Lhiane's P.O.V
Nababasa ko mga sulat nya saakin.
Nagulat ako ng sinabi nyang pupunta sya sa bahay at manliligaw.
Sana...pumayag si mommy.
I love him very much.
After 2 months.
2 buwan na ang nakakaraan wala pang nagngangalang jimin ang pumunta sa bahay at wala pang jimin na nagpaparamdam gamit ang paggawa ng letter.
Nagsawa na ba sya?
Napagod na ba sya?
Natakot ba sya kay mommy?
O hindi kaya......
Hindi na nya ako mahal?
Siguro nga napagod na sya.
Tsk. Pinaasa nya lang ako.
Pinaasa nya ako na may jimin na laging pumupunta dito sa bahay at nanliligaw.
Kaparehas lang din pala sya ng ibang mga lalaki!
Akala ko sya na! Hindi pala.
Akala ko ba gagawin nya lahat para makasama ako? Eh ano nangyari? Mawawala lang sya ng parang bula.
Sinayang nya lang mga papel nya.
Tama nga si mommy, ginugulo lang nya buhay ko.
Sana nagpalipat nalang ako ng school pero no choice 4th grading na.
Oo kilala na nga nya siguro ako pero kung talagang gusto nya ako makita lalapitan nya ako sa school diba? Pero kahit dumaan ako sa harapan nya parang wala syang nakikita.
Nakakainis! Inidolo ko pa sya! Bakit ba ako nagkagusto sa tulad nya?
Siguro dapat kalimutan ko na sya.