Chapter 1
*kring kring kring~* (tunog ng alarm clock)
Naiiritang napatayo si Jessica mula sa kanyang mahimbing na pagkakatulog upang patayin ang nag-iingay na alarm clock. Tinignan niya ang oras at 8:30 am na pala. Mabilis na kumilos ang dalaga dahil ngayon ang unang araw ng kaniyang klase bilang 3rd year college at magsisimula ito ng 9:00 am. Nagmamadali niyang ginawa ang dapat niyang gawin bago pumasok sa paaralan.
Jessica's POV
Tumingin ako sa aking relo 9:20 na kaya naman nagmamadali na akong tumakbo para hanapin ang aking unang klase. 9:27 na ng makadating ako sa aming classroom at sa kabutihang palad ay wala pa ang prof namin. Sinalubong agad ako ng tropa. Sina Tiffany, Seohyun at Sunny.
Me: "Hey guys'' bati ko sa kanila
Seo&Sunny: "Good morning Jess''
Tiff: "Isa ka talagang alamat Jess! First day palang late na agad!'' Nagtawanan naman silang tatlo sa sinabing yun ni Tiffany. Hindi ko nalang sila pinansin at dumeretsyo upo na sa upuan katabi sila. Hinayaan ko silang mag usap at mag-ingay tutal wala pa naman ang prof namin. By the way, ako nga pala si Jessica Jung 3rd yr college. Kilala ako bilang isang cold at short tempered na tao. Anak ako ng isa sa mga pinaka mayayaman na negosyante sa pilipinas. Pangalawa ang pamilya namin sa pinakamayayaman na negosyante sa pilipinas habang ang pamilya naman ni Tiffany ang pangatlo, pang apat naman ang kila Seohyun at Sunny (pantay lang sila)
So Nyuh University ang pangalan ng pinag aaralan naming apat. Ang pinaka sikat na university sa buong bansa.
Habang ang mga estudyante ay maligalig na nagkukwentuhan dumating na ang Prof namin na daig pa ko dahil mas late pa siya sakin sa first day of school. Naagaw agad niya ang atensyon ng buong klase pagharap na pagharap pa lamang niya samin. Sino nga bang hindi mapapatigil at mapapatingin sa kanya? Napaka ganda niya, maayos na pagkakahubog ng katawan at ang ngiti niya na nakakatunaw ng pus--- teka bakit ganito ko siya idescribe?! Habang nakikipag usap ako sa sarili ko sa isip ko biglang yung tingin niya napunta sa direksyon ko at nagkatitigan kami sandali at dahil sa weird na pakiramdam ko ako na ang nag iwas ng tingin. At yun na nga nagpakilala na siya sa buong klase.
Prof: "Good morning students. My name is Yuri Kwon. This is my first year of teaching. Oh and by the way, pasensya na dahil medyo nalate ako. May mga inasikaso lang kasi ako sa office dahil pinatawag ako. So.. i'm new here kindly please introduce yourself one by one." Isa isa na nga nagpakilala ang mga kaklase ko. Ang iba ay nakikipagbiruan pa kay prof lalo na ang mga boys na panay ang pick up line kay prof tuwing pagkatapos nila sabihin ang kanilang pangalan. Habang nagaganap yun sa klase hindi ko mapigilan na titigan siya sa mukha, para bang may magnet sa katawan niya na pilit akong namamagnet lalo na ang mga tingin ko sa kanya. Hanggang sa ako na ang susunod na magpapakilala.