Chapter 3: Finally... With a Twist

13 0 0
                                    

 "OH SH*T! DREI! TINGNAN MO SYA DALI!"  

Dali-dali akong pumunta sa pwesto ni Brian.

Akmang titingnan ko na si Babaeng makapal ang mukha ng--


WHAT THE F*CK? 


Biglang humara ang  isang grupo ng kalalakihan. BWISET NAMAN OH KUNG KELAN MAKIKITA KO NA KUNG SINO YUNG BABAENG YUN SAKA NAMAN BIGLANG HUMARA ANG MGA KUMAG NA 'TO!

"Uhh, makikitabi nga po."

Tumabi naman ang grupo at nang tiningnan ko ay wala na si Mystery Girl.

"Hala, Brian di ko na sya nakita."

"ALA DREI SAYANG DI MO SYA NAKITA!"

"Bakit, ano bang itsura nya?"

"ONE WORD: SH*T"

"Anong Sh*t? Sh*t na mabuti o masama?"

"Sh*t na ---"

"BRIAN! WALA DAW PASOK NGAYONG HAPON. TARA NA AT UUWI NA TAYO."

"Drei una na kami ni Mama. Basta, magugulat ka pag nakita mo sya."

At umalis na sila ni Mam Analytic Geom. Kuh. Kainis naman eh di pa sinabi kung ano eh. Binitin pa talaga ako. Ugh. Dahil mag-isa na naman ako, niyaya ko na muna Jake at Ricky na mag-sm muna kami. Maglalaro muna kami sa WoF, total marami naman akong nahinging token kay Brian (dahil adik maglaro ang mama nya sa WoF at mga slots, kaya sagana sya sa mga token). 

*toot toot*

*1 New Message*

*Message*

Jake: Uy, di muna kami makakasama sa'yo. May klase pa kasi kami. Sa sunod na lang. Gege. 

Anak naman ng tinapa. Solo pala ako ngayon maggagala. Hay buhay. Kakatamad pa kasi umuwi sa amin. Bukod sa maaga pa eh traffic pag ganitong oras pauwi. Mukhang no choice ako kundi magsolo. Sabagay. Sanay na naman ako MAGSOLO. (DRAMA XD)


Lumabas na ako ng BSU at sumakay ng jeep papuntang SM. 

"Manong bayad ho."

"Saan itong bente?"

"Sa pitaka nyo po. De joke. Isa po, estudyante."

Biglang sama ng tingin sakin ni manong driver. Nainis ata sa joke ko :'D XDD

Medyo mabagal ang andar ng jeep namin dahil traffic kaya nag saksak muna ako ng earphones sa tenga ko at nagpatugtog. Unang kanta agad na tumugtog sa playlist ko ay ang 14.

Sh*t... 

Inaayos ko ang iyong isipan... Ngunit hindi ka nakikinig....

Lahat na ng bagay ay aking ginawa ngunit wala parin....

Sobrang drama naman. Tek. Ininext ko nalang para di ako makapag-isip ng kung ano.

Minsan.... Hindi ko maiwasang isipin ka...

Lalo na... Sa t'wing... Nag-iisa....

Ano na kayang.. Balita... Sa iyo...

._. Grabe. Pinatatamaan ba ako ng playlist ko? naka shuffle naman to ah. Bakit parang magkakarugtong ang kanta? Parang pilit ibinabalik ang aking nakaraaan? 


Pagtingin ko sa labas ay nasa SM na pala kami. 

Aba. Kabilis naman ng byaheng yun. Nakinig lang ako ng ilang mga DRAMA songs nakarating na agad sa SM. Matindi nga. XD

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 31, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Just FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon