May problema ka ba sa mga blackheads mo sa mukha? Ito ang isang solusyon...
Nabasa ko lang to somewhere. Effective siya kasi natanggal talaga yung blackheads ko hindi naman lahat pero matatanggal talaga siya. Kuha kayo na isang itlog at tissue yun lang. Tapos paghiwalayin yung pula tska yung puti ng itlog. Ang kukunin nyo lang yung puti. Pero bago niyo iapply sa face niyo mag hilamos muna with sabon niyo sa mukha. Syempre pupunasan niyo mukha niyo pag tuyo na yung face niyo apply niyo yung puti ng itlog sa mukha niyo. Dampi dampi lang. Syempre mandidiri kayo bukod sa malagkit malansa pa yung amoy pero keri niyo yan para naman sainyo yan. So yun nga pag naglagay kayo ng puti ng itlog sa mukha lagyan niyo na ng tissue habang basa pa para dumikit. Yung tissue syempre hiwahiwalay para malagay sa mukha diba nahahati yung tissue by square diba. Basta kayo na bahala mag lagay sa mukha niyo. Buong mukha lalagyan nyo parang gumagawa lang kayo ng paper mache tama ba yung spell kung mali sorry po :) basta yun nga. Pagtapos niyo lagay lahat sa mukha niyo antayin niyo matuyo. Kapag tuyo na yung parang maskara na sa tuyo basta ganun. Pede na niyong tangglain dahan dahan lang para solid. Tas pagtapos nun makikita niyo yung blackheads niyo nakadikit sa tissue. Tapos hilamos na kayo.
Tignan niyo pagtapos niyo gawin yan parang gumaan yung mukha niyo tska lumambot pede niyo siya gawin twice a week. Kayo bahala kung kailan niyo gustong gawin. Pero nakakapagod lang pero ok lang din 👍 kasi para sainyo din naman yun ^_____^👍👍
| V O T E | C O M M E N T |
BINABASA MO ANG
# D I Y
RandomThis is a random tips for everyone :) May problema ka ba sa.... blackheads, tigyawat sa mukha at likod ng katawan mo , pagkulot ng buhok without using curlers or iron, pampaputi ng itim itim sa katawan, pag design ng isang bagay at marami pang iba...