Chapter four

21.3K 110 2
                                    

Abala sa trabaho si Dennis nang biglang may pumasok sa loob ng kaniyang opisina. It was nothing but Monique. Isang linggo na rin ang nakakaraan buhat nang may namagitan sa kanila ng babae bug at nang makausap ito ng asawa.

"What are you doing here?" mababakas sa mukha ng lalaki ang hindi pagkagusto sa presensiya ng babae.

"Is that the right way to treat your guest, sweetheart?" lumapit na sabi nito.

"Monique, kung anuman ang namagitan sa atin, let just forget about it. Pareho rin naman natin iyon ginusto."

"And I want us to do it again, darling," patuloy nito sa sasabihin ni Denis.

"Monique, walang patutunguhan ang usapang ito, maari ka ng umalis,"

"Kagagaling ko lang sa bahay niyo,"

"W-what?! What the hell did you tell to my wife?" nanlaki ang mga matang tanong dito ni Denis.

"Chill out, darling, I didn't say anything about us, nakipagkuwentuhan lang ako sa asawa mo, mabait at kay daling magtiwala ni Vhans, well, no wonder kung bakit mo siya pinakasalan. Nalaman ko rin na hindi ka niya mabigyan ng anak, and I guess, baka makatulong ako,"

"Makakaalis ka na, Monique,"

"Who knows? Baka nagbunga ang pagpapaligaya natin sa isat-isa noong gabing iyon?" sa halip sagot sa kaniya nito na ikinakuyom ng kamao ni Denis.

"I know na sabik kang magkaroon ng anak, darling, I can even--"

"Get out of my office, now!" matalim ang mga matang sabi adik dito ni Denis.

Inis at padabog namang nilisan ng dalaga ang opisina ng lalaki. Kaagad na kinuha ni Denis ang telepono upang tawagan ang asawa at sitahin ito dahil sa pagkukuwento nito kay Monique tungkol sa buhay nilang mag-asawa subalit kaagad din siyang napaisip. Paano ba niya sasabihin? Magtataka ang esposa kung paano niya nalaman ang tungkol sa bagay na iyon? Ang alam nito'y hindi sila magkakilala ni Monique at baka pagmulan pa iyon ng away nilang mag-asawa.

"Hon? Are you there?" anang tinig ng asawa sa kabilang linya. Dama niya sa puso niya ang kalambingan ng boses ng kabiyak.

"I-I just wanna say hi, honey." sa halip nasabi niya na lamang niya."

"I love you, honey," si Vhans.

"I love you too, hon."

Saglit lang ang pag-uusap nilang dalawa sapagkat may meeting pa si Denis sa board members ng kumpanyang pinamamahalaan niya.

Samatala gigil na gigil at pumuputok ang budhi ni Monique dahil sa pagtrato sa kaniya ni Denis sa opisina nito kanina. Pero hindi niya mapapayagan na basta nalang siyang tratuhin ng ganun ng lalaki. Gagawin niya ang lahat makuha lamang itong muli.

Matamis ang mga ngiting nakapaskil sa mga labi ni Denis habang pinagmamasdan ang mga pamangkin na naghahabulan sa malaking bakuran ng mansiyon ng kaniyang mga magulang.
Inggit naman at panlulumo ang nararamdaman ni Vhans sa mga oras na iyon habang pinagmasdan bumabalatay na katuwaan sa mukha ng esposo. Bakas sa aura nito ang kaligayahan habang nakamasid sa naglalarong mga anak by kapatid nito.

Kaarawan kasi ng biyenan niyang babae kaya sila naroroon. Pasimple siyang tumalikod dito upang hindi nito mapansin ang mga luhang naglalandas sa magkabilang sulok ng kanyang mga mata.

Isa lang naman ang pinakadalangin niya eh. Iyon ay ang mabigyan sila ng anak at mapasaya ang asawa.
Halos buong angkan ng pamilya Oh Neil ay naroroon. Ang dalawag kuya ni Denis ay naroroon din kasama ang mga anak at asawa ng mga ito. At sa magkakapatid at magpipinsan sila lang ng esposo ang wala pang anak at napakalaking sampal iyon para sa kaniyang asawa.

Hindi rin sila nagkaligtas mag-asawa sa mga panunudyo ng pamilya kung bakit sa mahigit tatlong taon nilang pagsasama ay hindi pa sila nagkakaanak. Nakangiti lang siya ngunit sa loob-loob niya'y labis siyang nasasaktan. Tudyo man ang lahat, para sa kaniya ay napakalaking dagok pa rin iyon.

"Hon, is there something wrong?" puna ni Denis sa asawa. Mula nang umalis sila ng mansiyon ay hindi na kumibo ang kabiyak.

"Hon, tama ka nga, we need a child to complete our family. Pumapayag na akong umampon tayo, hindi naman siguro masama 'di ba?"pagkuwan aniya na ikinatuwa ni Denis.

"Really?" natutuwa't naniniguradng tanong nito.

"Yes!" nakangiti ito sa siguradong sagot niya.

"Oh, honey, hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya," anitong pinugpog ng halik ang asawa.

Kinabukasan ay nagtungo ang mag-asawa sa isang bahay ampunan. tatlong gulang na batang lalaki ang kanilang pinagkasunduan na ampunin. Nakiyu-kiyutan kasi si Vhans sa batabg lalaki.

Naging masaya ang mga nagdaang araw na kasama nila si Juniel. Gusto na ngang magselos ni Denis sa bata dahil napunta na ang lahat ng atensyon dito ng asawa. Pati sa pagtulog ay katabi nila ito. Hindi na tuloy siya maka- score sa asawa sa mga sandaling kailangan niya ito.

Masaya, masarap at magaan sa pakiramdam ang marinig na may tumatawag na mommy at daddy sa kanilang mag-asawa. Ngunit hindi rin maalis sa diwa ni Denis na magkaroon ng tunay na anak iyong galing mismo sa kaniya.

Si Monique ang kaagad na sumagi sa kanyang isipan. Tinawagan niya ito upang makipagkita na agad namang sinang ayunan ng dalaga. Nauwi sa mainit na pagtatagpo ng katawan ang pagkikita nilang dalawa. Hanggang sa naging madalas at paulit-ulit nilang inagkin ang bawat isa. Gusto niyang magka-anak na galing mismo sa kaniya. At sa pamamagitan ni Monique ay mabibigyan katuparan ang pangarap niyang iyon.

Kanina pa naghihintay si Vhans sa asawa, nasasabik na rin siya sa gagawin nila Denis mamaya pag-uwi nito. Maaga pa lang ay tinawagan na niya ito na kailangan nitong umuwi kaagad para sa kanilang spesyal na gabi.
Maaga rin niyang pinatulog sa kabilang silid si Juniel kasama ng yaya nito upang hindi sila maabalang mag-asawa.

Ngunit mag-aalas onse na ng gabi ay wala pa rin ang esposo.
Nagsisimula na rin siyang mainis dito. Sinadya niyang magpaganda at magbihis na halos kita na ang kaluluwa niya para akitin ang asawa upang sagayon ay madali nilang maisagawa ang seremonya.
Muli sinipat-sipat ang sariling repleksyon sa salamin. Alam niyang maganda siya. Pero gusto pa rin niyang makasiguro na okay ang ayos niya sa gabing iyon at matatakam sa kaniya ang esposo.

Nagsasanib ang bawat mga ungol at daing nina Monique at Denis habang tila nagpapaligsahan sa bilis ng kanilang pag galaw sa malambot na kama. Paulit-ulit at walang kapagurang inaangkin nila ang isat-isa na tila wala nang bukas na darating.

"That was great!" nakayakap na wika ni Monique kay Denis.

Tahimik namang nakahiga ang lalaki. Sa kagustuhang magka-anak ay pinagtataksilan na niya ang asawa.

"What time is it?" aniyang biglang napabalikwas ng bangon at tatarantang pinupulot ang nagkalat na saluwal sa sahig.

Tiningnan naman ni Monique ang kamay ng orasan.
"It's almost 1:00 in the morning," sagot nito.

Ganun naman ang settled nila eh, ikakama siya ng lalaki at iiwan rin pagnakaraos. But still she's enjoying what they're doin'.

"Oh! Damn!"napamurang bulalas ni Denis. Tuluyan na niyang nakaligtaan ang usapan nila ng asawa.

Hilam sa luha ang mga mata ni Vhans habang nililigpit ang mga hinandang dekorasyon, masasarap na pagkain at kung anu-ano pa. Wala na ang pinakahihintay niyang sandali. Umasa siyang darating ang asawa at aangkinin siya. Subalit tila wala itong pakialam. Ni hindi man lang ito tumawag o nagmensahe man lang sa kaniya.

Nagbihis na rin siya nang pampatulog at nakahiga na sa kama. Doon hinayaan niyang maglandas ang mga luha. Alam niyang dumating na ang esposo dahil sa ingay ng sasakyan na naririnig niya mula sa garahe. Ngunit nanatili siyang nakahiga. Pigilin man niya ang mga luha na tumigil ay waring may sarili iyong pag-iisip na ayaw tumahan.

TAKSIL Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon