Sabe nila, hindi daw pwedeng matulog kapag may patay, o kung matutulog man, dapat may izang nagbabantay.
Nangyari ito nung patay yung lolo ko. Madaling araw na nun, halos tulog na lahat maliban sa mga bisita at samen ng anti ko.
Nandun kame sa kusina para mag ayos ng mga pagkain ng bisita.Dun sa lamesa e my isang kandila na sindi. So madaling araw na yun kaya yung anti ko pa-andap andap na yung mga mata.
Umalis ako saglit sa kusina para puntahan yung mga nakikilamay, pag balik ko sa kusina nakita ko yung anti ko na nakapikit, pagkakita ko sa anti ko e napansin ko yung kandila na nakabend, as in nakabaluktot siya pero hindi naman siya yung natutunaw na kaya bumaluktot. Ginising ko yung anti ko tapos inayos namen yung kandila, edi diretso na ulit siya.Patuloy pa rin kame sa pag aayos ng pagkain. Maya maya, lumabas ulit ako para bigyan ng pagkain yung mga tao. Pagbalik ko, nakita ko ulit yung anti ko na natutulog, at yung kandila na nakabaluktot nanaman!
"Hala! nakabaluktot nanaman to! Paanong nangyari yun e kakaayos lang namen to kanina", sabe ko
Ginising ko yung anti ko at inayos ulit namen yung kandila.
Patuloy pa rin kame sa pag aayos ng mga pagkain.
Tapos lumabas nanaman ulit ako.
Pagbalik ko ganjn ulit, nakapikit Anti ko tapos yung kandila ganun nanaman yung itsura! Ginising ko agad anti kl!
"Anti! Anti! Gising! Yung kandila ganun nanaman yung itsura! Nakabaluktot nanaman!", sabe ko"Ha? E kakaayos lang natin niyan kanina ah?
"Oo nga e.
"Naku baka si Tatay yan (Si tatay is yung lolo ko, tatay tawag namen sa kanya). Baka pinapahiwatig niya na wag matutulog kase walang nagbabantay",
Edi ang ginawa namen ng anti ko hindi na ulit siya natulog st uminom nalang kape at hindi na rin muling bumaluktot yung kandila.
BINABASA MO ANG
Horror Experiences
HororMay mga bagay sa mundong ito ang hindi natin nakikita o nararamdaman. Sa mga kwentong inyong mababasa handa ka na ba? Handa ka na bang maramdaman sila? Sino ang nasa tabi mo?