Chapter 3
Jessica's POV
Binuksan ni maam ang pinto ng kanyang office at pumasok na kami duon. Nilapag niya ang kanyang mga gamit sa kanyang table at dun ko na din inilapag ang mga librong dinala ko. Nakakapagtaka, bago pa lamang si Maam Yuri dito pero meron na agad syang sarili niyang opisina. At kung tutuusin ay hindi rin siguro nalalayo ang edad niya sakin. Dahil diyan hindi ko napigilan ang sarili ko at tinanong ko sankanya
Me:"Maam, pwede bang malaman kung ilang taon kana?" Napalingon sya sakin mula sa pagkakalikot niya ng kung ano man sa gamit niya. Tinitigan niya muna ako ng mga ilang segundo at kasunod nun ay ang pag ngiti niya sa akin.
Yuri: "Bakit mo gustong malaman Ms.Jung?"
Me: "A-ahm wala lang maam..." sagot ko naman kay maam na medyo nauutal pa dahil biglaang kinabahan ako. Ilapit ba naman sayo yung mukha niya habang nakangisi. Kaya dahil dun iniwas ko ang tingin ko sa kanya.
Yuri: "I'm 23. ^^"
Me: "So 3 years lang pala ang age gap natin maam."
Yuri: "Yup, newly grad lang kasi ako at first time ko magturo dito."
Me: "Ah...."
Yuri: "Thank you pala sa tulong Ms. Jung... by the way may klase ka pa diba? Tapos na kasi yung recess baka late ka na."
Me: "Ay sht." Napabulong ako at agad na tumingin sa relo ko. Late na nga ako sa next class ko. Masyado ata akong nasiyahan kausapin si Maam Yuri. Aish. Mabilis na akong umalis sa office ni maam habang tumatakbo papunta sa aking klase. Ni hindi na nga ako nakapagpaalam kay maam dahil sa pagkataranta ko. Ang sabi sabi daw kasi ay terror ang next prof namin. Naku bahala na talaga. Mas binilisan ko pa ang pagtakbo papuntang classroom.