"Babe kumusta ang araw mo?"*
"Okay lang..."
Eto, Sinundo ko sya sa school. February 13 ngayon ng hapon, Isang araw bago ang aming 1st anniversary.
Napapansin ko na hindi sya umiimik, tahimik lang sya at parang isang tanong isang sagot ang daloy ng aming pag-uusap. Parang may mali. Hindi pala parang. Meron talagang mali. May problema kaya sya? Pilit kong inaalis sa isip ko pero parang habang natagal lalong lumalakas ang kabog ng dibdib ko. Kinukutuban ako ng masama.
"Uhm... Babe, may problema ba?"*
"Wala. Ayos lang ako."
"Sigurado ka? Eh bakit parang nitong mga nakaraang araw ang cold mo, ang mga sagot mo sakin, hangga't maari hindi hahaba sa 5 words. Pati kapag natawag ako sa'yo, pakiramdam ko gusto mo na agad ibaba ang tawag."*
"......"
"May nagawa ba akong mali babe? Sabihin mo please... Sorry kung meron nga..."*
"Wala naman babe. Wala 'to."
"Hindi mo ba pwedeng sabihin sa'kin yan Khy? Sagutin mo ako please... Mamatay ako sa kakaisip."*
Hindi sya umiimik. Lalo akong kinakabahan. Nasikip na din ang dibdib ko. Pakiramdam ko may mangyayaring masama.
"Hindi ko rin alam Drei. Gulong-gulo ang isip ko..."*
"Sabihin mo sakin Babe. Boyfriend mo'ko, pwede ka magsabi sa'kin. Lagi akong nandito para sa'yo, kahit pa mahirap intindihin uunawain ko ang sasabihin mo sa'kin."*
"......"
"Please..."*
"I DON'T DESERVE YOU Andrei."
Nagkamali ba ako ng rinig? Pero ang linaw ng pagkakasabi nya.
"Wait. What did you say?"*
"Andrei, pagod na ako."
"Teka lang babe, pagod saan? Hindi ko maintindihan."*
Natahimik sya, at ako ay nakakaramdam na ng kaba, takot, lumalakas ang kutob ko. Umupo kami sa bench na malapit sa'min.
"Lately na-realize ko, hindi pala tayo para sa isa't - isa. Pakiramdam ko I am too much of a burden for you. Palagi mo nalang akong nililigtas, palagi mo nalang akong binibigyan ng effort. Oo I appreciate it, pero, di ko naman maibalik sa'yo ang mga iyon. You're too much for me and I'm not enough for you. Di makaya ng konsensya ko na minamahal mo ako ng lubos at di ko matumbasan ang pagmamahal ko. Sinusubukan ko pero wala eh, You're just too great for me."
"Babe ano bang pinagsasasabi mo?... Hindi naman importante sa'kin kung masusuklian mo ung mga ginawa ko para sa'yo. I Love you and yun ang dahilan kaya ko nagagawa ang lahat ng ito. kasi Mahal kita. Mahal na mahal, Kyla."*
"...... Mahal din kita... Pero di sapat ang pagmamahal ko para mapasaya ka gaya ng pagpapasaya mo sakin. Puro nalang pahirap at lungkot ang binibigay ko sa'yo. Di balanse. Di pwedeng ikaw lang ng ikaw. Di ko magawa ang mga bagay na deserve mo."
"Babe naman..."*
"You deserve someone better. At hindi ako yon. "
Bumitaw sya sa kamay ko. Nagulat ako sa ginawa nya.
"Babe, anong ibig mong sabihin nito?"*
"Ayoko na. Break na tayo."
"Babe, nagbibiro ka lang diba?"*