ix. smash book

1.1K 60 5
                                    

one shot ix

“Ano nanaman yan?”

Dali dali kong sinarado yung smash book na hawak hawak ko, “wala, project.” Matipid kong sagot.

“Ikaw ha, patingin nga!” Pilit nyang inagaw sakin yung smash book, pero inaagaw ko din pabalik.

“Ano ba tigilan mo nga ako Neil.” Sabi ko.

Tinignan niya lang ako at tumawa, “pikon!” Sigaw niya sabay dila.

Tumalikod ako at di nalang siya pinansin, “tss, manhid.” Bulong ko.

“Ano?”

Humarap ulit ako sakanya at dumila, “wala!” Sabi ko sabay takbo.

Hinabol niya naman ako. “Ulitin mo yun!”

In short, naghabulan kaming dalawa. Pero syempre, nahabol niya ko kasi lalake siya at babae ako.

Binatukan niya ko, “ano nga yun?”

“Wala nga!”

Hinawakan nya ng mahigpit yung braso ko. “ANO YUN.”

Tinitigan ko lang siya ng masama, at binatukan ko din gamit yung kabilang kamay ko. “Ba’t ba ang kulit mo?”

Binitawan niya ko sabay talikod, “manhid.” Bulong niya.

Hindi ko siya hinabol nung umalis siya, tinignan ko yung smash book na hawak hawak ko at binuksan ko, dahan dahan kong nilipat yung mga page nung smash book ko. At nakita ko yung mga pictures niya, mga pictures ni Neil.

Nakita ko si Neil, may hawak hawak din na parang libro o journal, pero di ko siya pinansin naglalakad siya papalapit sakin. Huminga ako ng malalim at pinakita ko pa ito sakanya.

“Ano ba yan! Para namang pinapakita mo pa na di pa ko lumalapit eh pinapalayo mo na ko sa isip mo!”

“Pano mo nalaman yung nasa isip ko?” Tanong ko, mocking him.

Umupo siya sa tabi ko, sa damuhan. “Tignan mo oh! Parehas pala tayo ng smash book!”

“Gaya gaya ka kasi!” Sabi ko.

Binatukan niya ako. Si Boy Batok ‘to eh. “Baka ikaw? Gusto mo makita nasa loob?”

Tinignan ko yung hawak hawak niyang smash book na kaperehas nung akin. Uso pala ganito sakanya eh dakilang tamad nga ‘to. “Hindi ako interesado.” Kasinungalingan.

“Weh? Interesado ka eh!” Kinuha nya yung smash book ko at smash book niya at pinagtabi niya pa.

Tinignan ko siya. “Bakit ba kahit ang tahimik tahimik ko palagi, kahit na ang sunget sunget ko, kahit na tinutulak kitang palayo, lapit ka parin ng lapit?” Seryoso kong tanong sakanya. At bakit kahit andito na ko sa harapan mo, di mo parin ako makita?

Ngumiti lang siya at tumayo. “Malalaman mo rin kung bakit, pero hindi ngayon yun.”

 Pagkaupo ko sa classroom, binuksan ko agad yung smash book ko. Nakita ko sa gilid ng mata ko na pumasok siya sa classroom namin. Dun siya sa kabilang dulo ko nakaupo kaya malayo kami sa isa’t isa, nakita kong tumingin siya sakin kaya naman napatingin din ako sakanya, pero binawi ko din agad yung tingin ko. Binuksan ko yung smash book, at pagkabukas ko…

nakita ko yung mga picture… KO. 

Drabbles & One-ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon