Chapter 2: OH SH*T

14 1 1
                                    


*BOGSH TAK BOGSH TAK TAK BOOM!!!!*


*Nagkusot ng mata*


Hay. Umaga na pala. Papasok na ulit. Haha. Pag di pa ako nagising sa alarm ko, eh Metallica na kantang sinet ko bilang alarm. XD.

Panibagong simula na naman ito ng aking paglalakbay para mahanap ang the "Ultimate Chix." Makita ko kaya sya sa school? Baka naman sa SM o kahit sa daan lang? Magiging exciting ang hunting na ito!

Limang minuto lang ay bihis na agad ako at sasakay na ng jeep para pumasok. Pero mayroon lang akong isa problema.

Nang makasakay ako ng jeep at malapit na sa BSU (short for Brian Smith University) ay saka ko naala-ala na.... SH*T! ANG I.D KO!!!! HALA PANO NA 'TO DI NA AKO PWEDE BUMALIK AT MALE-LATE AKO SA KLASE NAMIN!


Natataranta ako habang nag-iisip ng gagawin para makapasok ako. Takte, di pa naman ako pro sa mga ganitong bagay. Di naman kasi ako bad boy o pasaway na maraming alam na mga ninja moves para makalusot sa mga ganito. Asar. Ba't kasi nakalimutan ko pa! UGRHHHH!


Di ko namalayan na halata pala ang pagkataranta ko at natawa yung mga kasuno ko sa jeep. LECHE! NAKAKAHIYA >//< MONDAY NA MONDAY ETO AGAD ANG NANGYAYARI SAKIN!

Nakarating din ako sa BSU at bumaba na ng dyip ang mga pasahero. Dahan-dahan akong naglalakad at nakasilip sa gate upang tingnan kung andun yung guard ng school. May dalawang guard kasi sa school. Una ay ang lalaking guard. Walang paki si kuya sa mga nadaan. Ewan, wala sya paki eh. XD.Napapansin ko kasi pag nadaan ako tapos may nakikita akong mga nadaan na walang I.D. wala syang pakialam, busy sa pagkukutingting sa cellphone nya. Ang pangalawa at ang MEAN sa dalawa ay ang babaeng guard, a.k.a. "Lady Guard." Hays, ano pa bang ineexpect ko.... Halos naman ata lahat ng babaeng guard sobrang sungit at sobrang strict, talagang kung anong inatas na trabaho sa kanila gagawin nila, tipong makikipagbarilan sayo ng salita kahit anong pilit mo eh wala kang takas.

.........

OH SH*T! SI BABAENG GUARD ANG NAKABANTAY T_T HALA PUSANG-GALA PAANO NA ITO!

ANDREI MAG-ISIP KA! HINDI PUPWEDENG DI KA PUMASOK, TANDAAN MO MAY SCHOLARSHIP KANG PINANGANGALAGAAN, MAGAGALIT PATI ANG INAY MO! NAKO ANO NALANG SASABIHIN NI INAY PAG NALAMAN NYANG MAY ABSENT AKO O MAY RECORD AKO SA UNIVERSITY NA NAKALIMUTAN KO ANG I.D. KO. JUSKO TULUNGAN NYO AKO T_T


*TING!*


ALAM KO NA!

Inalis ko ang sakbat kong bag at umaktong parang may kinukuha sa bag. Palapit na ako ng palapit sa Lady Guard. Inayyyy sana di ako mahuli. 5 meters... 4...... 3..... 2..... 1.....


Bumilis ang kabog ng dibdib ko. Eksaktong nasa tapat na ako ng lady guard. Teka, nakatingin ba sya sakin? HALA! PUTEK! NAPANSIN NYA ATANG WALA AKONG I.D? O_O

Dahan-dahan..... Di naimik ang lady guard. Di nga kaya nya napansin? Effective nga kaya ang ninja moves ko? Mukha nga! YES!!! WHOOOO

Ng biglang

"Nako yung mga walang I.D dyan na kunwari naghahalungkat ng bag. Kala mo naman di halata."


OH SH*T!


"Utoy, nasan ang I.D mo?"

KINGINA! WTF! UGHH!!!!!!

Just FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon