Chapter three

22.8K 111 4
                                    

Mahimbing na ang tulog ni Vhans pagdating ni Denis. Mag-aala una na rin ng madaling araw. Pinagmasdan niya ang maamong mukha ang asawa.

"I'm sorry, honey," aniyang naihilamos ang mga palad sa sariling mukha.

Pagkatapos ay marahang nahiga sa tabi ng kabiyak at masuyong hinalikan ang buhok nito. Bahagya pa siyang umusad ng kaunti palapit dito upang yakapin ang babaeng pinangakuan ng tunay at wagas na pag-ibig.

Naramdaman naman ni Vhans ang presensiya ng esposo. Humarap ito sa kanya at ngumiti. Gumanti rin sa kanyang mga yakap. Mabini at masuyong mga halik ang pumukaw sa nahihimbing pang diwa ni Vhans. Idagdag pa ang masarap na amoy ng pagkain na kaniyang nasasamyo. Alam niya na ang asawa ang gumagambala sa malalim na tulog niya.

Marahan niyang iminulat ang mga mata at guwapong mukha ng esposo ang una niyang nasilayan, nakangiti pa ito sa kaniya.

"Goodmorning honeypie," breakfast in bed," anito saka hinagkan ang mga labi ng kabiyak.

"Good morning, honey," tipid niyang tugon. "Wait, honey, why are you here? Wala ka bang pasok?" magkasunod na tanong niya. Kasabay ng pag-ubo sa kama.

"I'm not going to work today, honey, I want to spend my whole day with you, only with you," pagkasabi niyon ni Denis ay tinawid niya ang pagitan ng kanilang mga labi.

Ang totoo ay nakakaramdam ito ng guilt, dahil sa ginawa nitong pagtataksil sa asawa kagabi. He just trying to compensate his guilt through spending his whole day with her. Tumugon naman ng halik si Vhans sa asawa kung saan ay nauwi sa mainit na pagniniig.

Pagkatapos kumain ng mag-asawa ay napagkasunduan nilang mamasyal. Nanood sila ng sene, pumunta sa mall at kung saan-saan pa.

"I'm sorry," hinging paumanhin ni Vhans sa babaeng nakabangga sa botique. Tumilapon ang dalang shoping bag ng babae sa lakas ng pagkakabangga niya rito.

"Damn it, watch your freaking..."natigil sa pagmumura si Monique nang makilala ang lalaking kasama ng babaeng nakabonggo sa kaniya.

"Are you okay, honey?" maagap at punong-puno ng pag-aalalang tanong ni Denis sa asawa.

"I'm fine, hon, don't worry. Ahm, sorry Mis. Nasaktan ka ba? Pasensiya ka na hindi ko sinasadya," hinging paumanhin aniya sa babae. Ngunit hindi naman sa kanya nakatuon ang pansin nito kundi sa kanyang asawa.

"You?" pinaglipat-lipat ni Monique ang tingin sa mag-asawa.

Mistulang natuklaw ng ahas si Denis nang mapagtanto kung sino ang babaeng nakabonggo ng esposa.

"Do you know her, honey?" si Vhans na biglang binundol ng kaba ang dibdib.

"H-huh?"

"Y-your forgiven, just watch your way, next time," nakangiting ani Monique.

"Thank you, pasensiya ka na, nagmamadali kasi ako kanina eh," aniyang tinulongang pulutin ang nagkalat na shopping bag ng babae.

"It's okay, by the way, I'm Monique Del Rosario, " malambing na pagpapakilala nito ang sulok ng mga mata nito'y nakatutok sa namumutlang si Denis.

"I'm Vhans Honey Bitter," nahihiyang pagpapakilala niya. Kung bakit kasi napaka weird ng magulang niya at pinangalanan siya ng ganon.

"Its nice to meet you, Vhans," aniyang inilahad ang kamay.

"Anyway, meet my husband, Denis Oh Niel," nakangiting pagpapakilala niya sa esposo.

"Hi please to meet you,"anitong umakto na hindi kilala ang lalaki. Bahagya pa nitong pinisil ang palad ni Denis nang maglahad ang kanilang mga kamay.

"Ummm...Monique, why don't you come with us? My husband and I were about to go for lunch, why don't you join us? Way of apologize ko na rin at para naman mas magkakilala pa tayo," wika dito ni Vhans.
Bumulong dito ang asawa ngunit hindi nagpapigil si Vhans.

"B-baka maka istorbo pa ako sainyo," kunway nahihiyang sabi ni Monique.

"Of course, you won't, Monique, to compensate na rin dahil sa pagkakabangga ko sa'yo,"

"S-sige kung yan ang gusto mo,"
Tutol man ang esposo ay wala rin nagawa sa huli.

"So, tell me about your self, Monique." si Vhans nakangiti sa babaeng bagong kakilala.

Hindi naman nag atubiling sabihin ng dalaga kung anong antas ng pamumuhay nito at kung anong trabaho nito. Nakatitig pa ito sa mukha ni Denis habang nagkukuwento ito.

"Wow, your amazing, Monique," ang suwerte naman ng mapapangasawa mo, bukod sa maganda ka, career woman ka pa," aniya na ikinasamid ni Denis.

"Honey, are you okay?" aniyang inabutan ng tubig ang asawa.

"I'm fine!" anang lalaki.

"Ikaw, Vhans may pinagkakaabalahan ka ba aside from being wife?" Hindi na nagpatumpik-tumpik na tanong nito.

Aminado si Monique na maganda ang napangasawa ni Denis at mukhang mabait din at madaling bilugin ang ulo.

"Um...secretarya ako dati ni Denis. Then, suddenly we fell in love to each other. Hayon kalaunan nagyaya na siyang magpakasal na kaagad ko namantinanggap ko naman," kinikilig na pagkukuwento pa ni Vhans. Nangingislap ang mga mata na tumingin sa asawa.

Lingid sa kanyang kaalaman
Pinagpapawisan ng malagkit si Denis at hindi mapakali sa kinauupuan.

"Did you not go to work after the wedding?" Mataman ang pagkakatitig na muling tanong nito na minasama ni Vhans.

Sa halip ay masaya pa siya at pinili niyang mamalagi na lamang sa bahay at asikasuhin ang pagdating ng asawa at iba pa nitong mga kailangan.
Isa pa'y ayaw din ni Denis na magtrabaho siya. Palihim at makahulogang nginingitian ni Monique si Denis.

"I like her," ani Vhans sa esposo. Pauwi na sila nang mga oras na iyon.

"Hon, you shouldn't trust any person you just met," Si Denis na hindi nagustuhan ang pagbibigay ni Vhans sa address ng kanilang tirahan.

"Hon, wala naman masama, tsaka mukha naman siyang desente at mabait eh," katwiran na aniya sa asawa.

"Eventhough!"

"Hon, sorry na hindi na mauulit, siya lang naman eh, magaan kasi loob ko sa kaniya,"

"Honey, hindi naman ako galit, ang inaalala ko lang naman ay ang kapakanan mo," ayokong samantalahin ng iba ang kabaitan mo,"

"Thank you, honey, but I'm sure mabait si Monique," may assurance na sabi niya.

Napabuntong-hininga nalang si Denis. Hiling na lamang nito na sana'y hindi na muling mag-kros ang landas ng asawa at ng dating kasintahan.

TAKSIL Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon