Chapter 2
Dahil busy ako sa kakatitig sa Prof namin at parang may ibang mundo ako, hindi ko agad namalayan at napansin na ako na ang susunod na dapat magpakilala.
Sunny: Pssst! Jess ikaw na!
Seo&Tiff: Jessica~~ Ikaw na daw!
Nabigla naman ako sa tawag nila saking dalawa at agad na napatayo.
Me: "uh- My name is Jessica Jung and blah blah...''
Yuri: "Thank you Ms. Jessica. You may now take your seat.'' Sabi niya sa akin habang nakangiti. Gawd. Ang ganda ng ngiti niya!
*RECESS*
Yuri's POV
Tapos na ang tatlo kong klase at naglalakad na ako papuntang office para magpahinga sandali. May daladala akong mga libro na hiniram ko galing sa library. Nahihirapan ako ng onti sa pagbitbit ng mga ito nang biglang may lumapit sa aking estudyante ko at inalok ako ng tulong.
Jessica: "Ah-- Maam tulungan ko na po kayo sa mga dala niyo... " tumingin ako sa aking gilid at nakita kong si Jessica ang estudyanteng iyon.
Me: "Sige, Jessica salamat" Sabi ko sa kanya habang nakangiti. Lumapit na sya sakin at nung ibibigay ko na sa kanya ang mga librong hawak ko ay nagtama ang aming mga kamay at napatitig ako sa kanya at ganun din naman sya. Nakita kong namula bigla ang kanyang mga pisnge at bigla niyang iniwas ang kanyang tingin sakin at kinuha na ang mga libro at naglakad na.
Me: "Hahaha ang cute naman niya bakit biglang namula pisnge niya?" Sabi ko sa isip ko. Nagsimula na din akong maglakad.