Chapter 1:

464 8 1
                                    

Ito na po ang Chapter 1. Sorry po kung matagal. Short update lang po ang nagawa ko kasi may lagnat po kasi ako. Sana po magustuhan nyo :">

----

"Jose Marie, magkikita na rin tayong muli" nangingiting sabi ni Karylle sa sarili habang pasakay sa Eroplanong patungong Pilipinas.

Nagmula pa si Karylle sa America upang magtransfer sa Showtime University. Nabalitaan kasi nya na doon nag-aaral ang minamahal nya. Pinilit nya ang mga magulang nya na umuwi sa Pinas pero ayaw sya pagbigyan ng mga ito kaya lumayas ito at sumama sa Bestfriend nyang si Jhong na nakilala nya sa America na uuwi rin sa Pilipinas.

-----

Habang nasa byahe ay todo titig si Karylle sa picture nilang dalawa ni JM noong bata pa lamang sila.

"Ang gwapo mo talaga, JM" ang sabi ni Karylle sa sarili habang todo ngiti naman sya sa eroplanong sinasakyan.

"Ayan ka nanaman Karylle. Ilang ulit mo na ba tinitignan yan? Hindi mo ba talaga yan pagsasawaan?" ang sabi ni Jhong sa matalik na kaibigan.

"Tumahimik ka nga Jhong! Alam mo naman kung gaano kaimportante si JM sa akin diba?" sagot naman ni Karylle sa kanyang bff.

"Eh bat siya pa kasi? Eh nandito naman ako?" mahinang wika ni Jhong na hindi naman narinig ni Karylle.

Nakatulog nalang si Karylle sa byahe.

-----

"Mahal kita Karylle. Ikaw? Mahal mo rin ba ako?" tanong ng isang batang lalaki na ang edad ay nasa 5 pa lamang.

"Mahal rin kita JM!" tumatalong sigaw ng isang batang babae na nakasintipid ang buhok.

"So, papayag kang maging asawa ko balang araw?" tanong nito sa batang babae ng nakangiti.

Hindi umimik ang inosenteng babae dahil na rin sa pagkabigla.

"Papakasalan kita balang araw, kahit anong mangyari, pangako yan."

*We are now landing on the Philippines*

"Jose Marie." ang tanging salitang nasambit ni Karylle ng magising ito.

-----

Pasensya na po kung pangit ang update. Di po kasi ako inspired haha :3

Akin Ka Nalang At Sa'yo Na Lang Ako (ViceRylle Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon