one shot i
Tumingin ako sakanya, tumingin din siya sakin.
“Hi best friend.”
“Hi best friend.”
Pagkalagpas namin, tumalikod ako at tinignan siyang naglalakad palayo. Hi Bestfriend. Ngumiti ako.
Bigla siyang lumabas ng room at huminto sa harapan ko.
“Hi best friend!”
“Hi best friend.”
Huminto din ako. Buong mundo ko.
Malakas ang ulan, wala akong payong na dala. Biglang may nagtapat sakin ng payong at pagtalikod ko…
“Hi best friend.”
“Hi best friend.”
“Sabay na tayo.”
“Sige.”
Nginitian niya ako, kaya nginitian ko din siya.
“Hi best friend.”
“Hi best friend.”
“Best friend, gusto kong matutong mag gitara.” Sabi niya sakin.
“Anong kanta naman at bakit? Manliligaw ka no?” Pabiro kong sabi sakanya habang mahina kong hinampas yung braso niya.
Napakamot siya sa ulo at iniwas ang tingin sakin, “oo eh, anong kanta ba ang maganda sa gitara?”
Ngumiti ako, “magbalik, good luck.”
“Paborito mo talaga yun no?”
“Oo, haha nice, si best friend luma-love life na. Yie.” Sabi ko sabay talikod.
Pagkatalikod ko, kinagat ko nalang yung labi ko. Oo, may gusto ako sa best friend ko. Na tipong, isang hi best friend niya lang, kuntento na ko. Na tipong, isang ngiti niya lang sakin, humihinto ang mundo ko. Oo, kuntento na ko na best friend ko siya, at best friend nya lang ako. Pero masisi nyo ba ko? Tao din ako.
Ilang weeks kaming di nagpansinan. Pag nakikita ko siya, nagkakatinginan kami pero inililihis ko din ang tingin ko. Habang hawak hawak yung research paper na pinadala sakin, parang nagunaw yung mundo ko nang makita ko siya at yung kaklase niya. Nakaluhod siya habang yung kaklase niya ay nakatayo. Tinutugtog niya yung ‘magbalik’ sakanya. Talagang nag aral nga siyang mag gitara. Bigla kong nahulog yung mga hawak kong research paper. Huminto siya at napatingin sakin. Tumayo siya at lalapitan sana ako.
“Uy, best friend.”
Napayuko ako atsaka tumakbo palayo.
Ilang linggo ang lumipas, Umuulang ng malakas ngayon, saktong birthday ko pa. t nakahiga lang ako sa kwarto ko nang makarinig ako ng katok sa pintuan. Tumayo ako at binuksan yung pintuan atsaka…
“Hi Best friend.”
Nakita ko siyang nakatayo sa tapat ng pintuan namin habang may dala dalang gitara at basang basa yung ulo at damit.
“Hi, best friend.” Mahina kong sabi.
Lumuhod siya atsaka tinugtog yung ‘Magbalik’ sabay kanta sa tono neto. Napapansin ko yung mga plaster at band aid niya sa mga kamay niya. Pinapanood ko lang siya, yung boses niya lang ang tanging naririnig ko kasabay ng kanyang gitara at ang pagtibok ng puso ko. Pagkatapos niyang kumanta ay tumayo siya at yumuko.
“Best friend,” tumingin siya sakin. “Namiss kita.”
Tinignan ko lang siya, habang patuloy parin ang pagbilis ng tibok ng puso ko.
Ngumiti ako, “Ako din, namiss din kita,” I paused, “best friend.” Sabi ko habang nakayuko parin.
Ngumiti siya at napakamot sa ulo, “mali yung inakala mo sa nakita mo saamin, practice yon, para sana, sayo.”
Inangat ko yung ulo ko at tumingin ako sakanya, tumingin din siya sakin at nakaramdam ako ng spark. “Sakin?”
“Best friend,” lumapit siya sakin, at hinalikan ako sa cheeks, “I love you.”
“Kelan pa?”
“Simula nung, sinabi ko sayo yung,” tinignan niya ako at ngumiti, “Hi best friend.”