A/N: Ito yung una so experience ko muna. Maikli lang to pero sana ienjoy niyo! Thanks. By the way, it happens years ago. Mga high school ako.
--
Madaling araw na pero gising pa rin ako. Nasa kwarto kame ng ate ko. Tulog na siya. Magkahiwalay kame ng bed, Yung bed niya is malapit sa bintana. Yung position kase ng bed namen is pa-L. Yung position ng bed niya is pahalang ako vertical. So ayun na nga, hindi pako makatulog nun mga 2 or 3am yun. Nakahiga ako nun yung posisyon ko is nakikita ko yung pintuan namen. Nagmumuni muni lang ako. Nang biglang Psssssttt! Psssst!
Nagulat ako nun! Ako nalang ang gising samen so sino yung sisitsit saken ng ganung oras? Napapikit nalang ako at pinilit kong makatulog.
Kinabukasan pagkagising ko, ukinuwento ko sa monmy ko yung nangyari, ang sabe niya siya daw yun. Pero sa isip ko imposible kase ako nalang ang gising at hindi naman siya bumangon nung time na yun. Sino kaya yon?
BINABASA MO ANG
Horror Experiences
TerrorMay mga bagay sa mundong ito ang hindi natin nakikita o nararamdaman. Sa mga kwentong inyong mababasa handa ka na ba? Handa ka na bang maramdaman sila? Sino ang nasa tabi mo?