Chapter 2:

399 7 2
                                    

Ayan na po. Nawala ang lagnat ko kahapon sa Sine Mo To. Nakakakilig kasi yung niyakap ni Nanay Kurba si Tatay Pogi about sa Lee Min Horse. <3

-----

Pagkarating ni Karylle sa lugar kung saan sya nakatira noon ay napangiti sya, lalo na ng matanaw nya ang park kung saan sila una nagkakilala ni Jose Marie. Napangiti nanaman sya ng maalala nya ang mga iyon.

*FLASHBACK*

Bago lamang si Jose Marie sa lugar na iyon dahil kalilipat lang nila noong nakaraang linggo. Wala pang masyadong kakilala ang mag-anak at hindi pa nila masyadong nalilibot ang lugar kaya nagpaalam muna si Jose Marie sa kanyang mga magulang upang maglibot sa paligid.

Habang naglalakad ay nakita nya ang babaeng nag-iisa at umiiyak sa isang swing sa park.

Nilapitan nya ito.

"Bakit ka umiiyak?" tanong nya rito.

"Paki mo?" nagsungit ito.

Hindi na sya sumagot ng makita nya ang sugat sa paanan nito.

"Ano ba! Ibaba mo nga ako!" nagpumiglas ang batang babae ng i-piggyback sya ng di kilalang lalaki.

Hindi sumagot ang batang lalaki dahil ayaw nyang humaba pa ang usapan nito.

Si Jose Marie Viceral o JM ay isang lalaking hindi madalas magsalita kaya wala pa itong nagiging kaibigan maski sa dati nilang lugar. Sya ay isang outcast at walang pakialam sa mundo pero nagbago ito ng makilala nya si Karylle.

Si Ana Karylle Tatlonghari o Karylle ay isang babaeng masungit at hindi nakikipag-usap sa mga hindi kakilala at sa mga taong ayaw nya. Marami rin syang kagalit dahil na rin sa ugali nya pero nagbago sya dahil kay Jose Marie.

Dinala ni JM si Karylle sa bahay nito para gamutin ang sugat na natamo ng di kilalang batang babae. Napansin naman ito ng nanay ni JM dahil sa pagbukas ng pinto.

"Nandyan ka na pala,anak!" masayang sambit ng Nanay ni JM dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay may dinalang kaibigan si JM sa bahay nila.

"Sino naman itong magandang babae na'to?" masayang tanong ni Nanay Rosario sa anak habang nakangiting tinignan ang nakasimangot na si Karylle.

"Di ko sya kilala." mabilis na sambit ni JM sa Inay habang kinakain ang nilutong adobo ng nanay nya na sya namang paborito nito.

Mas lalong napasimangot ang mukha ni Karylle at mas lalong tumaas ang isang kilay nito sa narinig.

"Pagpasensyahan mo na sya, Iha. Ganyan lang talaga yan. Kain ka na muna dito. Ano nga palang pangalan mo?" tanong ni Nanay Rosario kay Karylle na ngayon ay nanghuhugas ng kamay sa lababo.

Matagal ng sumagot si Karylle dahil nga sa ugali nyang hindi nakikipag-usap sa mga taong di nya kilala. Pero nahiya naman sya dahil sa kabaitan ng Nanay ni JM kaya napagpasyahan nyang sumagot nalang ito sa tanong ng babae.

"Karylle po. Ana Karylle." sagot ni Karylle ng di ngumingiti. Sa totoo lang, bihira lang ngumiti ang isang Ana Karylle Tatlonghari.

"Bilisan mo kumain para magamot ko na ang paa mo" masungit na utos ni JM kay Karylle.

Tinaasan sya ng kilay ni Karylle at bumuntong hininga na lang si JM.

"Sige." maikling wika ni Karylle.

-----

Sorry po kung pangit mga sibs. Please,Mag post po kayo ng Comments kahit mga Negative po para malaman ko kung ano yung side nyo hehe. :)

Akin Ka Nalang At Sa'yo Na Lang Ako (ViceRylle Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon