pader. The pain from it said it all...

Everything was REAL.

----------



Their PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon