Sa kadahilanang hindi nakapagdala ng maraming damit si Vhans para kay Juniel ay kinailangan niyang magpunta sa malapit na mall upang bumili ng damit ng anak at sariling gamit na rin niya at para na rin sa yaya ng bata.
Marahil ay kailangan na rin niyang lumabas. Pagod na siya sa pag-iyak sa buong maghapon at magdamag. Mugto na rin ang mga mata niya.
Nawiwili siya sa pamimili ng damit pambata nang maulingan niya ang pamilyar na tinig na iyon. Napangiti siya nang matanaw si Monique.
Matagal-tagal na rin niyang hindi nakita ang babae. Naisip niya na baka nag-asawa na ito. kung kaya't nasa baby shop ito at kapares niya ay namimili ng damit pambata. Nakaramdam siya ng inggit, kung naririto ito ngayon ibig sabihin ay magkaanak na rin ito kung sinoman ang naging asawa nito.Akmang lalapit sana siya kay Monique nang matanaw ang pamilyar na bulto ni Denis. Binundol ng pitong kabayo ang dibdib niya. Lihim siyang nanalangin na sana'y mali ang kaniyang hinala.
Subalit, mabilis ang naging pagtugon ng nasa diwa niya.Lumapit si Denis kay Monique at ipinakita ang napili nitong damit. Tipid lang na ngumiti si Monique sa lalaki.
Ayaw sana niyang pumunta sa lugar na iyon dahil hindi naman talaga siya buntis. Pero mapilit ang lalaki."This is really, so cute, darling," tuwang-tuwang wika ni Monique.
"Marami pa roon, tingnan mo," sabi pa ni Denis.
Dinig na dinig naman ni Vhans ang pag-uusap ng dalawa. Kung ganun ay si Monique ang kalaguyo ng asawa niya. Magkakilala na ba ang mga ito dati pa? Kaya ba ayaw nitong makipaglapit siya sa babae? Matagal na ba siyang niloloko ni Denis?
Noong unang raw na nagkabunggo sila ni Monique palabas lang ba na hindi magkakilala ang dalawa? At iyong concerned na ipinakita nito dahil ibinigay niya ang saktong address nila sa babae. Huwad rin ba? At bakit hindi niya napuna na maraming alam si Monique na paboritong pagkain, aktibidatis ng asawa niya tuwing nagpupunta ito sa bahay nila?
Bigla ang paninikip ng dibdib niya. Gusto niyang magtago upang hindi makita ng asawa at ng kirida nito. Subalit tila siya itinulos sa kinatatayuan at hindi magawang ihakbang o igalaw man lang ang sariling mga paa.
At sa paglingon ni Denis ang luhaang asawa ang kaniyang nasilayan. Napatda ito nang makita ang kabiyak. Kasabay niyon ang pagkawala ng ulirat ni Vhans.
"Honey?" gimbal na tawag ni Denis sa esposa na mabilis dinaluhan.
"Mommy ko."umiiyak na tawag ni Juniel.
"Don't worry, son, dadalhin natin siya sa hospital." aniyang mabilis na binuhat si Vhans sa kotse. Hindi na niya pinansin ang pagtawag sa kaniya ni Monique.
"How is she doc?" taranta at labis na nag-aalalang tanong niya sa doctor.
Hindi niya mappatawad ang sarili pagmay mangyaring kahindik-hindik sa asawa. It was all his fault dahil sa pagiging sakim niya't makasarili.
"Congratulation, Mr. Oh Niel. she's three weeks pregnant," may ngiti sa labing wika ng doctor.
Napaawang ang mga labi ni Denis, hindi siya makapaniwala. Magkakaanak na sila ni Vhans. Magiging daddy na rin siya sa wakas.
"But...you have to be careful, huwag mong hayaaang ma stress si Misis. Makakasama iyon sa kalusugan niya at sa ipinagbubuntis niya. Kailangan rin niyang maging maingat dahil mahina ang kapit ng bata." pahayag pa ng doctor.
Hindi maipaliwanag ni Denis ang galak na bumalot sa kanyang katauhan sa kaalamang nagdadalang tao ang may bahay niya. Dahan-dahan niya itong nilapitan at masuyong hinalikan ang noo ng mahimbing na natutulog na si Vhans,
"From now on, I'll promise you not to do it again, I love you so much honey." Naluluhang aniya na itinapat ang tainga sa tiyan ng asawa, "Kumapit ka anak, huwag mo kaming iiwan ni mommy."mahinang bulong niya.
Pagdaka'y nagising si Vhans at ang maamo at guwapong mukha ng asawa ang kanyang nasilayan.
"Honey, how are you feeling? May dinaamdam ka ba? Shall I call a doctor?" Puno ng pag-aalala ang boses na tanong ni Denis.
"Na saan ang anak ko? Na saan si Juniel?"
"Pinauwi ko muna sila ng yaya niya sa bahay,"
"Bakit ka nandito? I don't want to see you?"Si Vhans binawi ang kamay sa pagkakahawak ng asawa. Pagkatapos at inhaling sa bang direksyon ang paningin.
Ganun na lamang ang paninikip ng dibdib ni Denis pero hindi niya ito iiwanan. Not this time, kailangan siya ng asawa higit kaninuman. At kahit ipagtabuyan man siya nito at hinding-hindi siya aalis.
"Honey, I know that saying sorry isn't enough. Alam ko rin na napakalaki ng naging kasalanan ko sayo, at sa relasyon natin bilang mag-asawa. I love you, wifey, ikaw lang naman ang nag-iisang babaeng minamahal ng puso ko. Sa kagustuhang kong magkaroon ng anak muli ako ng nakipagrelasyon kay Monique. Yes, I lied to you, She was my ex-girlfriend bago pa tayo nagkakilala. She agreed to give me a child. Pero hanggang doon lang iyon, ikaw la g ang mahal ko, Vhans. Ikaw lang."hilam sa luha ang magkabilang sulok ng mga matang pahayag at oag-amin ni Denis.
"I made a big mistake pero handa akong ituwid ang lahat ng pagkakamaling nagawa ko. Please, honey, give me a second chance, nakikiusap ako,"
"Bakit pa? Magkakaanak na kayo hindi ba? Mabibigyan ka na niya ng anak, hindi iyon naman ang gusto mo? luhaang ani Vhans nasa boses ang pait at paghihirap ng kalooban.
"Iyon din ang akala ko, Na magiging masaya ako kapag nagkaroon ako ng anak sa ibang babae but I was wrong. All I want is to have a child only with you. Ikaw lang ang gusto kong maging ina ng magiging anak ko tanging ikaw lang, honey, mahal na mahal kita Vhans." humagulhol nang bukas ni Denis.
Hilam na rin sa luha ang magkabilang sulok ng mga mata ni Vhans. Mahal na mahal din niya ang asawa sa kabila ng pagtataksil nito sa kanya.
She can't hate him that much for the fact that Denis is better half of her life. She loved him so much and she won't hesitate to give him a second chance to prove his true love.
"Forgive me, honey," mahal na mahal kita.
"I love you, too, Denis." humihikbing aniya.
Tinugon ni Denis ang asawa sa pamamagitan ng higpit ng mga yakap at Tamils ng mga halik nito.
Samantalang si Monique, kung gaano kasaya si Denis ay siya naman kalungkot ang dalaga. She was in a terrible grudge of pain the moment Denis left her.
Nalaman kasi nito na hindi siya totoong buntis at Mahal na mahal nito ang asawang si Vhans.
Yes, aminin niya may kasalanan din siya, but how could it be? Wala na siyang magagawa so the best thing she could do is find herself.
Nagbihis siya at planong bisitahin ang kaibigang si Lorgee ngunit laking pagkamangha niya nang paglabas niya ay may naghihintay sa kanya sa harap mismo ng kanyang suit.
"Dennis!"
"Yeah nagulat ka pa, how many times I called your phone but you didn't bother to answer." May ngiti pa ito sa labing ipinagbuksan ng pinto para pumasok sa loob ng sasakyan ang dalaga.
A guy who is seriously in loved with her long time ago ngunit binalewala niya ito dahil sa kahibangang pagmamahal sa lalaking may asawa.
Kung may Denise Oh si Vhans, may Dennis Trillio din si Monique na handang tumanggap, magpaligo at handang ibigay lahat ng gusto ng dalaga.*******WAKAS*******
A/N:
Exactly, how can we develope this into a positive thoughts? After all these years of working oversea, for those who are married, how can you manage your time with your husband when you are miles away from him? Loyal pa ba sila sa inyo? I doubt mga diwata. One in a million guy who will stay faithful to their wife as you are away. Mga diwata, come to think on it, practically speaking, you will have taken a significant steps towards deleting the worry habbit that eventually plagues in your mind, hindi maiiwasang maghinala dahil malayo tayo sa kanila.
I was fascinated on this. Could it really be possible to profoundly improve the quality of our life with such a simple one? Pagiging dalaga lang para walang sakit sa ulo? How many challenges we might face, be strong, walk with GOD and your dreams you will eventually move beyond the thorns patungo sa magandang kinabukasan...OFW, anuman ang mangyari, humawak sa kamay ng Dios huwag humawak sa matigas...
Awst...nangalay ako...